Chapter 11

4.8K 111 0
                                    

    Di nya na hinintay na bumalik ang matanda sa silid. Sya na mismo ang naghanap rito ng makalabas ng sariling silid.
    Inuna nya munang puntahan ang silid nito. Marahan syang kumatok ng nasa tapat na sya ng pintuan.
"Lo,?"aniya sabay katok ng marahan.
"Bukas yan iha.. halika pasok."pagkadaka ay narinig nyang tinig nito.
Pinihit nya ang knob pabukas,itinulak ng marahan para makapasok sya sa loob niyon.
Nakita nyang nakaupo ang matanda sa mini sofa nito sa loob ng kwarto nakaharap sa malaking tv screen. Nanunuod ito ng comedy indian film na "THE THREE IDIOTS "
Napalingon ito sa kanya at sabay ngiti!
"Halika iha. Upo ka dito sa tabi ko. Samahan mo akong manuod nitong Bollywood movie. "Ang turan ng matanda. Pinagpag pa nito ang tabi ng upuan.
Napapangiti syang sumunod sa sinabi nito.
Malalaki ang ginawa nyang mga hakbang para agad makalapit sa matanda.
  Umupo sya sa tabi nito na nakataas ang mga paa sa upuan. Gawain nya na iyon basta nasa loob lang sya ng bahay.
  "Bakit yan ang pinapanood mo lolo? "Ang naisipan nyang itanong rito.
"Kasi maraming kapulutan ng aral iha. Tingnan mo yang isa sa mga lead character. He's a genius boy. He's too clever too "Anito habang nakatitig ang mga mata sa screen.
"Eh lolo, medyo bad din nman ang ginagawa nyan. Kita mo oh. Nag-aaral sya sa mga college campuses na iba iba ang mga pagkatao na ginagamit. "Ang sabi nya. Pahapyaw lang ng mapanuod nya ito sa internet.
  "Yes. Kaya nga marami syang courses na lang natapos dahil sa pagiging clever nya. Andami nyang diplomang natanggap. "Anito. Maya maya napatitig ito sa kanya.
"Maiba ako, gusto mo bang samahan kitang pumasyal bukas sa pagawaan ng asukal?"anito.
"Sure lolo, yan naman talaga ang naisip kong gawin bukas. "Ang baling nya rito.
"Ok, mabuti pa matulog ka na ngayon para bukas maaga kang makagising at sa sasabay tayo kay skyye patungo roon. "Saad ng matanda.
"Bakit pa tayo sasabay sa kanya kung napakaaga nman pala ng alis noon.? "Napasimangot nyang sabi. Di tumingin sa mata ng matanda. Kaya mas lalo nmang may sumilay ng magandang ngiti sa labi nito.
"Oh sya sige. Pahahatid na lamang tayo kay laila bukas. "Ang pinal nitong turan.
"Wag na lolo, marunong nman akong magdrive. Ipagdadrive na lang kita. "Ang napahagikhik nyang sabi sa  matanda.
"Oh talaga marunong kang magdrive?! "Di makapaniwala nitong sabi.
"Oo nman lo, ako pa! '"May pagmamalaking sabi nya rito na ikinatawa lang ng matanda.
Ilang sandali pa syang nagstay roon bagi nagpaalam ng makadama ng antok.

    Samantala si Skyye kanina pa nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Nasa isip nya pa rin ang kabuuhan ng babae ng pumasok sya sa silid nito.
Di nya malaman bakit ganun na lang ang nadaramang init sa katawan ng makita ang halos hubad na katawan ng dalaga.
Di kahabaan ang gamit nitong towel na pantabing sa katawan kaya expose ang mapuputi nitong binti.
    Ipinilig nya ang ulo. Nababaliw na ata ang kanyang isip sa kakaisip ng kung anu anu sa babae.
May girlfriend na sya. Isa ring modelo pero di gaya ng nadarama nya ngayon kay starre ang nararamdaman kay Fiona.
Maganda ito sexy, lahat ng qualities na gusto nya sa babae nandun na kay fiona. Ngunit bakit ng makitang muli si starre parang nanlamig sya sa girlfriend.
  "Ahhh! She's really a  witch! "Ang marahas nyang anas sa isipan. Nakapagkit pa rin sa isip ang mukha ng babae.
At naiinis sya sa sarili.
Kelangang nya sigurong dagdagan pa ang pagsusungit rito. Iiwasan nya ring magkalapit silang dalawa hanggang maaari.
    Mag-uumaga na sya nakatulog kaya naman late sya nakagising.
Napabalikwas sya ng bangon ng makitang nakalabas na si haring araw.
"Shit! Damn that witch! Kung di sya nanahan sa isipan ko kagabi di ako malelate ng gising! "Marahas nyang sabi sa sarili saka bumaba ng kama.
Madaliang naligo. May patabas pa nman siya ng tubo ngayon. Kaya dapat maaga syang nakapunta sa pataniman.
   Pagkabihis agad na syang pumunta sa garahe. Di na sya nag-abalang kumain ng agahan. pahahatid na lang sya roon  ng pagkain mamaya.

      "Maaga bang umalis ang anak mo laila? "Ang pagbubukas ni Florence ng usapan .
Nakadulog silang tatlo sa hapag kumakain ng agahan.
Pareho na silang nakabihis ng matanda paalis.
"Opo papa. May patabas po kasi ngayon ng sugarcane."ani ni laila.
"Oh, oo nga pala. Sya pala wag ka ng mag-abalang ihatid kami ni starre patungo roon. Dahil ipagmamaneho ako ng maganda kong apo. "Ang may malawak na ngiti nitong sabi sa anak.
"You have a driver license? "Baling ni laila sa kanya.
"Yes tita, more than two years na akong lisensyadong nagmamaneho sa amerika. "Nakangiti nyang sabi.
"Mabuti."tumatango tangong saad nito
Nagpatuloy sila sa pagkain. Matapos kumain. Gumayak na ang dalawa paalis.. gamit nila ang sasakyang bagong bili lang ni skyye. Isa iyong pajero na puti.
"Lo,pagkatapos nating bisitahin ang pagawaan pasyal tayo ha ."wika nyang nasa daan ang tingin palabas ng gate.
Magkatabi sila ng matanda sa unahan.
May kadahanan ang patakbo dahil ayaw nyang maalog ang  matanda. Kung siguro mag-isa lang sya kanina pa sya nakarating sa pagawaan ng asukal.
"Oh sya. May pupuntahan  rin nman ako. Ipapasyal kita sa bahay ng kaibigan ko. "Ang may saya sa tinig nitong sabi.
"Sige po lolo. Excited na akong maglibot libot rito. Namiss ko ang probinsya! "Di nya napigilang mapabulalas na may kasamang excitement.
   Napatawa lang ito. Napapreno sya bigla ng may sasakyang papalabas sa pagawaan ng di man lang bumusina.
Kung di sya agad nakapagpreno mahahagip sana ang unahan  ng  sasakyang dala nya.
Inis syang bumaba ng sasakyan matapos itabi iyon sa labas.
Nakita nya namang napahinto rin ang may ari ng sasakyang malapit ng makabunggo sa kanila.
Napaibis rin pala ang matanda sa sasakyan. Tumabi sa kanya na di na maipinta ang mukha sa galit.
"Carlos! "Ang napangiting wika ng lolo nya. Sinalubong ang lalaking sakay ng pulang Lexus.
Sya nman napahumindig sa kinatatayuan. Di nya na matatarayan pa ang lalaki dahil kilala pala ito ng matanda.
Lumapit ang dalawa sa kanya.
"Carlos meet my beautiful granddaughter! "Ang proud pang sabi ng matanda.
"Hi am carloz cordero! "Magiliw nitong wika sabay lahad ng palad.
Mayabang ang dating nito ngunit di sya nagpakita ng pagkadisgusto sa lalaki.
"Starre, nice to meet you too carlos. "Sabay abot ng kamay rito na bahagya pang pinisil ng una. kimi syang ngumiti.
Agad nya nman iyong hinila ng pasimple saka napatingin sa  taong papalapit sa likuran ng dalawang lalaki.
"Lolo! Bakit kayo nandito baka mapaano pa kayo nyan. "Anitong sa kanya nakatingin. Bakas ang gulat at galit sa mata .
"Kow! Bored na ako sa bahay saka meron naman akong kasama eh. Di ba starre?"Anitong kumindat pa sa kanya.
Napangiting tumango lamang sya.
Napakuyom palad nman si Skyye ng mapansin ang bagong sasakyan sa labas. Marahas syang napabaling sa kanyang lolo . Nahuli nya tuloy ang malalagkit na tingin ni carlos sa dalaga. Kaya lalong nag-init ang kanyang ulo.
"Lo,nagdrive kayo?! "Ang yamot nyang tanong di napigilan ang pagtaas ng boses.
"He didn't. I am! "Ang pagtatama nya rito.
Marahas syang binalingan ng lalaki. Tumitig ng masama
Walang sabing hinila sya nito palayo sa dalawang lalaki at dinala sa loob ng pagawaan.
Pinasok sya sa mismong opisina nito..hinablot nya nman ang kamay na hawak ng lalaki. Namumula na iyon ng tingnan nya. 
"Now, who told you to drive my car?! "Ang gigil nitong wika. Inilang hakbang ang pagitan nila.
"Ako! "Taas noong wika nya. Ginantihan ang mariing titig ng lalaki sa kanya.
Lalong napalapit ang lalaki kaya napaatras sya. Bumangga ang puwitan nya sa gilid ng table nito.
Agad nman itinukod ng lalaki ang dalawang palad sa mesa Kung saan nakasandal ang likuran ng pang-upo . . Nakulong sya sa pagitan ng mga kamay nito.
    Napalunok sya ng laway ng  di inaasahan. Dahil napakalapit ng mukha ng lalaki sa kanya. Dagdagan pang para na sya nitong kakainin ng buhay Kung Titigan 
   Natigilan naman si skyye sa ginawa ng dalaga. Nakita nyang lumarawan ang panick sa magandang  mukha nito dahil sa ginawa.
Wala sa loob na napadako ang mata nya sa mapulang labi ng dalaga. tila nanghahalina itong halikan nya na sya ngang ginawa ni skyye.
    Tinawid  nito ang kunting espasYo sa pagitan nila saka inangkin ang mga labi ng dalaga.
   Napakalambot ng labi ng babae at tila nakalimutan nya ang inis rito.
Samantalang di man nakahuma si starre. nanlalaki ang mga mata nya ng lumapat ang labi ng lalaki sa mga labi nya. agresibo syang hinalikan.
Di nya malaman ang tamang gawin. Tila nag freeze ang kanyang katawan Di sya makakilos tila sya natulos sa kinalalagyan. Mabuti na lamang may mga katok silang narinig sa labas.
Agad nyang naitulak ng malakas ang lalaki at nakaawang ang mga labing tiningan ito ng masama. Sabay talikod at binuksan ang pinto.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon