Chapter 9

4.9K 142 0
                                    

  Mabilis nilang narating ang sugarcane farm ng mga Rivera.  Dahil sa mabilis na patakbo ni Skyye sa minamanehong sasakyan.
    Wala silang kibuan sa loob na sasakyan. Di baleng mapanis ang laway nya wag lang sya magsayang ng effort para magbukas ng anumang usapan.
    Di nman sila close noh! So, nakapinid ang bibig nya sa kinauupuan. Never din syang sumulyap sa harap nya. Baka kasi magsalubong ang mga tingin nila.
   Tanging sa kaliwa or kanan lang sya ng sasakyan nakatingin sa buong biyahe.
  

Lihim nman syang sinulyapan ng lalaki. Pasimple itong napatingin sa front mirror. Nakitang nyang serious ang mukha ng dalagang nakamasid sa tabi ng daan. Kaya malaya nyang napagmasdan ito.
  Malaki nga ang pinagbago ng dalaga. Kung susumahin ang panahong di nya ito nakita ay mahigit limang taon siguro.
    Matapos ang huling araw nya noon ng pananatili sa pinas. Dalawang taon pa ang nakalipas ng muli syang makabalik sa farm ng kanyang lolo.
   Nasa ibang bansa na sya ng malamang umalis rin ang dalaga sa farm. Sa dahilang kinuha ito ng tita nitong nasa Manila. Naiwan ang kanyang mama sa pilipinas kaya ito ang tumulong sa matandang patakbuhin ang farm.
     Mabilis nyang ibinaling ang tingin sa harapan ng gumalaw ito. Nag-iba ng position sa pag-upo. At tumingin nman sa kabilang side ng daan.
   Pinagpatuloy nya Ang page-orbserba rito.
Ang dating kulay itim nitong buhak na tuwid ngayon ay blond na. Mahaba na iyon na di nman nito nakitang pinahaba ng dalaga ng time na nandito ito sa farm.
Saka ang pananamit nito masyado ng reveling at sexy. Simply lang itong manamit noon. Di ito marunong mag-ayos ng sarili. Walang nilalagay na kolorete sa mukha. Ngayon mukhang model na ito ng mamahaling pampaganda ng cosmetics.
   Glamorous na ito, lalong lumakas ang hatak sa kapwa nya kalalakihan. Napatunayan nya iyon kanina ng sunduin ito sa airport. Di siguro nito napansin na lahat ng mata ng lalaking naroon ay nakatingin sa kanya.
   Nakadama sya ng inis kaya malamig ang tratong binugay nya rito.
Kung dati ngingiti lang ito sa pagsusuplado nya ngayon nman palaban na rin ito.
  Di na nga ito ang star na tila Walang pakiramdam kahit nakaangil sya rito noon.
Wala sa loob na napailing iling nya ang kanyang ulo sa isiping naglalaro sa kanyang isipan.
  Agad nyang ipinarada sa garahe ang gamit na sasakyan. Di pa nya pa nga napapatay ang makina ng sasakyan agad ng kumilos ang dalaga pababa.
   
   May inis pa rin sa dibdib si Starre na lumabas sa car at pabalibag na sinara iyon.
Halos mabingi nman si skyye sa lakas ng impact ng sumara ang pinto ng sasakyan. Galit ata ang babae at ang sasakyan nya na lang ang binalingan nitong gantihan.
   May pagmamadaling tinungo ni Starre ang likuran ng sasakyan para ibaba ang dalang gamit.
Wala syang aasahang magbababa noon kundi sya lang.
Nang akma nya na iyong dadamputin, nagulat sya ng may mga matigas na kamay ang pumigik sa kanyang bisig.
"Ako ng magpapasok nyan. "Ang malumanay nitong wika sa kanyang likuran.
'Goodness! Ang lapit lapit ng antipatiko sa kanya. Tila ba may vibrations syang naramdaman dito.
Pasimple syang humakbang palayo rito.
"Wag na! Kakahiya nman sayo kung mapagod ka sa pagbitbit ng dala kung gamit! "Pasaring nyang wika rito at muling tinangkang hawkan ang kanyang luggage.
  Ngunit bago pa man nya iyon madampot nakuha na ito ng lalaki.
Binigyan sya ng warning look saka walang salita syang iniwan sa labas.
"Huh!!! Ang sarap nya talagang itulak para madapa at apak apakannnnnn!!!! "Ang naiinis nyang himutok.
Isinara nya na lang ang likuran ng sasakyan saka nagmartsa papasok ng bahay.
Sambakol ang mukha ng nasa bungad sya. Napalitan lang iyon ng makita ang masayang mukha ni lolo Florence pasalubong sa kanya.
"Lolo Florence! "Ang masaya nyang tili sabay salubong rito ng mahigpit na yakap. Hinalikan nya rin ito sa noo na ikinatawa ng matanda.
"I miss yo lo! "Ang sabi nya ng kumuwala rito.
"Anak ng sugarcane! Malapit na kitang di makilala kung di ko agad narinig ang matinis mong tinig! "Ang bulalas nito.
"Lolo talaga! Katulad ni tita. Malaki ba talaga ang pinagbago ng mukha ko? "Ang napasimangot nyang wika rito. Ikinawit ang kamay sa bewang ng matanda payapos.
"Aba oo! Gandang dalaga mo na. Am sure maraming binata ang pipila nito sa asukarerahan..... "ang nangingiti nitong pambibitin.
"Pipila po talaga? "Ang nakanguso nyang wika.
"Pipila sa pagpapapicture!"wika nito saka napatawa ng malakas.
"Lolo nman eh akala ko kung anu ng pila yun! "Ang namumulang sabi nya rito.
"Akala mo ba pila sa panliligaw? Naku! Kelangan sa akin muna sila humarap bago ka nila makausap! "Ang sabi nito saka pinatigas ang dibdib.
"Kaya love na love kita lolo Florence eh. Dahil parati mong pinalalaki ang ulo ko! "Ang napahagikhik niyang saad.
"Maiba ako iha, bakit di ka nagdala ng kanong nobyo? "Wika nitong nagpahaging. Di nya agad nakuha ang punto nito.
"Huh? Lolo nman...... oh. Kasi busy sya lolo. Hayaan nyo pasusunurin ko po kapag maluwag ang schedule nito. "Aniyang sumakay sa inumpisahang drama ng matanda.
  Naputol ang usapan nila ng may tumikhim sa likuran nilang dalawa. Sabay pa silang napalingon rito.
"Lo, the table is ready. "Ang walang kangiti ngiting wika ni Skyye saka nilagpasan silang dalawa.
"Di ka ba sasabay sa amin? "Ang pahabol na wika ng matanda rito.
Bumaling ito. Napatingin muna sa kanya bago sumagot.
"Tatawagin ko lang si mama, then sabay na kaming dudulog sa hapag. "Anito saka nag-alis ng tingin sa kanila at nagpatuloy sa pag-akyat sa taas.
  Nagkatinginan sila ni lolo Florence at sabay pang napakibit balikat saka napahagikhik ng magtungo sa dining room.
"He's morose this past few weeks after he learned you're coming."ang bulong nito.
"Oh? Wala nman akong maalalang ginawa or nagawang mali sa kanya lolo anu! Saka more than five years kaya kaming di nagkita. Heller! Sya pa ang may ganang magalit at magsungit! Hmmmp! "Aniya na kandahaba na ang nguso.
Lihim nmang nangiti ang matanda sa reaksyon ng dalaga. Alam nyang bago umalis ang binata noon max ginawa ito sa dalaga kaya ito pumayag tumira aa tita nito at di na muling umapak sa faem.nya kahit anung pakiusap nya noon.
Nitong taon lang ito nagpaunlak sa kanyang imbitasyon na magbakasyon sa farm. Parati itong nagbibigay ng alibi sa kanya kapag bubuksan nya na ang usapang uwian sa pilipinas.
  Kapag nman mababanggit nya ang pangalan ng apong si skyye iniiba nman ng dalaga ang topic. Nililihis nito Kaya nahalata nyang di maganda ang nangyari sa dalawa. Parehong tikom ang mga bibig ng dalawa. Mahuhuki Mahuhuli nya rin g mga ito sa bibig. Sisiguraduhin nya iyon.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon