Chapter 6

5K 140 3
                                    

   Nagsimulang magtrabaho bilang bagong modelo si Starre kay Greg Williams ang tanyag na designer sa Florida.

  Di sya nagnanais maging top models nito. Dahil ayaw nyang makipagkompetensya sa mga mayayabang na modelong nauna sa kanya sa kompanyang ng lalaki.

   Maingat sya sa kanyang mga kilos roon dahil nararamdaman nyang inis ang kanyang mga kasamahan sa tuwing nagkakasama sila sa mga fashion events.

   Malapit kasi sa kanya si Greg na ikinaselos ng mga ito. Ayaw nilang masapawan nya ang mga iti sa mga projects na inilalatag ng may-ari sa kanila.

    Sa tuwing iiwas syang mapili sa mga magmomodel ng bagong damit ay mas lalo pa ngang napapasakanya ang mga iniiwasan nyang imodelong damit. Ang the best creations ni Greg ang ipinapasuot sa kanya ng lalaki na ikinaiinggit ng iba nyang kasamahan sa kanya.

   Dahil sa pagiging mapagpakumbaba nya mas lalo pa syang napagtuunan ng pansin ni Greg. Lahat ng magagandang project, sya ang napipiling  mag-indorso noon.

    Lumipas ang maraming araw, linggo, buwan at maging taon ay unti-unting nagkaroon ng pangalan si Starre sa modeling industry roon. Sya ang halos pabalat sa clothing magazine sa iba't ibang dako ng bansa. Sya ang napili ni Greg na maging ambassador ng clothing line nito. Simula ng mangyari iyon ay lalo pang domoble ang sales ng lalaki na ikinatuwa nito ng malaki. Syempre naging mahal din ang naging talent fee nya sa lalaki. Lahat nga ng damit na imodelo nya ay binigay na sa kanya ng lalaki ng libre. Ayon dito sya ang mukha ng clothing line nito kaya marapat lang na mapunta sa kanya ang iminodelo nyang mga damit. Ang ibang damit at gowns na sa tantiya nya ay di nya kailangan ay isinoli nya sa lalaki.

    Nanatili syang mapagkumbaba kahit malayo na ang kanyang narating sa mahigit dalawang taong pananatili sa modeling industry. Kelan man ay di nya ipinagmamayabang o ikinalaki ng ulo ang mga naging accomplishments nya sa career na napili.

   Isa na sya sa mga top models ng Gregory clothing line.
Nagkaroon na sya ng sariling bahay at sasakyan sa mahigit dalawang taong pagmomodelo sa ibang bansa. Ang Kalahari ng kanyang pera ay idenoposito nya sa banko. At ang natira ay ipinuhunan nya sa ibang kompanya. Bumili sya ng shares sa mga kompanyang matatatag roon. Tinuruan sya ng kanyang ama paano nya mapalago ang kanyang pera hangga't bata pa sya ng sa pagtanda nya raw ay sitting pretty na lamang  sya sa bahay nya.

Di lamang sa florida sya kilala maging sa ibang panig ng mundo matunog din ang kanyang pangalan.

Kilala sya sa pangalang "Shine "iyon ang ibinigay ni Greg na pangalan sa kanya matapos syang mabigyan ng break sa kanyang modelling career simula ng magdebut sya.

     Isinabak sya ni Greg sa most top model fashion show suot ang bagong gown na gawa nito.
At himalang nasungkit nya ang top one sa rankings ng mga sandaling iyon na ikinagalak ng lalaki.

Pumapangalawa lamang ang title na ito kapag ginaganap ang annual top models competitions worldwide.

"You're my lucky model, Shine! "Ang agad na salubong nito matapos ma announced ang pagkapanalo nya.  Labis labis ang katuwaan ng lalaki ng manalo sya. Proud na proud ito sa kanya.

"I think it's just my lucky night tonight, Greg! But the real reason is the gown that you made for me won Greg, not me."Ang pakli nya rito sa masamang tinig.

"No,if you didn't carry my gown with all confidence you got they won't notice it. "Ang agaw nito.

Napangiti na lamang sya. Binigyan sya nito ng party pagkatapos ng event. Pinakilala sya sa kapwa nito designers, competitors or friends nya sa industriya. Kaya nman mas lalo pa syang nakilala. Di lang din kasi mga gawa ni Greg minsan ang minomodelo nya kundi pati na rin ang mga gawa ng kaibigan nito na gusto nitong makilala rin sa fashion world. Nature na nito ang pagiging matulungin kaya nman pinagpala talaga ito ng malaki.

     Ilang buwan din syang nanatili sa Paris ng doon nman nakipagcompete si Greg.
Isa sya sa parating karay karay nito kapag may competition ito sa labas ng bansa. Sya ang malimit nitong ginagawang modelo sa damit na isasalang nito sa kompetisyon!

   Lihim na lamang syang nasisiyahan sa mga naririnig nyang komento ukol sa kanya at sa lalaki. Para na isilang magkapatid kung magturingan. Lalo pang naging malapit sa isa't isa simula ng magwork sya rito.

"She have this magnetic looks in the camera whenever she goes out in fashion shows, Gregory! She's very lucky to possess such a beautiful face and model figure like her! I'm so jealous at you right now, Gregory!"Ang bigay komento ng isa sa mga model critics na nadaanan nya sa hallway ng isang fashion show noon.

     Laking pasalamat nya sa lahat ng iyon kay Greg kaya kahit anung busy at pagod nya sa ibang picturials nya kapag nagyaya itong lumabas ay agad nya pinapaunlakan.

    Malapit na syang mag-tatlong taon sa ibang bansa ng makatanggap sya ng invitation galing sa taong malapit sa kanya.

"Hmm,70th birthday party of lolo Augustine... "ang mahinang usal nya.

Hawak sa kamay ang invitation na pinadala nito galing pa ng pilipinas.
Nakakausap nya ito paminsan minsan kapag wala syang mga commitments. Mahigit dalawang taon din na nawalan sila ng communication.

  Noong nasa ibang bansa na sya at maayos na ang lahat ng kanyang puso ay kusa syang nakipag-communicate rito dahil nasa malayo na sya at namiss nya ito ng sobra.

Napapitlag pa sya ng magring ang katabing telepono.
Overseas call iyon galing pinas.
Agad nyang inangat ang cradle para mapagsino ang tumatawag. Nang magregister ang numerous ng matanda sa teloponong hawak ay napangiti nya iyong agad na sinagot.

"Good afternoon lolo Augustine..... "ang masigla nyang bungad rito.

"Hmmm, good afternoon too beautiful lady.. "ang mahina nitong wika na may kalakip na tawa.

Bakas ang galak sa boses nito ng marinig ang kanyang tinig.

"Did you received my birthday invitation? Don't reply me with a big No iha, magtatampo ako sayo kapag di ka dumalo. "Ang may pagdaramdam nitong sabi.

Napatawa nman sya.
"Lolo nman, di kita hahayaang magtampo sa akin. Malakas ka ata sa akin kaya di ko iindyanin ang birthday no! "Aniya/sa matanda na binigyan ito ng assurance na dadalo sya sa araw ng birthday nito.

"Talaga! Kaya nga nilakipan ko na ng plane ticket yang invitation mo para di ka na makahindi pa sa akin! "Ang napatawa nitong sabi.

Agad nyang binuklat ang card,nanlaki ang mga mata nya ng makita ang plane ticket na nakalakip roon. Di nya inaakalang pati plane ticket ay sinama rin ng matanda roon. Paano pa nga ba sya makakahindi kapag nandoon na ang kanyang ticket! At di economy ticket ang binili nito sa kanya kundi business class ticket iyon. So, talagang makukunsensya syang di iyon gamitin sakali lang magbago ang kanyang isip at umayaw syang bumalik nh pilipinas.

"Such a clever,old man you are! "Ang napahalakhak nyang turan nito na ikinatawa rin ng matanda sa kabilang linya.

"Of course! Parang di mo pa ako kilala, ah. I am always a wise old man! I have never changed only my age changes every year! So, I am expecting you to here within 15days from now! And I'm counting the day till you comes here, Starred. Don't disappoint this old man here. "Saad nito na medyo naging emotional sa kabilang linya.

Di nya nman mapigilang muling mapatawa sa pagkawais nito. Sinigurado talaga ng matanda na di sya makakatanggi rito.
Mabuti na lamang at di sya gaanong busy sa mga susunod na buwan kaya alam nyang papayagan agad sya ni Greg na makapag-bakasyon sa pilipinas.

    Natapos ang pag-uusap nilang dalawa na puno ng tawanan. Bigla nyang namiss ang matanda. Mabait Ito sa kanya kahit di sya tunay nitong apo.

    Kaya sya napalapit rito dahil kamukha nya ang yumaong pangalawang asawa nito na ina ng kanyang mama.

  Carbon copy nya ang kagandahan ng kanyang lola kaya nman napalapit sya masyado sa matanda simula noon.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now