Chapter 10

5K 120 0
                                    

"Starre! "Ang masayang wika  ni Laila ng makapasok sa dining room.
"Hi tita Laila, kumusta po kayo?"ang magalang nyang sabi ng makalapit ito sa gawi nya.
Tumayo pa sya at humalik sa pisngi ng babae saka muling  naupo.
"Mabuti iha. Ikaw, halatang nahiyang ka sa ibang bansa ah. "Napangiti nitong saad matapos syang hagurin ng tingin. Naupo ito sa katabing upuan sa tabi ng ama nito.
"Nasaan ang anak mo? "Pagkadaka ay tanong ni lolo Florence kay Laila.
Sasagot pa lang sana si Laila ng pumasok si skyye. Pormal ang mukha nito. Anu pa ba ang aasahan nyang reaksyon nito kundi yun lang.
"Am here grandpa. "Anitong naglakad palapit sa  kinaroroonan at balewalang humila ng upuan sa kanyang tabi. Napasulyap pa ito sa kanya bago naupo.
Dedma nman sya. Kunwa di nya alam na tumabi ito sa kanya. Paki nya ba rito.
  Lihim namang nagpalitan ng tingin ang magkatabing mag-ama.
"Kumusta nman ang daddy mo doon iha? "Narinig nyang tanong ni laila kaya nag-angat sya ng tingin rito.
"Ok lang po tita. Masaya si dad sa bagong family nya. "Turan nya saka muling ipinagpatuloy ang pagkain.
"Balita ko nagmomodelo ka na rin doon. ."muli nitong wika na ikinataas ng mukha ni skyye.
"Opo, accidentally po ang pagmomodelo ko roon. "Wika nyang nakadama ng hiya. Ewan nya ba kung but nakadama sya ng pagkahiya.
"Good. At least naiba nman ang mundong ginagalawan mo ngayon. "Patango tangong hayag nito.
"Oo nga tita eh. "Sabi nya pa.

"So Starre, kelan mo kaya mabibigyan ang mga kagaya kong sabik makakita ng  apo sa tuhod?"ang pagbasag ni lolo Florence sa katahimikan ng pagkain nila ng pareho silang napatuon ni laila ng atensyon sa pagkain. Dahil ang katabing lalaki wala atang planong magbuka ng bibig nito. Nakatuon lang Ang inis pansin nito sa pagkain pero tahimik nmang nakikiramdam.
Malapit na syang mabilaukan sa kanyang pagnguya ng pagkain ng marinig ang sinabi ng matanda.
"Lolo nman, di pa nga ako kinakasal apo na kaagad ang hinihingi mo?"ang napalabing saad nya rito. Tumingin sya sa mukha nitong ngingiti ngiti lang na nakatunghay sa kanya.
"Kasi nman apo...ilang taon na lang ilalagi ko rito ni isang apo sa tuhod walang nakapagbigay sa akin. "Ang himig hinampo nitong wika. Pinalungkot pa ang mukha.
"Lo,abutin pa ng taon bago kita mabigyan ng apo. Saka di lang nman ako ang dapat magbigay sayo ng apo diba?"saad nya na may kasamang parinig sa katabing lalaki.
Napatikhim ito at tila nag-alis ng bara sa lalamunan bago nagsalita. Kaya napako ang kanilang pansin rito.
"Di mo na ako kelangan paringgan about dyan dahil malapit na rin nman akong lalagay sa tahimik! "Ang tila galit nitong wika.
"Yun nman pala lolo Florence eh. See, he's willing to give you a grandchild! "Napangiti nyang hinarap ang matanda. na sumimangot nman ang mukha.
"I want a grandchildren coming from you. "Mariing wika ni lolo sa kanya.
Napabuntong hininga sya bigla.
"Di ako mangangako lolo but maybe next year I will do that. "Wika nya na lang  sa matanda kahit di nya naman siguradong may mahahanap na syang boyfriend sa  time na iyan.
"Good! Pangako mo yan ha, walang bawian. Gusto ko makita ang mukha ng magiging anak mo. "May gigil pang sabi nito na ikinatawa ni laila. Sinulyapan nito ang anak na bahagyang napahigpit ang kapit sa kutsarang hawak nito.
"Lolo talaga."ang napailing iling nyang wika. Ngunit bigla rin syang nakapag-isip.maganda nga sigurong magkaron ng anak na hahabol habulin nya.
   Ipinilig nyang ulo. Kung anu anu na ang pumasok sa kanyang isipan ni wala pa nga syang "the one " anak na agad ang naisip nya.
"Skyye did you make international call for Fiona? "Baling ni Laila sa anak.
"Not yet ma, later. "Ang walang ngiting tugon nito.
"You should call her son.. because she said she'll be here soon when we talked the other day. "Seryoso ang mukha ng inang si laila na sinabihan ang anak.
"Ok ma,  I'll call her later."anito.
'So, may girlfriend na pala ito. Eh bakit tila galit ata sa kanya ang lalaki. Di kaya di pa rin ito nakamove on? Heller! Hindi nman  siguro  nito seneryoso  ang nangyari sa kanila noon anu?'ang takbi ng kanyang isipan.
Kaya di nya tuloy narinig ang sabi ng matanda sa kanya.
"Ok ka lang ba starre? "Untag ni Florence sa kanya.
"Huh? Oo nman lo! Sorry may bigla lang sumagi sa isipan ko."aniyang inilayo ang mga mata sa mag-amang nakatitig sa kanya.
Ramdam nya rin ang katabing lalaki na nakatingin sa kanya kahit di nya ito sulyapan.
"Ok lang iha. Marahil pagod ka na kaya tapusim mo na yang pagkain mo at saka ka umakyat sa iyong silid. naroroon na din ang iyong mga gamit. "Ani ng matanda .
"Sige po lolo. "Sang-ayun nya saka tinapos nga ang pagkaing nakalagay sa kanyang Plato.
   Matapos kumain nagpaalam sya agad sa mga ito saka agad umakyat sa taas.
Ang silid na pinagamit sa kanya ay hindi ang dating silid na inukupa nya noon. Kundi ang silid na katabi ng silid ni skyye.
Di nya malaman bakit doon pa sya pinatuloy maramu nmang guest room sa ibaba or sa unang palapag ng bahay.
Hinayaan nya na lamang ang isiping iyon.
   Pagpasok nakita nyang mga bagahe sa loob ng silid malapit sa kama.
Agad nyang binuksan iyon saka kumuha ng damit pantulog.
Nagmadali syang naligo saka lumabas ng shower room. Tanging may kaliitang towel lang ang nakatabing sa kanyang kahubdan. Di sya sanay na nagsusuot ng damit sa bathroom . Komportable sya sa silid magbihis.
   Aktong maghahalungkat sya ng iba pang kelangan ng biglang bumukas ang pinto.. automatic nyang nahawakan ang pagkabuhol ng towel sa harap ng dibdib ng makita kung sino ang tampalang pumasok sa kanyang silid ng walang paalam. .
"Wala ka bang kamay na pangkatok at bibig na magamit sa pagsalita bago pumasok ? "Ang pamimilosopo nyang tanong  rito.
Napangisi ito at naglakad ng ilang hakbang sa harap nya.
"Wala eh. Biglang nawala ng muli tayong nagkita! "Ang pang-aasar nitong wika sa kanya.
Napatawa sya ng mapakla rito. Saka napatuwid ng tayo. Sasakit ang leeg nya kapag napatingala sya rito ng ilang minuto pa.
"Huh! Bilib na talaga ako sayo Skyye! Kanina lang sa baba, tila wala ka nman planong makipag-usap sa akin anu ngayon at narito ka?! "Ang nanunuyang wika nya.
"Well let say gusto ko lang malaman kong anung dahilan ng pagbakasyon mo rito.  May balak ka bang gantihan ako or may iba ka pang naiisip gawin? "Ang malamig nitong turan.
Maang syang napatingin rito. Di sya makapaniwalang pag-iisipan sya nito ng masama na mayron syang hidden agenda rito.
"Don't worry, di nman ako ganun kung yan ang inaakala mo. Saka matagal ko ng nakalimutan ang ginawa mong pag good time sa akin noon. Anu bang mapapala ko kung paghihigantihan kita? "Ang taas nyang sabi sa nakamatang lalaki sa kanya.
Di ito nagbuka ng bibig. Bagkus nag -umpisang maglakbay ang mata nito sa kabuuhan nya kaya bigla syang naupo sa kama. Naiilang sya sa mga titig nito.
"K-kung Wala ka ng sasabihin pwede bang lumabas ka na para makapagbihis ako? "Ang wika nyang pilit pinalumanay ang tinig kahit gusto nyang itong singhalan.
"Pwede ka nman magbihis sa harap ko ah. Bakit ka pa makadama ng hiya? Eh diba nga ang model mga liberated."nakangisi nitong wika sa kanya.
"Maniac! Hoy kumag! Kung yan ang tingin mo sa mga modelo wag mo akong idamay! Nakakapangigil ka! "Ang inis nyang duro rito.
Dahil nanggigigil sya di nya napaghandaan ng hilanin nito ang kamay nyang nanduro dito.
Sa isang iglap magkadikit na silang dalawa. Titig na titig ito sa mukha nya.
At sya nang ma realize na halos hubad pa sya nagpilit syang makawala rito ngunit di sya hinayaang makawala.
"Di ko akalaing mabubuhay mo ang natutulog kong pagnanasa sa isang babae"ang halos pabulong nitong wika .
Pinanindigan sya ng pinong balahibo sa batok sa sinabing iyon ng lalaki.
"Alam mo kahit maghubad ka sa harap ko never kitang papatulan! Baliw lang ang babaeng papatol sayo! "Asik nya rito.
"Oh? Why don't we put it to a test? Let's find out what your body's reaction to mine! "Ang nakaloloko nitong sabi.
"No way! Let go of me jerk! "Aniyang pinagsisipa ang paa nito dahil pigil sya nito sa mga kamay.
Napatawa lang ito sa ginawa nya para itong bato na matigas sya pa ang kusang huminto sa pananakit rito dahil wala ring saysay.
Kung di pa sa mahihinang katok sa labas ng silid di pa sya mabibitiwan ni skyye.
"Starre? Tulog ka na ba iha.. "ani ng matanda sa labas.
"D-di pa po lolo ..magbibihis lang po ako sandali saka po ako lalabas. "Pautal nyang tugon rito.
"Oh sya sige babalik ako pagkalipas ng ilang minuto"wika nito saka nya narinig ang papalayong yabag ng matanda.
"Oh anu pang tinatayo tayo mo dyan?! Get out! And get out of my sight! "Yamot nyang sabi pigil tumaas ang boses.
Napapangiti itong humakbang patalikod saka nito tuluyang nilisan ang kanyang silid.
Tila nman sya nahahapong naupo sa gilid ng kama. Muntik ng may gawin sa kanya Ang lalaki mabuti na lamang at nauntol iyon ng pagkatok ng matanda.
      Nang makabawi sa paghinga dahil sa bilis ng pintig ng kanyang puso. agaran syang nagbihis ng pantulog. Medyo makapal iyon kaya ok lang na lumabas sya ng silid.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now