Chapter 15

4.3K 118 1
                                    


                   

Dumiretso ng akyat si Starre sa taas patungo sa kanyang silid.  Napagod sya sa buong maghapong pamamasyal sa farm nina Rigor.  Nangabayo sila at nanguha ng mga prutas sa farm ng lalaki.
    Hapon na nila napagpasyahang umuwi ni lolo Florence.  Di na sila nagpasundo pa kay Skyye dahil nag-offer si  Rigor na  ihatid sila sa pauwi.
   Maganda at malawak ang farm ng lalaki.  Pinasyal sya nito habang ang mga lolo nila ay nawiling mamingwit sa fish pond na nasa loob din ng farm nila.
     Pagkapasok sa silid agad syang nagtungo sa bathroom at mabilisang naligo.  Gusto nyang samantalahing magpahinga habang di pa dinner time.  Malapit na rin kasi ang oras ng hapunan.  Gusto nyang maidlip sandali.
     Pagkatapos maligo lumabas na sya para makapagpalit ng damit.
Nagsusuot na lamang sya ng damit pantaas ng may pumihit ng knob sa kanyang pinto at bigla iyong bumukas sabay pasok ng pangahas na lalaki.
"Cant you knocked? "Ang agad nyang sita sa lalaking nagtuloy tuloy sa pagpasok at pabagsak nahumilata sa kanyang kama. Mabuti na lamang at naisuot nya na ang pantaas na damit sa kanyang leeg at braso. Ibinababa na lamang nya iyon.
"What for? "Napangisi nitong turan.  Tumagilid ito at inilagay ang isang palad sa pisngi para mapagmasdan sya.
"Where's your manners? "Timpi nyang tanong.  Gusto ng sugurin ang lalaki.
"Nawawala kapag ikaw ang kaharap ko! "Nang-iinis nitong tugon at hinagod ng may pagnanasa ang kanyang kabuuhan. Nakasuot sya ng maigsing short sa dahil maalinsangan ang hapon. Saka hanging shirt na tama lamang pumantay sa bewang ng short na isinuot nya.
"Mabuti pang lumabas ka rito sa aking silid bago pa ako makalimot sa aking sarili at masakal kita! "Mariin nyang wika pigil ang galit sa lalaki.
"Oh? Kaya mo akong sakalin? "Nakangisi pa ring wika nito.
Umusbong na talaga ang galit nya at nakalimutan na ang pagtitimpi sa sariling wag itong sugurin.
Umuusok ang bumbunan nyang sinugod ito sabay hawak sa kamay ng lalaki at hinatak paalis ng kama.
"Get out of my room! Now! "Singhal nya rito.  Pilit hinihila ang lalaki paalis sa kanyang kama. Tila ito mabigat na bagay na di mausod. Pigil ang tawa nito habang pilit nyang inaalis sa kama.
"Get up and leave my room!!! "Nanlalaki ang butas ng ilong nya sa galit dahil di man nya nahila ang lalaki pababa.
"Binga ka?! Sabi ko lumabas ka!!!!!! "Gigil nyang turan ngunit tumawa lang ang lalaki sa kanya.
"Anu ba Skyye?! Sabi ng--ayyyy!!!! "Ang napasigaw sa gulat nyang wika dahil sa isang iglap hinawakan ng lalaki ang bewang nya at hinatak sya pabagsag sa nakahigang lalaki. Sumubsob sya sa dibdib nito.  Nakakalokong ngiti ang nakabakas sa mukha ng lalaki.  Halatang naaliw syang inisin.
"Shit! Let me go bastard! "Galit nyang asik rito.
"Anung gagawin mo kong ayaw kong sundin ang utos mo? "Nakakalokong wika nito sa same kanya.
"Mapipilitan kitang saktan damuho ka! Sabing bitiwan mo ako! Anu ba-ayyy! "Ang gulat nyang sigaw ng pagpalitin nito ang pwesto nila.  Sa isang iglap napailalim sya at ito nman ay mabilisang dumagan sa kanya.
"Shit ka Skyye!?makawala lang ako rito dila mo lang walang daan ng kastigo! "Inis at nayayamot nyang singhal sa kaharap.
"Oh? Too bad.  But I won't let you go until I give you a punishment.  Matagal ko ng gustong gawin to eh "pagkasabi unti unting bumaba ang mukha nito.
"Don't you ever do that! Shit!  Get off me! "Pagwawala nya at pinaghahampas ang lalaki sa balikat. 
Hinuli nito ang kanyang mga kamay at dinala sa taas ng kanyang ulo at doon pinigil ng kamay nito. Kaya ang mga paa nya nman ang gustong manakit rito. Plano nyang tuhurin na ang lalaki para makawala sya ngunit maagap nitong nadaganan ang ant kanyang mga hita at nakalong iyon sa mga hita ng lalaki.
"There... You can't hit me now.  Don't worry I'll make sure you'll be happy in my performance! "Nakakalokong wika nito na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.  Nansisilik nya itong binigyan ng nakakamatay na tingin.
"You can't scare me with that looks honey "namimilyong tudyo nito at muling inilapit ang mukha sa kanya.
"Don't you dare-"wika nya na di sya hinayaang tapusin iyon.  Nakulong na ang kanyang iba pang sasabihin sa loob ng kanyang bibig ng sakupin na iyon ng lalaki.
Pilit syang nagtangkang maitulak ito ngunit mabigat ang lalaki. Malakas ang pwersa nito sa kanya.
"Open your mouth honey "utos nito.  Dahil ipininid nya iyon kanina.
"No way--"nansisilik ang matang Wika nya ng biglang sakupin muli ng lalaki ang kanyang labi.  At this time nakapasok na ang pangahas nitong dila sa kanyang bunganga.  Gustuhin nya mang mangalmot, magwala wala syang magagawa.  Dahil malakas pa rin ang damuhong lalaki.
    Wala syang nagawa kundi ang magpaubaya ng mapagod sya kakapiglas. Ang bruskong halik na iginawad nito ay napalitan ng masuyo, magaan at may pagsambang inangkin ang kanyang mga labi.  Kalaunan napapatugon na sya nito ng may biglang kumatok sa labas ng kanyang silid.
"Starre iha? "Ani ng of na ni skyye.
Nanlalaki ang matang napatitig sya sa binata ng pakawalan makawala nito ang kanyang labi at matigilan sandali.
"Nandyan ka ba iha? "Mulin wika nito.
"Ah-eh... Opo.  S-sandali p-po at nag-aayos ako ng sarili! "Kandautal utal nyang sagot na ikinatawa ng lalaki ng walang ingay.
"Ok.  Baba ka agad at kakain na. "Anito saka narinig nya ng mga yabag nito palayo sa kanyang silid.
Inis nyang tinulak ang lalaki paalis sa kanyang katawan ng pakawalan makawala nito ang mga kamay nya.
Napahalakhak nman itong tumihaya sa kanyang tabi.
"You brute!! Ang galit nyang asik at pinaghahampas ito. Namumula ang kanyang mukha sa galit at para na syang maiiyak sa inis rito.
"Hey! Hey thats hurts! "Sabi nito ng mahuli ang kanyang mga kamay.
"You deserve it pervert! "Aniya.
"I love you. "Tugon nito..
"I love you yourself! "Singhal nya sabay hila pabawi ng kamay na hawak hawak nito.
"Get up and get out of my sight! "Nansisilik ang matang wika nya.
"Ok ok! "Ang napapangising turan nito.  Natatawang umalis sa kama at tumayo. Akmang aalis na ito ng bigla itong bumalik sa tabi nya.
"Labas! "Sigaw nya.
"I forgot something "anito.
"At anu nman iyon?!"Pigil ang sariling wika nya gusto nyang buntalin ang kaharap sa sobrang pagkayamot nya.
"This! "Pagkawika mabilis nitong hinawakan ang kanyang mukha at ninakawan sya ng halik sa labi.  Mabilis lamang iyon at agad syang binitawan.  Bago nya pa man ito mahampas naka labas na ito sa kanyang silid.
"Brute!!!!!!! "Nangigigil sa inis nyag turan kulang na lang magpapadyak sa sahig ng kanyang silid.  Nakarami na ang lalaking iyon sa kanya.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now