Chapter 2

3.5K 175 50
                                    

Chapter 2: Falls

"Athena, are you okay?" tanong sa akin ni Kuya Demi.

Iminulat ko ang aking mga mata, saka pilit na ngumiti at tumango bilang tugon. Nasa tabi ko siya nakaupo, sa loob ng isang chopper. Inayos ko ang aking buhok at ang noise reduction. Nagsimula ng umandar ang aming sinasakyan.

"We'll come back here soon after everything goes right," he assured me.

Pinilit ko manahimik na lamang at hinayaan ang sagot ilutang sa himpapawid. Masyadong naukupa ng ibang bagay ang aking isipan, lahat ng ito ay tungkol sa nangyari kagabi. After what happened last night, we received calls from our parents. A very bad news surprised our family, bringing a great impact to our foundation. Abuelo is not feeling well lately. Just what my mom promised too, she called me last night. She told us in a hurry that we need to go to our ancestral house in Del Gallego, ang Casa Herrera.

"Susunod kami ng Dad mo sa inyo. Ingat kayo. Alalahanin mo ang mga binilin ko sa'yo, Entender?"

"Si, Mama."

"And about your debut..." Napabuntong hininga na lang ako ng banggitin niya na naman ito. Kinuyom ko ang aking palad.

Alam ko kaseng may ibang pakay pa siya bukod sa ipagdiwang ang aking kaarawan. She will never do anything without gains. I know she has some agendas behind this again. I just still kept everything within me. Ayaw kong mapagsabihan niya na naman.

"What is it, Ma?" I asked, biting my lower lip.

"Maraming kilalang pamilya ang darating. Some wealthy business partners and giant investors are surely coming so I want you to be prepared too. Dapat magustuhan ka nila. Ayaw ko sa lahat ay ang babaeng tila estupida ang galawan. Don't worry, I already planned everything. I want it grand and perfect. Dapat—"

"Pero, Ma—"

"No digas que no, hija," she also cut me off, firmly.

Don't say no daughter, it means.

Napapikit na lamang ako bigla, bagsak ang balikat. Tila sumusuko na naman pagdating sa kanyang mga salita. The strictness in her voice, ordered me again to do so. No but's. No argument is needed. Just my affirmation, that is.

I don't have a say to her after all.

Matiim na tinikom ko na lang ang aking bibig buong pag-uusap namin. Tanging pag-tango ang aking sagot sa mga kagustuhan ni Mama. Nangako rin siyang uuwi isang linggo bago ang aking kaarawan.

Napatingin ako sa bintana, dahil sa bigat na nararamdaman.

Sa totoo lang ay olang beses pa lamang ako nakapunta sa probinsyang linakihan nina Papa. Bihira akong papuntahin doon. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit sina Kuya ay paminsan-minsang umuuwi.

Maganda sa Del Gallego.

May malinaw at napakagandang karagatan at angking yaman na hindi mapapantayan. Pero gaya ng kung gaano ito kaganda ay katumbas ang takot dahil sa mga naganap noo. Ang lupang sinisikatan ng napakagandang haring araw, ay siya ring hinalikan ng mapanganib na kadiliman.

Despite my water flowing thoughts there's still this memory of yesterday that came across all of a sudden into my mind. It's because of how scary I was at that moment. That's the time of meeting that man. The unexpected encounter with the Guerreros.

Magulo ang Del Gallego dahil sa dalawang malaking pamilya.

Sila ang isa sa dahilan kung bakit ako pinalaki sa isang isla na iyon ayon kay Zavia. Ang tanging alam ko lang ay maraming naging alitan sa pagitan ng aming mga pamilya. Kung ano man ang mga iyon ay wala na akong alam pa.

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Where stories live. Discover now