Chapter 22

2.6K 105 86
                                    

Chapter 22: Son

Naging malaking balita sa bansa ang kinasangkutan naming aksidente ni Maximo noong isang araw. Maraming reporter ang gustong kumuha ng panayam ngunit ang abogado ng mga Fajardo na lamang ang humarap sa kanila.

Bukod doon, mas nalubog pa lalo ang kompanya ng mga Garcia at nagkalat sa mga pahayagan ang mga kinasangkutan ng anak-anakan nitong si Vladimir. Mas pinalala pa namin iyon at binigyan pa sila ng mas matinding pagkalugmok. Ipinasiwalat ko sa lahat ang baho nito sa tulong ng koneksyon ni Ibarro. Gusto ko silang magdusa dahil sa mga ginawa nila noon sa'kin.

Kaya mula sa mga smuggle arms and ammunition, mas nasira pa ang pangalan ng mga Garcia dahil sa mga nagliparan na scandal at akusasyon tungkol sa illegal use and selling of drugs pati na rin ang human trafficking.

Parang isang bula na nawala ang matatag na pangalan ng mga ito sa bansa.

Ngayon, isa na sila sa mga maruming pamilya na tinutugis ng mga pulis. And just like my other plan, Vladimir is now here in front of me. He was cuffed and full of bruises. Kasama ko ngayon ang mga tauhan ng pamilya Fajardo at si Ibarro na siyang nanguna sa ipinagawa kong pag-kidnap sa lalaki na nakaluhod at nakahubad ngayon.

Kita ko ang lahat ng pasa sa katawan niya, ngunit wala akong nararamdaman kung hindi ang matinding galit. Galit para sa lahat ng taong inapakan ako at dinurog ang pagkatao ko noon. Ang mga taong naging dahilan kung bakit namatay ang isa sa mga anak ko.

"Pakiusap! Pakiusap! P-Parang awa mo na, Athena!" he was begging like a poor animal now. "Maawa ka sa akin! Maawa ka! Please... Please..."

He attempted to approach me, but Rouge hit him in the jaw, causing him to fall to the basement's filthy floor.

"Ano ang gagawin natin sa kanya?" Ibarro asked me.

He was holding a gun just like everyone in the basement. Kita ko kung paano nawalan ng kulay ang mukha ni Vladimir nang ikinasa iyon ni Ibarro.

"A-Athena..." Nanginig ito sa takot at napatingin sa akin, umaagos ang luha. "Athena! Please! Maawa ka sa akin... Maawa ka!" he was damn desperate, gone the arrogance in his air.

Nagtagis ang bagang ko nang makita siya na patuloy na umiiyak. He was begging for his life and it made me want to kill him for that's how I felt when they tortured me in that place. Ang kapal ng mukha niya para humingi ng awa sa minsan niyang pinagkaitan no'n.

I coldly stare at the surroundings, which are filled with tools that can quickly murder someone. Pero hinanap ko ang kaya gawin ang unti-unting pagpaparanas ng sakit. I want Vladimir to suffer, but I want him to suffer more slowly.... very slowly... until he couldn't make it... until he would completely crawl and cry out for heaven's mercy as I did.

Dahil walang kapatawaran ang ginawa nila.

Lalo na siya.

"Ibarro..."

Vladimir panicked when he heard me. "Athena! Athena! Ano ba?! Bitawan niyo ako—"

Isang suntok ang natanggap niya muli. Hanggang sa hinawakan siya ng mga tauhan. Walang ibang nagawa si Vladimir kung hindi ang humingi ng awa, paulit-ulit, at umiyak.

Ibarro reached me and rubbed my back. "It's alright. Breathe, Athena."

Ngayon ko lang napansin na naka-kuyom ang mga kamao ko. I did what he told me. Umiwas ako sa mata ni Vladimir na nagmamakaawa bago tumingin kay Ibarro.

"I want him dead, Ibarro," seryosong sabi ko.

Tumango siya sa akin at mas lumakas pa ang sigaw ni Vladimir.

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Where stories live. Discover now