Chapter 25

2.8K 94 79
                                    

Chapter 25: Scars

Since the day I tried to fly and chase after my dreams, I easily got enticed by the comfort of clouds. They're too soft as cotton to resist. They are calm and seemingly ever peaceful.

Never had I realized once that there are times when clouds turn too dark, cold, gloomy, and even become the hand of the storm. I fly and just fly with innocence until it hits me hard, it hits me defenseless, it hits me completely, and 'til I lost everything in my fall.

Doon ko napagtanto na hindi sa bawat oras mabait ang mundo sa'tin, dahil may mga pagkakataon na susubukan tayo nito. The only wrong I did was to trust the clouds of lies more than I should trust my wings. And that no matter how low our fly and slow our pace, it will always be the easiest way to finish the longest path.

Pero huli na, dahil nasadlak na ako sa lupa. Inagawan na ako ng karapatan ng akala ko langit. Tuluyan na akong inabadona ng hangin. Tinalikuran na ako ng araw. Tanging nakita ko na lamang noon ay dilim... At tanging yumakap na lamang sa'kin ay ang paghihirap.

Hindi ko alam kung kailan iyon natapos, dahil natatakot akong imulat ang mga mata. I can feel the lone tear rushed down my cheek. I don't want to try again because I was afraid of falling and getting hurt.

Gusto ko na lamang manatili sa dilim at hayaan itong ubusin ako.

But a single touch of gentleness made my frozen heart melt. I feel a warm hand holding me tightly. It was nostalgic. It gave me the same feeling I had before. The hope. The courage.

Doon kusang namulat ang mga mata ko. I can feel my heart pounding while staring at the familiar ceiling. I breathed. Nilibot ko ang tingin sa paligid dahil sa magandang sikat ng araw mula sa bintana.

Hanggang sa napa-kurap-kurap ako dahil sa napagtanto. My lips parted a bit and looked around my unit. My brows furrowed. Hindi ko namalayan na nagalaw ko ang kamay dahil sa pagiging kuryuso.

I then heard a groan.

Nakuha no'n ang atensyon ko kaya napatingin ako sa gilid ko. May kung anong dumaan na pakiramdam sa aking dibdib nang makita ang isang tao na nakaupo sa isang single sofa sa tabi ko.

He was sleeping peacefully while holding my hand.

Katabi niya ang anak ko at yakap niya ito sa isang braso.

I swallowed hard and immediately tore my gaze away. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at tumingin sa bintana muli. My heart was pounding loudly like it was its first time beating.

Maybe it's because of seeing my son in Maximo's arms. I did all my best just to stop myself from welcoming a certain feeling. Kinuyom ko ang mga palad.

Naramdaman ko bigla ang pag-galaw ni Maximo, kaya nanatili akong tahimik sa higaan.

"Thank God," he suddenly whispered.

Binawi ko ang kamay na hanggang ngayon pala ay hawak niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot na nakapatong sa katawan ko.

Kanina ko pa tahimik na tinatanong kung paano at bakit nasa unit na kami ngayon. Ang pagkakaalam ko ay nasa Cebu pa kami... kagabi?

I bit my lower lip when things suddenly sank in.

Until I heard him sigh. "Apollo... was crying last night."

May tumusok bigla sa dibdib ko.

"Our son was worried, Athena," he told me gently.

Mas naging malalim ang pagbaon ng mga kuko ko sa palad, dahil sa narinig na pagbanggit niya ng isang salita. Kahit pa apektado ako no'n, tinatagan ko pa rin ang sarili. I breathed before I bravely looked at him.

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Where stories live. Discover now