Chapter 29

2.6K 79 99
                                    

Chapter 29: Daughter

"A-Athena!" gulat na tawag sa'kin ni Kuya Jax.

Napalingon ako sa kanya, hindi magawang makapag-salita dahil sa nakita. Napansin ko kung paano niya pinunasan ang kanyang basang pisngi bago. pilit na ngumiti sa akin na tila walang nangyari.

"Kanina ka pa ba?" He made his tone more calm.

Hindi ako kumibo sa harapan niya dahil tutok lang ako sa mga mata niyang namumugto. He may try covering it up, but I saw it already.

Tumikhim ito. "If... you're looking for Mama, she is in the other room. She is still unconscious, but the doctor who examined her said that his condition was fine. So you don't have to worry—"

"What happened to him?" I asked instead.

Napahinto ito.

I let out a sigh and shifted my gaze back to the room beside him. Sinundan niya rin ang tingin ko at doon niya napagtanto kung ano ang tinutukoy ko.

Pareho kaming nakatingin sa kapatid na nasa nakakaawang estado. Wala akong naging salita dahil sa kirot na nararamdaman. I just can't believe this is where we'll meet. Sa isang ospital.

I clenched my fist because I can't breathe properly. The sight of my brother there, unmoving, etching my heart by degrees. Hindi pa nakatulong ang katahimikan sa pagitan namin ni Kuya Jax.

"S-Si Kuya Demi..." I settled my gaze back at him. "Bakit ganyan ang kalagayan niya?"

After some time had gone, I heard him sigh.

"Anong nangyari sa kanya?"

He looked at me and swallowed hard. It was as if too hard for him to utter but he needed to. Ihinalamos niya ang palad sa labi at tiningnan muli ako.

"After we saw you that night sa anibersaryo ng kompanya ng mga Garcia, nagkagulo," paliwanag niya na alam ko kung ano ang tinutukoy. "Kasabay ng kaguluhang iyon, may kumuha kay Demi. They are terrorist who support and finance by Heriberto Garcia to cover up and protect his sins. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi natin siya mapatumba kaagad."

Napakuyom ako ng mahigpit.

"Humingi ito ng pera kapalit ng buhay ng kapatid natin."

"Pero bakit ganito ang nangyari sa kanya?"

Nanubig ang mga mata ko.

Napayuko siya pero nakita ko ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

"N-Niloko nila tayo. Mga tusong hayop sila..." Gumalaw ang mga balikat ng kapatid ko, tanda ng kanyang tahimik na paghikbi. "I handed them all the amount they demanded. Pinaki-usapan ko pa na huwag lang galawin si Demi, pero hindi sila sumunod sa usapan! Habang ako sinunod ang payo ng mga hijo de putang 'yon na huwag magpasama sa kahit na sino! P-Pero bago ko pa man makuha ito pabalik, they... t-they already beat him up with pipes and shoot him in front of my face! W-Wala akong nagawa... W-Wala akong nagawa bilang kapatid niya!"

His knees kissed the cold floor while sobbing.

Hindi ko na kinaya ang mga narinig at nakitang hinagpis niya. Agad ko itong niyakap ng sobrang higpit para maibsan ang lamang ang nararamdamang paghihirap ng kapatid ko.

"Kuya..."

"A-Athena, sorry sa inyo... Sorry... H-Hindi kayo na-protektahan ni Kuya."

Lumuluha akong umiling sa kanya kahit ramdam ko ang pagpunit ng puso.

"I'm sorry. I'm sorry..." He kept crying and seemed so helpless in my arms.

Lahat ng nakikita ko sa harapan ngayon ay ang mga taong lumaban sa mga pagsubok ng buhay. Some of them are wounded. Some of them are recovering. Some of them are pretending. Some of them chose to die in silence.

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon