Chapter 17

2.2K 75 55
                                    

TW: The following chapters covered abuse, rape, and kidnapping, which may be disturbing to some readers. This acts as a cautionary note. Please do not disregard this. Thank you.

Chapter 17: Test

"When Demitrius was three years old, your mother was abducted and abused. Mga kilalang tao ang pinaghinalaan na gumawa no'n sa kanya. But for an unclear reason, the case was discontinued and has not been revived after years," malumanay na istorya ni Amelia sa'kin.

I couldn't swallow the knot in my throat as soon as I heard it, let alone when I saw the piece of paper I was holding.

"P-Paano? Paano 'to...?"

"This news was old already. Dated in 2001. Ang balita ko ngayon... ang ilan sa mga suspek ay nawawala."

My lips were apart.

"Dalawa lang ang siguradong patay na, dahil natagpuan ang mga bangkay nito, dalawang buwan matapos mangyari iyon sa iyong ina. They were killed... but the investigators revealed that the two suspects were tortured and mutilated first before their bodies dumped in a riverside. Tila sobrang galit ang ibinalik sa kanila ng kung sino, Athena. Nakakatakot."

I'm just staring at the newspaper, completely dumbfounded.

"Hindi ko lubos maisip kung paano, dahil nagmula sa mga mayayaman na angkan ang dalawang suspek na iyon. Pareho rin namamahala na ng mga negosyo. Pero sa isang iglap, tila dinaanan ang mga ito ng sakuna. Naglaho ang lahat sa kanila. Those businesses that the suspects owned and will be inherited, turned suddenly in ashes. Walang itinira. Walang natira."

Doon na ako napatingin sa kanya, dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ito. "W-What do you mean now, Amelia?"

Kahit pa tila may kaunting haka-haka na ako ay nagtanong pa rin ako kung ano ang ibig niyang sabihin. Para malinawan. But I never expected that my thoughts aligned with her.

"Ang sabi-sabi kasi... ang mga Herrera raw ang may kagagawan no'n." She released a sigh. "Bilang ganti sa ginawa sa iyong ina."

"H-Hindi ko... alam kung ano ang sasabihin," I admitted.

I shook my head and brushed my palms across my face.

"I concluded the same thing, pero... pero hindi ko inaasahan na pareho tayo ng iniisip, Amelia."

"I know. This was hard, I know. Pero gusto ko lang malaman mo ang lahat ng ito, dahil ayaw kong makita kang nahihirapan."

Tumitig ako sa kanya at may ibang emosyon na dumaan sa mga mata nito. It moved too quickly for me to keep up and familiarize myself. I immediately forget about it, assuming it was nothing. Kaya tumango na lamang ako sa kanya.

"May gusto ka pa bang malaman?" she asked carefully.

I stared back at her and seems to be afraid of the answers but still asked anyway. "K-Kilala mo ba kung... s-sino ang dalawang suspek na namatay?"

She nodded. "It was Robert Uy and Alfred Montemayor. Parehong negosyante na namamahala sa dalawang malaking kompanya noon. Ang ChinTelco. at Monte Classic Mining."

I bit my lower lip thinking about so many things. Pero ayaw kong itanong na ang iba pa, lalo na ang tungkol sa pagkatao ko, dahil mas nakaramdam ako ng takot. Kaya tumango na lamang ako sa kanya at pinalipas muna ang ilang sandali.

Ngunit tila isang magnet na bumalik ang isip ko sa mga narinig kanina. Napatingin ako sa kanya at buong tapang na nagtanong muli. I wanted to know even this one. So I tried... seeking.

"A-Ang mga Guerrero, Amelia?" I started, causing her eyes to widen a bit.

I held my breath at that.

"May... kinalaman ba sila sa nangyari kay Mama?"

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin