Chapter 24

2.6K 87 95
                                    

Chapter 24: Father

Pagkasara ko ng pinto, hindi ko inaasahan na makita ang anak sa sala. Napahinto ako. I was about to call him so that I can hugged him so tight, but I stopped myself after seeing him watching attentively at the television.

"Papa, ikaw po ba 'yan? Ikaw ba ang Papa ko?" he asked innocently as he sat and watched one of Maximo's business interviews.

Ramdam ko kung paano ako tuluyan nawalan ng lakas.

My knees kissed the cold floor and the pains spreaded all over me. Iyon ang yumakap sa akin, kaya malakas akong napahikbi. Hindi ko na kinaya pa. Hindi ko kinaya... It was too much for me. Sobrang sakit na ng lahat.

Namamanhid ang buong katawan ko sa ginaw at pait na nararamdaman. Parang piniraso-piraso ang puso ko kanina nang harapin ni Maximo, pero para akong pinapatay sa segundong lumilipas, habang nasa isip ko ang mga sinabi niya at habang nakikita ko ang anak namin ngayon.

"Why I am still hurting?! Why I am hurting?!" Pinaghahampas ko ang dibdib ng paulit-ulit.

I was so buried in misery that I failed to hear my sobs. Before I could stop myself, I suddenly heard my angel's small, terrified voice.

"Mama!"

Napataas ako ng tingin at para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ang mga mata niyang namumula.

"A-Anak..." My lips quivered.

Tumakbo siya palapit sa akin at agad ko itong niyakap ng sobrang higpit. Para kumuha sa kanya ng lakas dahil pagod na pagod na ako. Ubos na ubos na ako.

"M-Mama... s-stop crying po! Mama ko... huwag ka na pong umiyak. P-Please..."

Hindi ko na napigilan pa ang lahat ng sakit na itinago ko sa mga nakalipas na panahon. Kusang lumalabas iyon sa hagolhol at panginginig ng katawan.

"A-Anak..."

He shook his head, still crying. "Please, Mama ko! Don't cry po!"

Ramdam ko ang pagpiga ng puso sa sinabi niya. He wanted me to stop from crying but he was the one who needed it the most. Napapikit na lamang ako ng mga mata at hinalikan ang buhok niya.

Hindi ko dapat pinapakita sa anak ko ang kahinaan ko. Ayaw kong matulad siya sa akin. Kailangan kong maging matapang para sa kanya. Para sa oras na kailangan niya ako, parati akong handa na umagapay. My sons needs me. I need to be strong even though I wasn't... even though I was weak and scared.

"M-Mama is just sad, anak..."

I gently ran my fingers through his hair and gently drew him to dry his damp face. Nasilayan ko ang gwapo niyang mukha na puno ng pag-aalala para sa'kin. May bumara sa lalamunan ko. I can see my son's tears. I can see my son's worry... for me.

"I'm o-okay... I'm okay, baby... Shh..." sabi ko, kahit pa ako dapat ang magsabi no'n sa aking sarili.

"I-Is it... b-because of my Papa, M-mama?" His eyes stared back at me.

NapahintoNapahinto ako. Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam ang isasagot bigla, dahil iyon ang tanong na hindi ko inaasahan ngayon. All my thoughts seemingly vanished shortly and my words are unsearchable.

I swallowed hard.

"Iyon po ba, Mama?" he asked again.

Nangapa ako ng mga salitang dapat sabihin sa kanya. Kinagat ko ang labi at napaiwas ng tingin. I tried so hard to calm my breaking heart, but it was hopeless. Bigo akong tumingin sa anak ko bago pinilit na umiling, hindi makapagsalita.

His little, gentle hands cradled my cheeks as if he knew I was in pain. He suddenly drew my face toward him and kissed my forehead. I felt a squeeze in my chest. I shut my eyes once more.

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Where stories live. Discover now