Chapter 21

2.6K 87 37
                                    

Chapter 21: Save

The news about the chaos in Garcia's party was determined by the authority as an act of terrorism. May mga nakapasok daw na terorista na naging dahilan ng lahat. Maybe because they were high-ranking guests from the governments that night and those people were after them.

I sighed.

Napansin ko lang na parang araw-araw laman ang mga terorista sa mga pahayagan. Pero ngayon lang naiba.

Bukod sa balita kasing iyon, may tagumpay na ngiti ako habang binabasa ang news article sa iPad na cover ang gumuhong minahan ng mga Garcia sa Cam Sur.

Gaya nga nang sinabi ni Ibarro, walang namatay pero nasira naman ang dignidad ng kompanya nila. Nadungisan rin ang magandang imahe nila sa mga tao na akala mo naman ay malinis talaga.

I smirked.

Gusto ko na lamang ngumiti, dahil may mga naunsyaming kontrata at investors sila. Paniguradong umiiyak na ng dugo ang mga walang hiya. Lalo na ang Heriberto na iyon.

"You like what you're reading, huh?" si Ibarro sa kabilang linya na tingin ko'y may ngisi rin sa labi.

"Kulang pa ito sa mga ginawa nila," walang emosyon kong sagot.

Napahalakhak siya. "Alam kong 'yan ang sasabihin mo, kaya ipinagawa ko na ang kasunod sa plano."

Hindi naalis ang ngisi sa labi ko, kahit ramdam ko ang galit.

"Gusto mo bang dagdagan pa ang ipapagawa?" he asked me.

Kinuyom ko ang palad. "I just want to see him crawl in dirt, Ibarro."

"Kung ganyan ang gusto mo, then let us do that for you. Ako sa anak-anakan. Si Kuya sa matanda. Habang sinisira ni Kuya paunti-unti ang kompanya ni Heriberto, ako naman ay parurusahan ang anak-anakan niyang maraming itinatagong labag sa batas. Signal lang naman ang hinihintay namin sa'yo, Athena." Ramdam ko ang itinitimping galit ni Ibarro.

In the few years that only three of them helped me, I have gradually mastered their character. Ibarro was the most humorous. Amore was the loudest. Cael was the coldest. But despite that, I know their true capabilities. One of them is an expert in social skills. One of them is idealistic and creative. One of them was a prodigy.

Kahit hindi nila iyon sa'kin sabihin. I know they are beyond powerful. The Fajardos after all is regarded as being among the highest and oldest names in Asia when it comes to wealth and influence.

Parang kailan lang, noong ipinakilala sila sa akin ni Amore.

"Athena?" I heard her gentle voice from my side.

Hindi ako kumibo at pinakiramdaman lamang siya.

Umupo ito sa gilid ng kama habang ako naman ay hinihimas ang tiyan na ngayon malaki na ang umbok. Malapit na ako manganak at malapit ko nang mayakap ang anak ko.

Amore cleared her throat. "Athena, may... kasama ako."

I stilled and swallowed hard. I suddenly feel scared.

Pinakiramdam ko ang lahat.

Dala ng sobrang trauma sa nangyari, iilan lamang ang pinapayagan kong pumasok sa inuukupahan na silid. Hindi ako nagtitiwala kahit pa sa mga tauhan ng ospital. Kaya naramdaman ko ang kaunting takot at pag-nginig ng mga kamay pakarinig ng sinabi ni Amore.

Bumigat ang paghinga ko.

"Amore, she's..." I heard a man.

Dumoble pa ang takot ko dahil doon.

"H-Huwag..." My lips quiver as tears threaten to spill out. "Huwag... k-kayong lalapit! Huwag kayong lalapit!"

Napalapit bigla si Amore at hinawakan ang mga kamay ko. "Hey. Hey... It's alright, Athena. I'm here. Your friend is here beside you."

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Where stories live. Discover now