Chapter 16

2.4K 85 50
                                    

Chapter 16: Regrets

Para akong wala sa sarili habang nakatulala sa tatlong puti't magagarang kabaong na nasa harapan ng lahat. The cries came from all sides and it was murdering. I could see my grieving relatives. But all of this made me strengthless. I felt suffocated and... defeated.

I'm still trying to be here, in the middle of a wake, even though I was hesitant to take a step forward for fear of seeing my loved ones lying in their coffins, now cold and lifeless.

Patuloy sa pag-agos ang luha ko.

It was as if this moment was the time when the colors of the world bowed in reverence for a sorrowful point in my life. Ramdam ko ang pag-punit ng puso dahil sa nangyayari na hindi ko kailanman hinangad o ginusto.

"I couldn't believe that the news was true, amiga. Hanggang ngayon. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa pinakatanyag na pamilya Herrera," boses ng isang ginang sa malapit na nakikipag-usap sa iba.

"Paniguradong kaaway nila ang may salarin nito."

"Guerrero? Iyan ang matagal ng kaaway ng pamilyang ito, hindi ba?" sabad naman ng isa.

Pero ang mga sinasabi nilang iyon ay tila hangin lamang sa aking pandinig. Hindi ko alam kung ayaw ko ba marinig ang mga bagay na iyon o ayaw ko lang talagang tanggapin ang katotohanan ngayon.

I gripped my white dress, suppressing the sound of my sobs. But no matter how much I tried to stop myself from crying, patuloy pa rin ang mga luha ko sa pagdaosdos. Walang tigil. Walang katapusan.

Sumisikip ang dibdib ko.

I watched how those candles light their pictures. Nakangiti sila at animo'y kahit ganoon ang nangyari, para nila akong tinatahan gaya sa kung paano nila ako pinahalagahan noon pa man.

Napayuko ako at mas lalong napahikbi.

I am unsure which pain I'm feeling now. No one ever told me that grieving feels like being dead while still able to breathe.

Ayaw kong tanggapin... Ayaw kong tanggapin na wala na nga sila... na patay na sila. Na iniwan na nila ako.

"Papa..." I sobbed.

Pinilit kong humakbang, kahit nanginginig ang buong katawan sa pag-iyak.

"Abuelo... A-Abuela..." I shook my head. "No. No. H-Hindi niyo ako iiwan... Hindi niyo ako iiwan..."

"Anong ginagawa mo ritong, babae ka!"

Napahinto ako at natauhan nang salubungin ng isang malakas na sampal.

"Kasalanan mo 'to lahat! Napaka-kapal ng mukha mo!"

I was terrified of seeing my mother hurt me again. This wasn't the second time she hit me. It was every time when I tried to be here. Parati niya akong sinasaktan at sinisisi.

"Mom, calm down." Pinigilan ito ni Kuya Demi na makalapit sa akin.

Naagaw na namin ang atensyon ng mga panauhin. Lahat nakatutok ang maintrigang mga mata sa amin. Sa akin. Huling gabi na ito ng lamay, kaya medyo maraming tao ang naririto. Hindi ko maiwasang hindi dapuan ng hiya dahil mga kilalang pamilya sa bansa ang mga tumitingin sa'kin.

I swallowed hard and lay my head low.

"K-Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo!" garalgal na sigaw ni Mama sa akin. "Kung hindi... Kung hindi ka na sana hinanap, edi sana buhay pa sila! Napakawalang hiya mong babae ka! Napakawalang hiya mo para magpakita pa rito!"

Para iyong mga sundang na itinusok isa-isa sa napakabigat kong dibdib. Walang itinirang salita na hindi tumama at nagpadugo ng sobra sa pagkatao ko. Ang sakit. Napakasakit marinig na sinisisi ako ni Mama sa mga naganap na trahedya, anim na araw na ang nakaraan.

Flying Without Wings (Del Gallego Series #1)Where stories live. Discover now