S I X

1.9K 57 5
                                    

"Lady Ice and Lady Zee has arrived!"

Ganyan ang narinig namin nang makapasok kami ni Zee. Sumunod ako kay Zee dahil hindi ko talaga alam kung saan ako uupo. HAHAHAHA!

"Tori, alam ba ni Pyr ang nakalagay sa box?", tanong ni Nike.

She is wearing a navy blue gown with navy blue mask. Tori is wearing her cute pastel yellow gown and mask, Zee is wearing her gray gown and mask, and Syne is wearing her elegant red gown with mask.

"Alam niya pero hindi nakalagay ang pangalan ni Ice. So hindi niya alam na may isang Reaper na po-protektahan siya.", sagot ni Tori habang umiinom ng wine.

"Good evening, everyone! For those who don't know me yet, I'm Pyr Trevor Hwang, the heir of Hwang Mafia. My grandmother left a message for the chosen people to be the Royal Reapers.", simula ng lalaking may suot na black tuxedo at black mask.

It's Trev.

"The names that are being called were the ones who will be part of the Royal Reapers; Ice, Nike, Zeeara, Victoria, and Mnemosyne."

Tumayo kami at pumunta sa harap. He will never know that Krystal and Ice are one. Kahit na obvious, hindi niya malalaman. Maybe kilala niya sina Tori as a reaper and a student but si Krystal? Hindi hamak na student lang ang paningin niya. Wala ng iba.

"Nike, you're incharge to be the head of our Underlings. Zeeara, you will be the head of the Knights with Chase. Victoria, you will be the head of the Hackers with Yuri. Lastly, Mnemosyne, you will collab with Nate as the brain of the Mafia. These Royal Reapers are assigned by Master Z.N.", tumingin siya sa amin.

"Protect the Mafia with all your life, Reapers."

"Yes, Master!"

Sagot namin bago bumalik sa pwesto. Kanina pa ako hindi komportable! Tinignan ko ang paligid, maaaring merong tao maliban sa miyembro ng Mafia. Aish! Ganito na ba talaga kahina ang ibang Mafia?!

Tumayo ako at naglibot-libot.

Hindi ako nagkakamali, may tao nga maliban sa aming lahat. Naaawa talaga ako sa kanila, isa-isa silang nauubusan ng espiya. Hay, Luna Mafia! Pinapatawa niyo ako!

Tinignan ko ang isang tao na kanina ko pa binabantayan. He's the spy tonight? Alright!

"Ice?"

Tinuon ko ang atensyon ko sa tumawag sa akin. Oh? Him?

"What?"

Bored kong tanong tsaka tinignan siya. Tinitignan niya ako sa mata, langya!

"You look familiar."

Tinaasan ko siya ng kilay. Tinanong niya na ito bilang Krystal at ngayon naman bilang Ice? Naku, Trev! Baka masabunutan ako ni Yejie! HAHAHAHA!

"Pinagsasabi mo?", natatawang tanong ko tsaka umiling.

BADTRIP! Nasaan na ang espiyang 'yon!? Tangina naman! Iniwan ko doon si Trev at hinanap ang putanginang spy na 'yon. Tinitrace ko ang unfamiliar heartbeat na na-detect ko at napunta lang ako sa wide space sa labas ng main building. Bwisit.

"Ice, long time no see."

Tinignan ko ng masama ang kaaway ko mula noon hanggang ngayon. Buhay pa pala si Kid? Akala ko tinuluyan na siya ni Tori noon? Tsk.

"Buhay ka pa pala?", tinaasan ko siya ng kilay.

"Of course! I'm still alive-"

"Baka naghihintay lang ng pagkakataon na ako mismo ang papatay sa'yo?", ngumisi ako sa kanya na ikinangiwi niya naman.

Reaper PrincessWhere stories live. Discover now