T H I R T Y - T W O

680 23 0
                                    

~***~

|S Y N E|

Its been two weeks and yet she's still asleep. Kailan ka ba magigising, Krystal? Nag-aalala na kami sa'yo.

Mahinang napabuga ako ng hangin at tinungo nalang ang isang mall para makabili ng pagkain. Nandoon ngayon ang mga parents ni Krystal pero uuwi din naman daw dahil nay gagawin pa sila sa palasyo.

"I think you need this."

Bigla akong tumingin nang may naglahad ng panyo sa harapan ko. Napahawak ako sa pisngi ko at poteks dahil naluluha pala ako.

"Umm, no thanks- Nate!?"

Yes, bijj. Si Nate ang naglahad ng panyo. Bakit ba siya nandito?

'Oh c'mmon, Mnemosyne hindi mo pagmamay-ari ang mall. Psh.'

"You're crying.", malamig na sabi niya.

Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa! Lumapit siya sa akin at siya pa mismo ang nagpunas ng mga luha ko.

"I really hate seeing you cry infront of me."

What the hell, Nate Frost Salem!? Hindi ko alam kung bakit ako natulala sa mga sinasabi niya ngayon.

*TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG* *TUG DUG*

Why is my heart beating so fast!? Pinunasan lang ang luha ko tas ganito na!? Shit.

Iniwas ko ang tingin ko at binaling na lang sa cart na tinutulak ko at pinili ang mga pagkain na gusto ng lahat. Binilhan ko pa sina Nike ng chocolates.

"Samahan na lang kita bumili. Besides, you're going to the hospital after buying foods."

Tumango na lang ako at hindi siya hinarap. Kakaiba kasi ang heartbeat ko kapag nakikita ko siya. I don't know why but I think this is dangerous for me.

After kong bayaran ang mga pinamili ay nahawakan ako ni Nate at siya na mismo ang nagbuhat ng mga paperbags. Paperbags kasi ang ginagamit na lalagyan imbes na plastic.

Napatingin ako sa kanya na may halong pagtataka, "I can carry those bags. Bakit mo kinuha?"

Nagsalubong nag dalawa niyang kilay. Damn it, why are you so hot with that look? Shit, Mnemosyne! Nakakahiya mga pinagsasabi mo!

"Sabay na tayo since pareho lang naman tayo ng pupuntahan.", seryoso niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

I have my own car! Alangang hindi ko yun gagamitin!

"I have my car.", malamig na sabi ko.

Pero parang wala lang siyang narinig at hinila nalang ako papuntang parking lot! Ginagago niya ba ako!? Ngayon lang din pumasok sa isip ko na siya pala ang partner ko sa task na sinasabi ni Master Z.N. kung tutuusin ang sabi niya ay kami daw ang utak ng Mafia. Ok, wth.

"Get in."

"I said I brought my car-"

Wala akong nagawa nang sapilitang pinapasok niya ako sa unahan. Hindi din ako makawala sa higpit nang pagkakahawak niya.

"Damn. So stubborn."

Pumasok na rin siya sa kotse niya at pinaandar yun. Tahimik lang ang naging biyahe at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung kailan magigising si Krystal.

Napatingin na lang ako sa labas habang nilalagay ang earphones ko sa magkabilang tenga.

Nang ma-park na ni Nate ang sasakyan niya ay siya na rin ulit ang nagbuhat ng mga pinamili ko. Pumasok na kami sa hospital at tinungo ang daan papunta sa room ni Krystal.

"How long will you keep it secret, Krystellia?"

"Alex, she will be in danger if I will tell her the truth!"

"Krystellia, that child deserves to know the truth."

"Not now. Lalo na't alam ko na nakamasid lang siya kay Krystal. My daughter will be mad at me and the curse that Death gave her will be activated on her birthday! Now that she entered Celestia, mas lalo akong nawalan ng pag-asa dahil simula pa lang ay hindi na sila pwede magkita ng kapatid niya!"

"Don't you think it's too much?"

"I need to protect Krystal. Hindi siya pwedeng mamatay!"

"Sinasabi mo ba na ang kapatid niya ang dapat na mamatay?"

"I didn't say that! Kung sana ang nagsumpa na lang ang mamatay, why not!? Psh! She didn't even think twice!"

K-Krystal...

She is cursed?! By who? Alam kong masama makinig sa nga usapan pero nate-tempt ako! Nakinig pa ako ulit sa usapan ni tita lia at tito alex. Mas lalo akong nagulat dahil sa nalaman ko.

"Can't you tell Krystal that she's not your real daughter? Na anak siya ng ama niya sa ibang babae."

"I love Krystal. Though her sister and her are not my daughters, anak pa rin siya ni Kasper sa tunay niyang mahal. I just did what I was told to do, Alex. Kaya nga ako nahihirapan na sabihin sa kanya ang totoo, I'm afraid that she will be mad at me. Hindi ko k-kakayanin y-yun."

At tuluyan ng humagulgol ang mommy ni Krystal. Nanlaki ang nga mata namin ni Nate na nagkatinginan sa isa't-isa. I bet he heard it too.

"No need to tell me the truth, Mom."

Nagulat kami sa biglang pagsalita ni Krystal na nakatayo na ngayon sa likod nila. Napasinghap si tita sa pagsalita ni Krystal na parang nagpa-panick.

Nasa pinto lang kasi nag-uusap sina tita at tito at nakatalikod ito sa kama ni Krystal kaya baka yun ang dahilan kung bakit namalayan na lang nila na nakatayo na si Krystal sa likod nila.

Kami naman ay sa labas lang na nakatingin sa kanila. This is so shit.

"Syne, umalis na muna tayo.", napatango sa sinabi ni Nate at dali-dali na kaming lumisan doon.
••••

Reaper PrincessWhere stories live. Discover now