T H I R T Y - E I G H T

651 12 5
                                    

|D I E|

FINALLY! NAKARATING NA KAMI SA DESTINATION NAMIN!

"Omyghad! Yes! Yes! Yes! Andito na tayo! As for now, ito ang pinakamalapit na lugar sa Enchantia. Currently here in the town of drum roll puh-lease!", walang pumansin kay Kylee kaya napanguso ito.

"Ambad niyo! Ako na nga lang!", nag-drum siya sa pader. Baliw talaga.

"We're in Eritia! Yey! Eritia Kingdom is ruled by Riniah and Jonathan Fierro! It is one of the strongest Kingdom in Celestia, their daughter is currently studying at REA. Then..."

Hindi na ako nag-abala pa na pakinggan si Kylee kasi nagbabasa rin ako sa mga potions and spells para maiwalang bisa ang sumpa. This curse will be activated on Krystal's birthday kaya naman mas mabuti kung maaga itong mawala.

Nakakaramdam din ako ng mga pagbabago sa katawan ko, gaya ng naging red ang buhok ko at mga mata ko. Nagkakaroon na rin ang ng mga wirdong panaginip. Isang babae at isang lalaki.

Ang saya-saya namin doon dahil magiging ate na ako pero noong ipinanganak ang kapatid ko ay doon nangyari ang trahedya. Iyak lang ako ng iyak noon habang may ginagawa sila sa akin na spell...hindi ko maalala.

"Nakikinig ka ba Astrid!?", nakapamewang na tanong ni Kylee habang hinarap ako.

"Ehh..."

Napaface-palm naman ito kaya binato siya ni Kyle ng sandwhich. Tumama yun sa mukha ni Kylee kaya sinamaan siya nito ng tingin. Eto nanaman po sila.

"Taph na! Taph! Eto na lang! Pumunta tayo sa bayan ng Enchantia! Bibili ako ng wand!"

O_O

Kinutusan ni Kylee si Kyle, "bakit sa Enchantia pa!? Nandoon si Krystal! Pano kung magkita sila ni Astrid?"

Nginusuhan naman siya ni Kyle, "Tss. Hindi naman siguro! Ang lawak ng Enchantia!"

Tumingin sa akin si Kyle na para bang humihingi ng permiso kaya tumango ako. Binelatan niya naman si Kylee.

"Sasama na lang ako. Baka may mabili rin ako."

Nag-alalang tinignan ako ni Kylee pero tinanguan ko lang siya.

"Pero Trid-"

"I'll be fine."

Napa-sigh na lang siya at sapilitang ngumiti kaya hinila ko siya para yakapin. Sus! 'Tong babaeng to talaga! Sarap ilaglag sa kanal!

"LEGGO MY FRIENDS!"

****

"Poteks! Ang ganda pala dito sa Enchantia 'no?", manghang sabi ni Kylee.

Nahihiya na ako sa kakadada niya! Pinagtitinginan na kami dito. Sinabihan ko na siya pero ang shunga ito ang sagot niya:

"So what? Pinapakialaman ko ba sila? Diba hindi? Buhay ko 'to! Wala silang paki! Magsasalita ako kung gusto ko!"

Oh diba? Walangya.

"ASTRIDDDD- you should try this ice cream!" (*´∀`*)

Tinignan ko si Kylee na may ice cream at nilahad ito sa akin. Kinuha ko naman yun at tinikman. Emegerd.

o(^▽^)o

Eng sherep.

"Ano ba! Wag mong ubusin, tupanggala ka!!", inis na sabi ni Kylee.

Nagpeace sign ako sa kanya pero inirapan niya ako at kinuha ang ice cream. Hinihintay kasi namin si Kyle dahil may binili siyang wand. Dahil ang boring maghintay ay gumala na lang kami.

"Wait, naiihi ako.", napairap ulit siya nang sabihin ko yun.

"Maihi ka diyan!"

"Gaga."

Sinimaan ko siya ng tingin kaya nginitian niya ako. Moodswings amputa.

"Jowk lang. Doon ang malapit na CR!"

Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya kaya nagmadali na akong pumunta doon.

Nang matapos na ako ay naghugas na ako ng kamay. Syempre, iwas germs. Pupuntahan ko na sana kung saan ko iniwan si Kylee pero wala na siya dun.

"Nasaan nanaman ba nagsu-suot ang babaeng yun?", bulong ko at nagsimulang lumakad papunta sa mga dinaanan namin.

Naaaliw din ako sa mga stores dito kaya kung may napupusuan ako ay tumitigil ako para bumili. Doughnuts! Wehehehe! Serep.

Naglakad-lakad pa ako habang kumakain. Nasaan na ba sila? Dont tell me, iniwan na nila ako? Humanda lang talaga ang dalawang yun!

Linibot ko ang paningin ko. Nasa sentro na ata ako ng bayan. Lumingon-lingon pa ako kasi baka andito lang pala sila pero wala!

-_-!

Nang makatalikod ako ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa harap ko. Mukhang nagulat din siya pero mas ako!

O_O

"K-krystal."

Nagtataka niya akong tinignan, "who are you?"

Kasabay ang pagsagot niya ay ang pagdilim ng kalangitan. Shit. Nangyari na. Punyetaaaa! Bigla akong nakaramdam ng sakit sa loob ko kaya napapikit ako ng mariin. Naramdaman ko na din na humangin ng malakas kaya napaupo ako sa lupa.

"S-SHIT!"

Narinig ko ang palahaw ni Krystal kaya namulat ko ang mga mata ko. Gulat na gulat ang mukha niya habang nakahawak sa buhok niyang nagiging kakulay ng snow.

Naging pula na din ang mga mata nito kagaya ko. Ang sakit na nararamdaman niya ay nararamdaman ko din kaya napahawak ako sa puso ko.

Ang sakit-sakit.

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak dahil ang enerhiyang nasa loob ko ay unti-unting sinasakop ang katawan ko. Napatayo ako at tinignan ang dalawa kong kamay na ngayon ay umaapoy na.

Napatingin ako ulit kay Krystal na nagiging ice ang mga kamay nito at tinuon sa langit. Sabay nang paglabas niya ng ice niya at siya naman sinundan ng apoy ko.

Tinuon ko sa langit ang kamay ko para walang masunog sa paligid. Parang kinakain nito ang katawan ko! Ang impact ng paglabas ko ng apoy ay ang paghina ng katawan ko.

Naluluhang tumingin ako sa kalangitan na ngayon ay nahati sa dalawang kulay.

Red and blue.

Dahil sa labis na paghihina ko ay unti-unti na ring nagdidilim ang paningin ko.

"ASTRID!"

Napatingin pa ako kay Kylee na sumigaw ng pangalan ko. Damn it. Gusto kong tumakbo papunta sa kanila pero hindi ko magawa. Napaluhod na lang ako hanggang sa naramdaman ko na ang lupa sa pagbagsak ko.

•••••••
-seoulmate-

Huehue...nahirapan ako sa pagsulat nito. Sumasabaw kasi yun utak ko.

TT_TT

Anyways, malapit na itong matapos! Yey! *sabog confetti* so ito nga o, I'm stuck between happy or sad ending! Huehue! Ang hirap!

Hope u like this chap.

Reaper PrincessWhere stories live. Discover now