T H I R T Y - O N E

744 19 0
                                    

~**~

Agad na nag-impake si Die ng mga kailangan niya at nga gamit. She will enter Celestia Realm again.

"Astrid!"

Napatingin si Die sa gawi nina Kylee at Kyle na may kanya-kanyang maleta at backpack. Sasama ata sila? Wala yun sa plano ni Die!

O_O

"Wadda hell!?", singhap niya kaya napangisi ang dalawa.

"Surprise!!"

Napailing na lang si Die sa kanila at nagpatuloy sa pag-iimpake. Alam nilang nakasarado ang portal patungong Celestia pero baka may magagawa naman sila.

"Ewan ko sa inyo. Tara na, sisikat na ang araw maya-maya lang.", naunang lumabas si Die dala ang maleta at backpack.

Malapit lang naman ang portal dahil nasa gitna ito ng gubat at malapit lang yun sa bahay ni Die.

Putak ng putak si Kylee kaya naman napangiwi si Kyle sa kanya. Ang daldal e, tapos parang minions pa kung tumawa! Nakisabay na rin si Die sa pagsasalita ni Kylee habang naglalakad.

"Owemji! I kennat weyt! Ano na kaya ang nangyari sa mundong yun? Wehehehe, andami kayang gwapo dun?"

Hindi tumigil kakadada si Kylee hanggang makapunta sila sa malaking puno. Nasa gitna na sila ng gubat habang tinitignan ang magsisilbing portal.

"Woow, ngayon ko lang ulit nakita ang punong ito!", namamanghang sabi ni Kylee at mariing tinignan ang puno.

"Pa'no natin bubuksan 'to?", nagtatakang tanong ni Kyle habang nakatingin sa dalawa niyang kasama.

Biglang lumapit si Die sa harap ng puno at walang alinlanagan na dinikit ang kamay niya dito. Nagtatakang tinignan siya nina Kyle at Kylee.

"What are you doing- omygoshue!", suminghap si Kylee nang biglang humangin ng malakas.

Nagliliparan ang mga dahon at lupa sa paligid kaya agad na ginamit nila ang ability para maprotektahan ang mga sarili. Kinuha agad ni Die ang kamay sa puno at gumawa ng fire barrier para sa sarili, si Kylee naman ay gumawa ng rock tent kaya nakatago siya doon, si Kyle naman ay gumawa din ng water barrier para sa kanya.

Nang humupa na ang malakas na hangin ay unti-unting lumabas na ang tatlo sa kani-kanilang barrier.

O_O

"What the heck happened!?", gulat na tanong ni Kylee at napatingin sa puno na parang may bilog na biglang lumalaki sa loob ng puno.

"WHAT'S THAAAT!?", sigaw ni Kylee na para bang gulat na gulat. Si Die at Kyle naman ay napatulala lang sa lumalaking bilog sa puno.

Nang mapantay na nito sila ay kulay pastel blue ang loob niya na parang may mga shining-shining ang loob nito.

"Heck. That's the portal!", singhap ni kyle.

Kumapit si Die sa kamay ni Kylee kaya napahawak din si Kylee sa kamay ni Kyle.

"Come on, come on. Leggo, leggo."

Napataas ang kilay ni Die at tumingin kay Kylee.

"Seriously? Ginaya mo talaga ang line ni Jeongyeon sa Happy Happy?"

"Why not? HAHAHAH!"

Napailing na lang si Kyle sa kanilang dalawa at tumingin ulit sa portal.

"Leggo."

At sabay-sabay nilang tinahak ang portal patungong Celestia.

~***~

"Its been a week since she was operated. Bakit di pa siya gumigising?", tanong ni Yejie.

Its been a week since that ambush happened. Maraming nagkasugat na mga estudyante at pansamantalang walang pasok sa Royal Elite Academy.

Most of the parents are mad about what happened pero mukhang nagkaayos naman agad. Krystal's mother, Krystellia was furious about knowing her daughter is in the hospital and was shot near her backbone. Napagalitan din nila si Madie dahil hindi ito nagawang protektahan si Krystal kaya yumuko lang ito sa kanila.

"I don't k-know.", malumanay na sagot ni Nike.

Even Nike na pinakamadaldal sa kanila ay naging tahimik na. Palagi nilang dinadalaw si Krystal at minsan ay dito na sila natutulog sa room niya.

"If something happens to her, I swear mapapatay ko na ang lahat na nasa Luna.", mariing sabi ni Zee habang nakatingin kay Krystal na nakahilata pa rin sa kama niya.

Napapunas ng luha si Tori, "Hey, bitch. Gumising ka na, one week ka ng hindi naliligo. Eww. Wake up na!"

Si Syne naman ay tahimik lang na nakatingin sa kawalan. She lost her sister and she can't lose another one.

Napatigil naman ang lahat nang biglang lumindol. Hindi ito ordinaryong lindol lang dahil ang lakas-lakas nito.

"S-SHIT! ANONG NANGYAYARI!?", sigaw ni Tori.

Nagtaka si Syne habang binabalanse ang sarili, "Someone came out from the portal."

Nang biglang huminto ay doon nila tinignan si Syne.

"What!?"

Pati sina Mads at Asa ay napatanong na rin. It's been years since sinara ng mga taga-Celestia ang portal at talagang nakakataka nang biglang may lumabas dito.

"I thought pinutol nila ang koneksyon ng Mortal at Celestia Realm?"

Syne shrug her shoulders. Hindi niya alam ang mga nangyayari pero sigurado ito na may lumabas mula sa portal nila.

••••••

Reaper PrincessWhere stories live. Discover now