T W E N T Y - T H R E E

923 25 0
                                    

"OH-MY-GOSH KRYSTAL! Anong nangyari sa'yo!?"

Bungad sa akin ni Jing nang makababa na ako para mag-agahan. Ano bang nangyari? Syempre, hindi ako nakatulog ng maayos kaya medyo walking zombie ako.

"Nagpuyat ata.", iling-iling na sabi ni Tori sabay kain ng cereal niya.

Linapitan naman ako ni Jing at hinawakan ang dalawang pisngi ko para matignan niya ako ng malapitan.

"You're on a mission last nigt?"

Tango lang ako ang sagot ko kasi inaantok pa ako. Umupo ako sa pwesto ko sa mahabang mesa na ito at nagsimulang kumain. Still, Nate and Syne will do the cooking for a week.

"Lagyan mo nga 'yan ng concealer ang dark circles mo, Kryst!", suggest ni Tori kaya napatingin ako sa kanya.

"Omygosh, don't look at me like that! Ang creepy! Mukha akong tinitignan ng zombie!"

Umirap lang ako sa kanya at kumain ulit. Heh! Mga tao talaga ngayon! Ay-demonyo pala siya! Heh!

"Magsuklay ka nga pagkatapos mong kumain!", si Zee naman ang nagsalita.

Mga demonyo talaga! Ang ingay-ingay! Umagang-umaga eh! Nang kumpleto na kami ay syempre kumain na sila agad, mukhang nakakahiya naman kung ma-late kami.

"I heard Trev and Yejie are dating for years?", biglang sabi ni Mikee kaya agad na nabilaukan si Jing.

Katabi ko lang naman siya kaya pinat ko ang likod niya. Ubo kasi siya ng ubo kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"Wth.", reaksyon ni Rev.

Mga demonyo! Alam naman ng lahat ng nasa mesa na walang namamagitan sa dalawa pero clueless ata 'tong si Mikee. Biglang humagalpak ng tawa si Hiroshi kaya naman taka siyang tinignan ni Mikee.

"Omygash. I can't believe this, dude!", sabay hampas niya sa balikat ni Rev na tawang-tawa din.

"Oh, well. Congratulations sa inyong dalawa!", sabay pat ni Mikee sa balikat ni Rev.

"AWSHIT- First kill!", natatawang bigkas ni Nike kaya napatingin ng masama si Jing sa kanya habng mahigpit ang hawak sa tinidor.

"Alagaan mo 'yang si Yejie, bruh. Bipolar 'yan.", natatawang sabi ni Mikee.

Wala na talaga akong gustong gawin kundi ang patahimikin si Mikee. Demonyo! Manhid na lalaki amputa!

"AWSHIT- second kill!", si Hiro naman ang nagsabi tsaka tawa-tawang tinignan si Jing na nakasimangot.

Muntik nang matawa sina Nate dahil sa kademonyohang ginagawa ni Mikee. Kung pwede lang sana, i-dodonate ko ang puso ng mas nakakaramdam sa puso niya na parang ulol.

Bahala na sila, pero leshengina kasi hindi ako nakapag-jogging ngayon! Malapit lang naman sa dagat 'tong dorm namin. Diba nga ang academy ay nasa isang isla? Kaya naman malapit lang talaga ang dagat sa house dorm.

Lemme clear this out, ang house dorm ay nakatayo malapit sa isang cliff! Kaya view namin ay dagat. Malawak kasi ang nasasakupan ng academy kaya parang half ng isla ay parte nito. Kaya talaga gusto kong mag-jogging kasi parang sa Enchantia ito na sea side eh.

"Love her the way she loves you, Hwang."

"BOOM- MASSACRE!", natatawang sabi naming lahat kaya mas lalong napasimangot si Jing.

Mga demonyong 'to talaga!

Nang matapos na kaming kumain ay hinila ako ni Tori sa kwarto niya at linagyan ako ng concealer.

TT^TT

****
"Ms. Lim? Why are you sleeping in my class?"

Bigla akong nag-straight ng upo at tinignan si Ms. Dragona na nakapamewang sa harap ko. Ahshit- nakatulog ba ako? You're so dead, Ice. So dead.

Reaper PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon