T H I R T Y - T H R E E

665 20 0
                                    

|K R Y S T A L|

Malamig kong tinignan si mommy. I'm not her real daughter, I'm cursed by someone, at sinong she ang nakapasok sa portal na dapat di kami magkita?

My mother lied to me. Ganun ba kahirap na sabihin sa akin ang totoo?

"I'll give you 10 minutes to explain.", malamig na utos ko.

Nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin.

"Krystal! She's still your mother and she's the Queen!"

Malamig kong tinignan si dad. I don't fvcking care! All I want is to know the truth about myself. Pinagkait sa akin ang tunay kong ina and now what?

"I don't care."

Tumingin ako ulit kay mom na naiiyak na. I don't know why I can't feel anything. Nanggaling mismo sa kanya ang mga salita na ayaw niyang banggitin sa harap ko diba? Tsk.

"I was settled with your father that time. A-all I know is he's happy with your mother. I-I'm inlove with your father...pinagbubuntis ka ng ina mo habang masaya kayo kasama ang panganay nila. I envy her. He's happy with his own family kahit engaged na kami sa isa't-isa. Ayaw niya na makasal sa akin dahil gusto niya ang mommy mo ang pakasalan niya, because I was so selfish, sinumbong ko yun sa mom ko. She ordered t-to kill your mother and her eldest. Noong time na magpapakasal na kami ay doon ka isinilang ng mommy mo, your father was so miserable dahil wala siya sa tabi ng mom mo. Akala ng mommy mo ay pinatay ka at ang kapatid mo.", hagulgol niya sa harap ko.

"Your mother was furious about knowing that you're killed by us. She begged to see her second daughter but it was taken away from her. Your father brought you and your sister in our house, saying na aalagaan ko daw kayo kasi aalis siya. He didn't know noong birthday mo ay pumunta si mommy mo sa bahay, akala ko alam niya na buhay kayo but no. She didn't remember you and your sister, her memories was taken away from her. Ang alam niya ay patay na kayo, your sister didn't know your mom also kasi nawala din siya ng alaala."

Patuloy lang siya sa pag-iyak habang hinahagod ni dad ang likod niya.

My real mother...pinagkait sa kanya ang mga alaala niya.

"She wants to take revenge. Akala niya ay anak namin kayo ni Kasper kaya sinumpa niya kayo."

Nalaglag ang balikat ko sa narinig. S-she cursed me and my sister? Parang nawalan ako ng salita. My own mother cursed me? I didn't feel anything, di ako galit sa kanya. Bakit!?

"But I k-know...since she cursed both of you ay palagi niya kayong binabantayan. Soon, her memories will come back."

"Why did you let my sister live in the other world?", seryoso kong tanong.

Para bang nagulat pa siya sa tinanong ko kaya mariin ko siyang tinignan.

"I did that to p-protect you."

Protect me!? Pa'no naman siya!? Anong alam niya doon sa kabilang mundo!? Imagine she was just five years old that time!(yung nakita ni krystal sa panaginip niya)

"What!?", di makapaniwalang tanong ko.

"Then what about my sister!? Ako lang ba ang dapat protektahan!?" , hindi ko mapigilan ang pagtaasan siya ng boses.

"I-it's not like t-that. I don't want you to die, Krystal."

"BULLSHIT!"

Hindi ko mapigilan na mapasigaw sa galit. That's insane! Isasakripisyo ba niya ang kapatid ko dahil lang ayaw niya akong mamatay!?

"I-i'm sorry, Tal."

"Leave."

Tinalikuran ko sila.

"B-but krystal..."

"I said leave!", tinaasan ko nanaman siya ng boses.

Napapikit na lang ako at narinig ko na bahagyang bumukas-sara ang pinto at doon ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Pinagkait sa aming tatlo ang magkita. Can't I see my sister and my mother for once? Or never?

I cried and before I know my room is already filled with ice. May mga nagliliparang snowflakes sa hangin at nagiging ice ang mga pader pati na ang sahig kaya mas lalo akong naiyak. Damn it. My vision gets blurry kaya napahiga na lang ako sa kama ko at nakatulog sa pag-iiyak.

|D E A T H|

Napatingin ako sa room kung saan siya dinala ng anak ni Ianne. Her room is filled with ice kaya napailing na lang ako. Ano nanaman ba ang ginawa ni Krystellia? Pero bakit ganun? Parang ako ang nasasaktan sa pag-iyak niya kanina. Hindi ko naman narinig ang pinag-usapan nila. It's already eleven in the evening and yet heto ako, binabantayan si Krystal.

Why is that again? Psh. Napailing nalang ako at dahan-dahang binuksan ang bintana niya para makapasok ako. Ang lamig ng kwarto niya pero parang di naman siya apektado. Niyakap ko ang sarili ko dahil giniginaw ako.

"Tsk. Sinong matinong babae ang gagawa ng parang freezer na kwarto?", mahinang usal ko at umupo sa tabi niya.

I don't know why I can't hate her. Hinaplos ko ang buhok niya na para bang ito ang unang beses na ginawa ko sa kanya. Ginagawa ko 'to sa kanya noon habang natutulog siya. Ewan ko kung bakit. Ask my hands.

"You're now fine. Nakipagsagutan ka na nga sa nanay mo.", natatawang ani ko at pinagmasdan siya.

She reminds me of my teenage face. Hindi rin naman ako magtatagal kaya agad ko ring hinalikan ang noo niya. Nagulat ako sa ginawa ko pero nakaramdam din ako ng tuwa.

"Goodbye, Ice."

Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakapikit lang siya habang sinasabi ang mag salitang, "Mama, don't go."

Marahil ay napapaginipan niya si Krystellia. Pero bakit ganun? Imbes na mainis ako dahil tinawag niya akong Mama ay bakit parang gusto ko siyang yakapin?

Kinuha ko ang kamay niya na nakahawak pa sa kamay ko at walang alinlangang tumango. I'll stay with her tonight. Walang nagbabantay sa kanya e.

•••••

Reaper PrincessWhere stories live. Discover now