Chapter 3

357 21 2
                                    

Yumi's POV

Tumayo siya at tinignan ako ng masama. Dumukot siya ng patalim sa pantalon niya at tinutok iyon sakin.

Napairap nalang ako. Ang unfair. May hawak siyang armas pero ako wala?

"Katapusan mo na" sabi ng lalake at tumakbo papunta sakin

Itinutok nito sakin ang patalim pero agad din iyong nawala sa kamay ng lalake dahil sa malakas na pagsipa ko.

Thank ghad naka jeans ako.

Mabilis kong hinubad ang parang necktie sa damit ko habang nakikipagpalitan ng suntok sa lalake. Nang tamaan ko ito ng tatlong beses sa sikmura at isang malakas na tadyak sa tagiliran ay agad akong nakapunta sa likuran ng lalake.

Mabilis kong ipinulupot ang necktie sa leeg ng lalake, pilit itong nagpapalag ng ilang segundo hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay at bumagsak.

Tinignan ko ulit ang babae na ngayon ay parang na amaze sa ginawa ko.

"Pwede na po kayong umalis" sabi ko sa babae

Kaagad naman nitong inayos ang damit at kinuha ang mga gamit.

"Maraming salamat po!" sabi niya at tumakbo paalis

Tinignan ko naman ng masama ang lalake na nakahandusay na ngayon sa sahig.

"Tsk! Dapat sayo pinuputulan ng kaligayahan!" sabi ko at umalis na

Someone's POV

"Lord T! May isa po tayong tauhan na nasa hospital ngayon" napatingin naman ako sa lalakeng biglang pumasok sa kwarto ko

"What? Anong nangyari?" nagtataka kong tanong

"H-hindi ko po alam eh. Wala po kasing pambayad sa bills kaya nanghihingi ng tulong satin. Bali bali po ang buto nito at basag ang mukha. Mukhang malaking tao ang nakalaban nito. Mukhang mga kalaban na naman natin ang may gawa" napa irap nalang ako

Tumayo nalang ako and took one last sip of my wine.

"Tsk! Bahala siya sa buhay niya" sabi ko

Yumi's POV

Feeling ko hero ako. Hindi parin ako maka move on sa ginawa ko kanina. I'm just happy dahil nakatulong ako.

Pumunta na ako sa kwarto ko ng antokin na ako.

I need to sleep. 2 days from now papasok na ako sa school.

Tanghali na ako nagising. Tanghali naman ako palagi nagigising pag walang pasok eh. Kapag may pasok naman nagpapa alarm lamg ako.

I slowly got out of bed at naglakad papunta sa banyo para mag toothbrush.

Lumabas kaagad ako at pumunta sa sala.

Another boring day.

I connected my phone sa mga speakers na nandito sa unit. I selected a song in my playlist and the music started booming in my unit.

♬️♫️♪️ 'Maybe it's the way she walked (Wow)
Straight into my heart and stole it
Through the doors and past the guards (Wow),Just like she already owned it' ♫️♬️♪️

I really enjoy this song.

♫️♬️♪️ 'And we danced all night to the best song ever
We knew every line, now I can't remember
How it goes but I know that I won't forget her
'Cause we danced all night to the best song ever' ♫️♬️♪️

"I think it went oh, oh, oh
I think it went yeah, yeah, yeah
I think it goes oh—" napatigil ako sa pagkanta ng makarinig ako ng malakas na katok sa pinto ko

Mas hininaan ko ang volume ng speakers at tinungo ang pinto.

Binuksan ko kaagad ito at tumambad sakin ang isang lalake na naka sando at boxers lang.

"Excuse me... pwede hinaan mo yung stereo mo? Natutulog kasi ako" nakangiwi niyang sabi

Napakunot naman noo ko.

"Huh? Akala ko ba sound proof ang mga units?" nagtataka kong tanong

Ngumisi naman siya sakin na parang isang flirt.

"Nakabukas siguro ang veranda mo" napaisip naman ako

Luh! Oo nga pala! Yung veranda!

Napakamot naman ako.

"Hehe. I'm really sorry" nakangiwi kong sabi

Ngumiti naman siya sakin. Flirt.

Nilahad niya ang kamay niya sakin at nagpakilala.

"I'm Tristan Lorenz Alonzo, nice to meet you neighbor" ngumiti naman ako sakanya pero hindi ko tinanggap ang kamay niya

"Yeah. Nice to meet you too" sabi ko at sinarado na ang pinto

I don't really do friends.

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now