Chapter 25

213 18 0
                                    

Yumi's POV

Nakaupo na kaming lahat sa mga tables namin. Ang iba palakad lakad lang at pasimpleng titingin sa table kung saan nakalagay ang buffet.

Nasa ballroom kami ng mansion ng mga Ferrer. Dito ginaganap ang birthday party ni Timothy. So he's turning 23 huh?

Nakakadalawang glass na ako ng champagne. Naiinip na ako. Kailan ba mag s-start tong party na to?

Ako, si Tasha, at si Dexter lang ang naka upo sa tables namin. Si Lester ang nag c-check kung wala na bang problema sa sound system at sa mga lights. Si Tristan naman ay may chix na namang kausap. Habang si Kanato naman ay palakad lakad lang.

Si Timothy? Ewan ko.

"Woah. May chocolate fountain!" sabi ni Tasha sabay turo sa isang banda

Napatingin naman kaagad ako dun at napangiwi. I don't really like chocolate, mas prefer ko ang strawberry.

"Baka magka diabetes ka niyan" sabi ni Dexter na ikinanguso ni Tasha

"Stop pouting your lips" inis na sabi ni Dexter sabay iwas ng tingin kay Tasha

Minsan talaga. Hindi ko maintindihan ang mga lalake.

"Good evening, Ladies and Gentlemen" biglang bati ng MC na nasa harap

So mag s-start na? Finally

"Everyone, you've been waiting for a long time. I give you the man of the hour, Timothy Drake Ferrer" pumalakpak naman kaagad kami at hinintay na lumabas si Timothy kung saan man siya nagtatago

Biglang nag dim ang lights at nag focus ang spotlight sa taas ng staircase. Nakatayo si Timothy doon with a serious look on his face. Nanlaki ang mata ko ng magtama ang mga mata namin.

Noon, I always wonder kung bakit nagkakagusto ang mga babae sa mga bad boys or sa mga cold na guys. Pero ngayon na nakatingin ako kay Timothy, parang alam ko na ang sagot.

Parang nag slow motion nang bumababa na siya sa stairs pero sakin pa rin siya nakatingin. I felt my heart beating in a fast pace. I smiled. Ganun talaga siguro ako ka in love sakanya?

"And his fiancée, Klare LeDoux" napawi ang ngiti ko ng marinig ko iyon

Fiancée?

May babaeng lumapit kay Timothy and I directly knew who it was. Siya yung babaeng nakasabay ko sa elevator nung papunta ako sa unit ni Timothy.

Mukhang hindi lang ako ang nagulat. Dahil pati ang mga kasama ko sa table ay nanlaki ang mga mata. Si Timothy naman ay nagtatakang nakatingin sa babae na nakangiti sakanya.

"She came back" pabulong na sabi ni Tasha

Marami ang pumalakpak pero parang nabingi ata ako. I feel like my heart was being torn into pieces. Or like I was stabbed using a knife.

Napayuko nalang ako.

"What's going on?" tanong ni Timothy, naririnig ko siya kasi ang table namin ang pinakamalapit sa staircase

"Surprise!" nakangiting sabi ni Klare, ang fiancee niya

"Mom, Dad, ano to?" naguguluhang sabi ni Timothy

"Mukhang walang alam si Timothy tungkol diyan" sabi ni Tristan na nakakunot pa ang noo

"Wait—what? Engagement party to?" naiinis at naguguluhang sabi ni Timothy

"Ano ba Timothy, anak? Dun rin naman kayo mapupunta ni Klare eh" sabi ng mom ni Timothy

"But I don't love her" napasinghap kami sa sinabi ni Timothy

"I love someone else" he said that while looking at me

Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin patayo. His arm snaked around my waist. Holding me firmly. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako hinayaang makatakas sa hawak niya.

Kung kanina ay sakanya lang nakatutok ang spotlight, ngayon ay sa aming dalawa na.

"Let me make a formal announcement" sabi niya kaya napatingin ako sakanya

Natahimik naman ang mga bisita na kanina ay maingay. Kinuha niya ang isang baso ng champagne nang may dumaan na waiter sa harap niya.

"From now on, Wayumi Yvonne Grace Takahashi is the only woman for me" napasinghap ako sa sinabi niya

Ininom niya ang champagne at binaba agad ang baso ng maubos niya ang laman nun. I heard camera's clicking na galing sa media and people murmuring. Pero kay Timothy lang ang focus ko na nakatingin na sakin ngayon.

"You will be the only woman for me"

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now