Chapter 15

265 16 1
                                    

Yumi's POV

"San ka pupunta?" tanong ni Timothy habang nag d-drive

"Sa Department store. Ubos na supplies ko" sagot ko habang nakatingin sa labas

Ayoko siyang tignan. He hates me remember?

"Bakit ngayon pa? Gagabi na"

"Wala na akong kakainin bukas"

A moment of silence.

"Sasamahan na kita"

Gusto ko umangal pero alam kong matigas ang ulo nito. Kaya shut up nalang ako.

"About dun sa sinabi ko..."

Psh. Don't even remind me Timothy Drake Ferrer!

"It's not what you think" sabi pa nya

"Fuck! Why am I even explaining?!" bulong niya na narinig ko naman

Nakarating na lang kami sa Department store puro mura pa rin naririnig ko mula sakanya.

"Shit!"

Hindi ko na napigilan. Hinarap ko siya at iritadong tinignan.

"Please! Stop cursing! Ayaw ko ng nagmumura!" natigilan naman siya

Ayaw ko naman talaga magmura. Minsan lang naman at sa isip ko lang.

Dinuro ko siya.

"Kapag nagmura ka pa sasampalin talaga kita!" gigil kong sabi

"I don't accept slaps but kisses" nakangisi niyang sabi

"Tangina! Tumigil ka!" sigaw ko

Natigilan naman ako ng mag smirk siya.

"Profanity" sabi niya at bigla akong hinila sabay halik sakin sa mga labi

Nang maghiwalay ang mga labi namin gulat ko siyang tinignan habang siya naman ay parang nanalo sa lotto.

"Let's go" sabi niya sabay hila sakin

Tulala pa rin ako.

Napahawak ako sa mga labi ko. That was my first kiss.

Binitawan niya ang kamay ko at kumuha ng isang push cart. Hinawakan niya ulit ang kamay ko sabay hila sakin.

"Hey, you okay?" tinignan ko lang siya ng masama

"Was that your first kiss?" gulat niyang sabi

Hindi ko siya pinansin at kinuha ang push cart mula sakanya sabay tulak nun. Bahala siya dun.

Iniwan ko na sya doon at kumuha na ng kakailanganin ko sa bahay.

Kumuha na ako ng mga canned goods, mga noodles, tocino, hotdogs, bacon, etc. For short, mga ready to eat foods. Hndi ako masyadong marunong sa kusina eh.

Napadaan ako sa isang section kung saan may mga napkins, panty liners, etc.

Aalis na sana ako ng matandaan kong ubos na ang stock ko ng mga napkins sa bahay.

"Hayst, meron pa naman ako ngayon" bulong ko sa sarili ko bago naglakad patungo sa section na yun.

Tapos na akong kumuha ng mga panty liners. Napatingin ako sa mataas na lalagyan ng napkins.

Okay lang. Hndi naman ako kinulang sa height eh kaya maabot ko lang yan.

Aabotin ko na sana ang napkin na gusto ko ng may nakauna sakin. Nilingon ko kaagad kung sino yun.

"Now I understand kung bakit parang moody ka ngayon?" nang aasar niyang sabi

"Shut up Timothy" sabi ko

"Malakas siguro ang flow noh-ouch!"

"Sabi ng tumahimik ka eh" nahihiya kong sabi

Pinagtititinginan na kami ng ibang tao. Tinignan ko si Timothy ng masama na nakangisi lang naman sakin.

Hinila ko ang cart mula sakanya at naglakad na patungo sa cashier. Ang taas pala ng pila kaya matatagalan siya dito for sure.

Biglang tumabi si Timothy sakanya na ngayon ay nakangisi.

That's odd. Ang alam ko ay hindi palangiti tong si Timothy.

"Ang saya mo ata?" tanong ko

"Hmm" was all he said

Napatingin ako sa pila. 4 more people and it's my turn.

"Tagal naman" bulong ko na mukhang narinig ni Timothy

Bigla niyang kinuha ang cart mula sa akin at tinulak iyon sa harap ng cashier.

"Ano ba yan?!"

"Luminya ka!"

"Tangina naman oh!"

He's already receiving bad words from other people pero parang wala lang sakanya. Seriously?

"Excuse me miss, nagmamadali kasi kami ng kasama ko eh. Pwede bang kami nalang unahin mo?" he said as he showed his ... what should I call it. Killer smile?

Tumango naman kaagad ang babaeng cashier.

"Si sir muna. Nagmamadali siya eh" sabi ng cashier at ginawa na ang trabaho niya

"Thanks" sabi ni Timothy sa cashier

Hinila na kaagad ako ni Timothy palabas ng Department store ng matapos na.

"You shouldn't have done that" sabi ko

"Tsk" back to being sungit?

"Magkano ba lahat yung grocery ko? Babayaran kita" sabi ko

Siya ang nagbayad ng mga pinamili ko kanina pagkatapos.

"Wag na"

"Hindi mo sana ginawa yung kanina, nagalit tuloy yung iba sayo"

"Psh. I know you're tired of standing" sabi niya at tumigil muna bago humarap sakin sabay kuha sa mga plastic na hawak ko

Hinayaan ko nalang siya at sumunod nalang sakanya papunta sa parking lot.

Inilagay niya ang mga plastic sa backseat. Binuksan ko ang pinto sa passenger's seat at akmang papasok na sa loob ng kotse ng mahagip ng mga mata ko ang isang bulto ng lalake na kanina pa sunod ng sunod samin.

"What's wrong?" tanong ni Timothy

Umiling nalang ako at pumasok na sa kotse.

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now