Chapter 5

335 20 2
                                    

Yumi's POV

"Hayst! At last! Gutom na ako" sabi ni Tasha

She's my classmate and were friends already. Napapansin ko na walang pumapansin sakanya. Naawa naman ako sakanya kaya nakipag friends na ako sakanya.

Her real name is Natasha Anne Partosa.

She's a nerdy type. May glasses siya pero maganda pa rin naman siya. Maayos siya manamit.

"Punta na tayo sa canteen?" tumango naman siya sa sinabi ko kaya tumayo na kami at naglakad na papunta sa canteen.

Habang nag lalakad kami, nag uusap din kami. We are in the getting-to-know-each-other-stage.

"So I have a step brother. Nag asawa kasi ulit ang mom ko. Mabuti nalang at mabait sila sa amin" nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya

"May brother has a girl bestfriend. And he's very possessive of his girl so minsan napagkakamalan silang may something" natawa naman ako sa sinabi niya

Naalala ko tuloy si Kanato. Ganyan din kasi siya sakin.

"Kaedad lang natin siya pero nasa Japan siya ngayon" nanlaki naman ang mata ko

"Really? Japan? Baka kilala ko yan" sabi ko

"Oh? His name is—aww!" natigilan ako dahil may bumangga kay Tasha

"Hey! Watch where your going bitch!" sigaw ng isang babae kay Tasha. Siya ang bumangga.

May kasama pa itong mga alipores na mukhang mga clown. Katulad ng leader nila.

Lumapit kaagad ako kay Tasha at tinulungan siyang makatayo.

Nang suriin ko si Tasha, nagasgas ang makinis niyang balat.

Aalis na sana ito sa harap naman ng sumigaw ako.

"Hoy! Humingi ka ng tawad kay Tasha! Ngayon din! Kung may bitch man sa inyong dalawa ikaw yun!" sigaw ko sa babae na bumangga kay Tasha

Kaagad akong hinila ni Tasha pero nagmatigas ako.

"Alika na Yumi! Umalis na tayo!" hindi ko pinalinggan si Tasha

"Hoy! Babaeng clown na pokpok!" sigaw ko

Lumingon naman kaagad ang babae, pati na ang mga alipores niya.

"What did you call me?" gulat niyang sabi

"Hindi po narinig? Sabi ko Clown na Pokpok" nang aasar kong sabi

"Bitch! Hindi mo ba ako kilala?! Ako lang naman ang Queen Bee ng skwelahang ito! Do you want me to kick your ass out of this school?!" sigaw niya

"Tsk! Kala mo natatakot ako sayo? Pake ko kung Queen Bee ka ng school nato? Para sakin normal ka pa ring tao! Unlike me, I can pull a goddamn trigger" ngisi ko

"Your crazy! Paaalisin na kita sa school na to!" napailing nalang ako at lumapit sakanya

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya sabay hawak sa necktie niya at bumulong.

"You wouldn't dare. Queen Bee ka lang sa school na to pero ako, apo ako ng isang mafia boss. Kaya kitang patayin gamit lang ang necktie na to, o baka naman gusto mo ng sample" nakangiti kong bulong sakanya

Nakita ko ang takot sa mga mata niya.

"Wag na wag kang magmataas sa harap ko. Naiintindihan mo?" napaatras kaagad siya

"L-let's go" nauutal niyang sabi sa mga alipores niya

Umalis kaagad sila sa harap ko. Humarap naman kaagad ako kay Tasha.

"S-sino ka ba talaga?" ngumiti lang ako sa tanong niya

"Tara na! Gutom na ako" sabi ko at hinila siya papunta sa canteen.

Nag order kaagad kami ng gusto namin at naglakad na ulit palabas ng canteen.

Pabalik na kami sa room ng mapansin kong papunta sa open area ang mga estudyante.

"Saan sila pupunta?" tanong ko kay Tasha

"Sundan natin" tumango naman ako

Nang makarating na kami sa open court maraming estudyante ang nagkakagulo. At halos lahat ng estudyante ay nandito.

"Anong meron?" tanong

"When there's a crowd, there's TROUBLE" napakunot naman ang noo ko

TROUBLE?

The Five Hot JerksМесто, где живут истории. Откройте их для себя