Chapter 23

215 15 0
                                    

Yumi's POV

I thanked Kaye when she finished doing my make up and hair that suited my taste at bumagay din iyon sa gown nang suotin ko iyon.

Umalis din kaagad sila ni JS nang matapos na sila sa pag aayos samin. I thanked the both of them and bid them goodbye.

I looked good on my red gown. I let my hair down but Kaye curled the ends of my hair kaya mas bumagay iyon sa suot ko. Tumayo ako sa harap ng salamin.

I look like a seductress with my red lipstick.

The only thing that I'm not comfortable is the 5 inch heels I'm wearing. Feeling ko anytime matatapilok at madadapa ako.

Nag p-practice pa akong maglakad gamit ang heels nang may nag doorbell kaya dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto.

Si Tristan ang bumungad sakin na mukhang natigilan sa suot ko. Pero mukhang nakabawi din siya agad. Ngumiti siya sakin. One of the smiles that he uses to attract girls. If I'm an ordinary girl baka na fall kaagad ako sakanya. Sadly, I like someone else.

Si Timothy?

Fuck you! May girlfriend yun.

"Damn. You look ravishing" nakingisi niyang sabi, namula naman kaagad ako sa sinabi niya

"Tristan! What the fuck is taking you so long?!" narinig ko kaagad ang boses ni Dexter na mukhang naiirita na

"Hey!" sigaw ni Dexter kay Tristan na nakangisi pa rin sakin, bago tumingin sakin na napa second look pa

"T-Tasha?" napalingon naman ako kay Tasha na nasa tabi ko na pala

Lol. Akala ko ako yung dahilan kaya napa second look siya eh.

She looks beautiful on her blue tube dress. It may look simple sa harap pero kitang kita naman ang likod niya kapag tumalikod siya. And I'm glad that she's not wearing her glasses now. Naka contact lense na siya. Pinagalitan ko kasi siya.

"Hi! Ang tagal niyo! Kanina pa kami naghihintay sa inyo" nakangusong sabi ni Tasha at binigay sakin ang purse ko bago kami lumabas ng unit

She's trying her best to act natural kahit alam kong mahihiya na siya kay Dexter na titig na titig sakanya.

Inalalayan kaagad ako ni Tristan dahil mukhang napansin niya na nahihirapan ako.

Nauna nang maglakad samin si Tasha. Kaagad namang kumunot ang noo ni Dexter nang makita niya ang likod ni Tasha.

"What the fuck are you wearing Natasha?! Bakit kita yung likod mo?!" inis na sabi ni Dexter at hinubad ang coat niya para sana isuot yun kay Tasha pero umiling si Tasha

"Bakit ba? I like what I'm wearing so wala kang magagawa!" inis rin na sabi ni Tasha at nauna nang pumasok sa loob ng elevator, kaagad naman kaming sumunod kay Tasha

Patuloy na nagbabangayan ang dalawa habang si Tristan naman ay mukhang may ka text sa cellphone niya. Nakangiti pa siya habang kaharap ang cellphone niya at minsan ay umiiling na parang kinikilig.

Nang makababa na kami, lahat ata ng tao na nasa lobby ay nakatingin samin. Sinong hindi mapapatingin samin eh nakagown kaming dalawa ni Tasha tapos ang gwapo pa ng mga kasama namin.

Kaagad naming nakita si Lester na nakasandal sa van na sasakyan namin at may kausap na dalawang babae. At base sa mukha nila, it looks like they are flirting. Sa sobrang busy niya sa paglalandi hindi niya man lang napansin ang presensya namin. Grabe.

"Hey, can I borrow your phone?" biglang tanong ni Lester sa isa sa mga babae, napakunot naman ang noo ng babae

"Why?" tanong ng babae pero binigay naman kay Lester ang cellphone, may pinindot doon si Lester bago sumagot

"I need to call my mom and tell her that I found the love of my life" nagulat ako sa sinagot ni Lester sa babae bago inabot ang cellphone

I never saw Lester flirting with anyone before. Kahit sa campus. Para nga siyang aloof sa mga babae eh. Kaya minsan hindi ako naniniwala sa sinabi ni Tasha noon na may pagkababaero din daw tong si Lester. Ang inosente niya kasi tignan. But indeed, looks can be deceiving.

"Call me" sabi ni Lester at kumindat sa babae ng umalis na yung dalawa sa harap niya

"How 'bout I shove my phone inside your goddamn mouth!" sabi ni Tristan na nakuha naman kaagad ang atensyon ni Lester

"Grabe! Ang tagal niyo! Kanina pa ako dito. Ang sakit na ng paa ko kakatayo dito" sabi ni Lester bago pumasok sa passenger's seat

"Sino ba kasing nagsabi na tumayo ka habang naghihintay samin?" pamimilosopo ni Dexter habang pasakay na kami sa loob ng van

"Ang sabihin mo, busy ka lang sa pakikipaglandian sa dalawang yun" dugtong naman ni Tristan na nasa driver's seat na

"Don't be harsh on him Tristan. He can open a door in just a second using technology" sabi naman ni Dexter

At ganun lang kami hanggang sa makarating na kami sa bahay ng pamilya ni Timothy.

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now