Chapter 28

203 14 0
                                    

Yumi's POV

"If you're planning to go there, you should think twice" hindi na ako nagulat ng marinig ko ang boses ni Kanato na nasa likod ko

Nabasa niya ang text.

"I'm going" sagot ko, naiiling niya naman akong tinignan

"Tigas ng ulo mo" ngumiti lang ako sakanya ng matamis kaya ginulo niya lang ang buhok ko

"Don't touch her Chester!" naiinis na sabi ni Timothy at niyakap agad ako

Patuloy lang siyang tinukso nina Tristan hanggang sa dumating ang lunch time.

"Let's go?" aya ni Timothy sakin

"I-I can't go with you today, may pupuntahan pa ako" napakunot ang noo niya sa sinabi ko

"You didn't tell me that you have plans for today" iritado niyang sabi

Bigla namang tumayo si Tasha at kinuha ang bag niya sabay hawak sa kamay ko.

"Meron, she's going with me Tim so don't worry" she gave Timothy an assuring look

Naguguluhan ako. Does she know?

Tinignan ko naman si Kanato na tahimik lang na nanonood sa amin. Did he tell her?

"Saan naman kayo pupunta?" tanong naman ni Dexter

"Pupunta kami sa national bookstore, bibili ako ng materials that I'll need para mamaya sa science. Nakalimutan ko kasi" sabi naman ni Tasha at kinamot ang batok niya

"What the—oo nga pala noh? Shit! Terror pa naman ang prof natin sa subject na yun!" nag p-panic na sabi ni Lester

Pero mas nag p-panic ako dahil parang hindi ata naniniwala si Timothy sa mga simasabi ni Tasha. He was looking at me the whole time. Naputol lang ang pagkakatingin niya sakin ng tapikin ni Tristan ang balikat niya.

"T, you should let Yumi go for a couple of hours. Kahit ngayon lang. Ang higpit mo masyado sakanya. Hindi na ako magugulat kung bigla nalang siyang makipag break sayo" tinignan niya naman ng masama si Tristan

"That will never happen, dahil kahit na makipag break pa siya sakin hindi ko siya hahayaan na iwan ako. I will lock her inside a cage with me inside it" he said confidently pagkatapos ay tinignan ako na nakataas pa ang kilay

"You heard that?" napapangiti akong tumango sa sakanya, he gave me a smile

"Okay, you can go but please be safe" tumango naman ako sakanya at hindi na napigilang ngumiti sakanya

Hinila kaagad ako ni Tasha palabas ng room pagkatapos ng show namin kanina sa harap nila.

"I don't know why Brent told me to make and excuse para makalabas ka ng campus na hindi kasama si Timothy, so care to explain the situation?" tanong niya habang naglalakad na kami palabas ng campus

So wala siyang alam? I thought she knew pero sinabihan lang pala siya ni Kanato.

"I'm meeting someone at a cafe" napahinto namam siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako at tinignan siya

"Yumi, I know you're not the type of person who cheats but are you cheating on Timothy?" seryoso niyang sabi, tumawa lang ako sakanya at umiling

"Of course not Tasha" nag pout lang siya

Hinatid niya na ako sa cafe na malapit lang sa school. Kaagad naman siyang namaalam at sinabing pupunta pa siya ng national bookstore dahil talagang nakalimutan niyang bumili ng materials para mamayang hapon.

I was busy drinking my coffee when someone sat in front of me. Tinignan ko siya. 3 months has passed since the last time I saw her face but she still looks beautiful.

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now