Chapter 22

220 17 0
                                    

Yumi's POV

Hindi na ako bumalik sa school sa hapon dahil hindi na naman daw kailangan dahil sa birthday ni Timothy kaya pumunta nalang ako sa mall at nag isip ng pwede iregalo kay Timothy.

Galing ako sa isang boutique para sa susuotin ko mamayang gabi at pumunta na kaagad dito sa mall. Sadly wala pa rin ako mapili na gown kaya si Tasha na ang nag suggest na pupunta nalang siya sa condo para tulungan akong pumili ng susuotin.

I didn't expect na may alam siya sa mga ganito. I always see her with thick glasses on.

Kanina lang ako dito sa mall. Pero putangina, nalibot ko na ata ang buong mall at hindi pa rin ako nakakabili ng regalo.

Kung hindi na lang kaya ako bumili? Okay lang naman siguro. Bahala siya sa buhay niya. MWAHAHAHAHA!

Napadaan ako sa isang antique shop at napatingin sa isa sa mga display nila. May key chain na nakakuha ng pansin ko. Flower yung design niya, halatang luma na pero maganda pa rin tignan. Napasimangot ako ng mapatingin ako sa presyo. Ang mahal!

Napakamot nalang ako sa kilay ko at umalis na ng mall. Maghahanda nalang ako para mamayang gabi.

Nang makauwi na ako, natulog lang ako saglit at naligo din kaagad. Sakto naman at tapos na akong magbihis nang may mag doorbell kaya binuksan ko kaagad yun.

"Hi!" masiglang bati ni Tasha sakin, she's wearing her glasses again

May kasama din siyang dalawang babae. Ang isa ay nakasuot ng sweater habang ang isa naman ay mukhang e-girl sa style niya. Mukha siyang fashionista.

"This is Kaye, siya ang mag m-make up at mag aayos ng buhok natin" pakilala ni Tasha sa isang babae na nakasuot ng sweater na may dalang malalaking kit at dalawang boxes na kasing laki ng amplifier

"Hello!" nakangiti niyang sabi sabay kaway sakin, natawa nalang ako dahil ang cute niya

"And this is JS, siya ang may dala ng mga gowns natin" sabi ni Tasha na ang tinutukoy ay yung mukhang e-girl, tumango lang siya sakin kaya ngumiti nalang ako

Mukhang silent type siya.

"They work together" tumango nalang ako

"Hi, I'm Yumi" pakilala ko sa sarili ko

Nagsimula nang i-assemble ni Kaye ang mga nasa loob ng box. Binuksan niya ang isang box at isang malaking salamin ang bumungad sakin with lights on it's sides. Yung parang sa artista?

Binuksan niya naman ang panghuling box at nagulat ako ng puro make up ang nasa loob nun.

Hinila ni JS ang ang isang rack at nakita ko kaagad ang mga gowns na nakasabit doon. Different style, design, fabric, and details.

"Si Miss Natasha ang pumili niyan lahat para sayo Miss Yumi" sabi ni JS, ngumiti naman kaagad si Tasha sakin

Nakaharap na siya sa isang malaking salamin.

"Pumili ka lang diyan Yumi. I already have mine" sabi niya at tinuro ang nasa couch ng living room ko

Si Tasha muna ang inasikaso ni Kaye habang ako naman ay pumipili pa ng damit. Damn it. Wala pa naman akong sense sa mga ganitong bagay.

"Para sayo JS, anong gown ba ang bagay sakin diyan?" tanong ko sakanya ng hindi talaga ako makapili

Tinignan niya muna ako bago humarap sa rack at siya na ang pumili. It looks like she's a girl with few words.

"Try this"

May kinuha siyang hanger sa rack at pinakita sakin ang gown. It was a purple off shoulder dress, pa heart ang sa harap kaya for sure makikita ng konti ang cleavage ko

Kinuha ko iyon at pumasok sa loob ng kwarto. Dahan-dahan ko iyong sinuot bago lumabas ng kwarto. I saw JS sitting on the sofa.

"Hmm. Para kang mag d-debut but you look cute too" sabi niya kaya napatawa nalang ako

Kinuhanan niya ako ng picture na ikinagulat ko. Natawa siya sa naging reaction ko. Tumayo siya at may kinuha na naman na hanger.

"How bout this one?" sabi niya at pinakita ang isa pang gown sakin. It was a red tube dress

Kinuha ko iyon at pumasok ulit sa kwarto. Hinubad ko ang purple na gown at itong red naman ang sinuot ko.

I walked out of the room while I was holding the ends of the gown so that I won't step on it. Mahirap na. Baka madapa pa ako.

"Looks good on you. Lalo na at maputi ka. You'll just have to wear heels and done" nakangiti niyang sabi at kinuhanan ulit ako ng litrato

Napakamot nalang ako sa kilay ko at bumalik sa kwarto para magbihis ulit dahil nangangati na ako.

"So which one do you think that suits you better?" tanong ni JS nang makalabas ako ng kwarto at pinakita sakin ang dalawa kong litrato

"I'll go with the red one" nakangiting sabi ni Tasha, she looks beautiful with her make up and her hair

"Same! But the purple looks cute" sagot naman ni Kaye

"Sa red gown ako" sabi ni JS

"Then I'll wear the red gown" nakangiti kong sabi

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now