Chapter 32

206 12 0
                                    

Yumi's POV

Nang hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko ay lumabas siya ng kotse habang may hawak na payong. Lumapit siya sakin at sinuot ang dala niyang jacket sakin, umakbay siya sakin pagkatapos at pinasilong ako sa payong niya.

Doon lang ako nabalik sa tamang pag iisip. Am I dreaming? He's really here?

I want to punch myself para malaman kung nananaginip lang ako. But no. I can feel him.

Inalalayan niya akong maglakad papunta sa kotse na parang isang imbalido.

Napangiwi ako nang makita kong kumakaway sakin ang grupo ng mga kalalakihan. The fuck?

"Do you know them?" tanong niya bigla, natulala pa ako ng konti pero kaagad din naman akong umiling

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. Tinignan niya ng masama ang grupo bago niya ako pinasakay sa kotse niya.

Pinaandar niya kaagad ang kotse at nag drive na. We we're quiet the whole ride. Ang dami kong gusto sabihin sakanya pero hindi ko naman alam kung paano sisimulan.

Biglang huminto ang sasakyan niya sa labas ng isang coffee shop. A few blocks away from the university.

Kinuha niya ang payong na nasa backseat at lumabas. Magtatanong sana ako kung saan siya pupunta pero mukhang obvious naman na sa coffee shop siya pupunta.

Naglakad siya papasok ng coffee shop at sinabi ang order niya sa lalake na nasa likod ng counter at naghintay. Ako naman ay nakatingin lang sakanya habang naghihintay siya.

Hindi ako kumukurap habang nakatingin ako sakanya, natatakot ako na kapag kumurap ako ay malalaman ko na hindi naman pala to totoo. Na imagination ko lang to.

Nakita kong inabot na ng barista ang order ni Timothy. Matapos magbayad ni Timothy ay lumabas kaagad siya ng shop at naglakad papunta sa kotse.

"Drink this" sabi niya at inabot sakin ang kape na kaagad ko namang tinanggap, akmang iinom na ako nang kunin niya iyon mula sakin, "Wait" sabi niya at tinanggal ang takip ng cup bago inihipan iyon

My heart felt warm at the small gesture that he made. At least alam ko that he still cares about me.

Binalik niya naman kaagad sakin iyon kaya uminom na ako. I put it down and looked at the cup.

"I was blaming myself. Kung hindi ko tinanggihan ang engagement na iyon ay hindi rin mangyayari sayo iyon" he started talking pagkatapos ay yumuko siya, pati ako ay napayuko habang nanginginig ang kamay ko

It's like he's telling me na mali ang desisyon niya nung pinili niya ako.

"It was hard to see you lying on a hospital bed, unconscious. You were covered with bruises and I blamed myself because of what happened to you. I was a coward, running away like that" hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako ng deretso sa mata, "So I won't blame you if you will think of breaking up with me, Yumi. I'll accept your decision" naiiyak ko siyang tinignan at hinampas siya sa dibdib niya

Paulit ulit ko iyong ginawa at hindi niya ako pinigilan. Hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"I'm sorry" he said and was about to hug me pero tinulak ko siya at masama siyang tinignan

"Fuck you! I hate you!" sigaw ko sakanya, "What happened to your word?! Ikaw pa nga nagsabi na kapag nakipag break ako ay hindi mo ako pakakawalan! That you would lock me inside a cage! What happened?!" I put all my frustrations in my words

Nanghihina ko siyang tinignan, "Even a nod answer me, even if you lie answer me. Answer me!" sigaw ko pero niyakap niya ako ng mahigpit

"I'm sorry. I couldn't keep my promise. I would never do that with you, Yumi. Even if the world turns upside down I will never break up with you" he held my face using both of his hands and made me stare at him, "I will never let go of you. But I will understand you kung pagod ka na. I became a coward and left you. Alam kong sobra na ako kung hihingi pa ako ng second chance, but I want to correct my mistakes Yumi" sabi niya at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko bago ako niyakap ng mahigpit, "please give me a chance"

Ayoko maging marupok but everyone deserves a second chance. Oo. May iba na hindi deserving, but my Timothy is different. He has his reasons. Everyone has their own reasons.

"I never got tired of waiting Timothy. Cause I knew you'd come back" inangat ko ang mukha niya and I saw his eyes swelling dahil sa kakaiyak, "Sorry mo lang naman ang hinihintay ko, hindi break up" then I smiled at him

A smile that's telling him that I forgive him. That I'm giving him a second chance.

He smiled back and kissed my forehead, "Thank you, I will never waste this chance that you gave me Yumi" sabi niya at niyakap ulit ako ng mahigpit

Then he whispered three words that made my heart swell, "I love you"

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now