Chapter 19

223 17 0
                                    

Yumi's POV

"Yumi! Kumusta si Timothy? Wala na ba siyang lagnat?" tanong ni Lester

Inangat ko ang tingin ko sakanya at tinanggal ang earphones ko sabay tingin sa likod niya

Nakita ko si Timothy na naglalakad papunta sa classroom namin and of course, hindi mawawala ang mga fan girls niya na palaging nakasunod sakanya

"Siya ang tanungin mo wag ako" sagot ko at umalis na ng classroom

That was rude of me. I should apologise to Lester later. Nag walk out pa naman ako.

Nagdesisyon ako na pumunta nalang ng snack bar at maghahanap nalang ako ng makakain ko.

"Yung strawberry milk po" sabi ko at kaagad naman niyang binigay sakin yun kaya nagbayad na ako

Tumalikod na ako nang makita ko si Kanato na nakaupo sa isang bench habang may dalawang babae na kausap. It was obvious that they are flirting with him pero ang gagong hapon nag go-with-the-flow pa

Kailan pa siya naging playboy? Hindi naman siya ganyan sa Japan ah? Kung alam ko lang na ganito siya matagal ko na siyang sinapak. Bakit ba nagkagusto ako sakanya noon?

Napailing nalang ako sa naisip ko.

"Anong tinitignan mo diyan?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Tristan sa gilid ko

Kumakain siya ng lollipop. Dahek?

"Wala" sabi ko at nagkunwaring tinitignan ang mga estudyante

"Weh? Si Kanato ata tinitignan mo eh" sabi niya, umirap nalang ako

"Crush mo noh?" dagdag pa niya

"Noon" nagulat naman siya sa naging sagot ko, na parang hindi niya inaasahan yun

"Seryoso?" tumango ako

"Isusumbong kita kay Timothy, nag p-plano ka pang maghanap ng kabet ah" tinignan ko siya ng masama

Ako nga ata ang ginawang kabet nun eh. Peste! May girlfriend naman pala siya tapos landi siya ng landi sakin!

Umalis nalang ako at hindi na pinansin si Tristan na tinatawag ang pangalan ko.

Nakita ko si Timothy na naglalakad sa hallway na parang may hinahanap. Sino naman hinahanap niya? Girlfriend niya? Heh!

Tatalikod na sana ako para hindi ko siya makasalubong sa daan pero mukhang nakita niya naman ako.

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now