Chapter 18

215 16 0
                                    

Yumi's POV

Nang makarating na ako sa condo ni Timothy, pumasok kaagad ako sa elevator at pinindot ang floor kung saan ang unit ni Timothy.

"Wait!" may biglang sumigaw mula sa labas

Sasara na sana yung elevator ng may biglang humarang na kamay sa pagitan nun.

Pumasok ang isang babae na parang model kung manamit at maglakad. Woah. If I was a guy I would bang her. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti na rin ako.

"What floor?" tanong niya bigla sakin, breaking the deafening silence

"10th floor" sagot ko, napangiti naman siya

"Same" sabi niya, nakangiti niyang sabi habang hinihintay na bumukas yung elevator

She had the look of a woman who missed someone and is very excited to meet that person after many years. Maybe her boyfriend? Haha

"Meeting your boyfriend?" tanong ko sakanya, mas lalo naman siyang napangiti

"Yeah, after 4 years makikita ko na ulit siya" excited niyang sabi

Napatango nalang ako at tumingin nalang ulit sa elevator door. Nang bumukas na yun, kaagad siyang lumabas at naglakad na papunta sa isang unit.

Wait. Why the fuck is she going there?

Nagtago ako sa likod ng isang halaman at tinignan ang babae na kumakatok sa pinto ng unit. Kaagad naman iyong bumukas at gulat na mukha ni Timothy ang nakita ko.

Shit! Siya ang boyfriend na sinasabi ng babae?

I felt a pang of pain in my chest. Wow. Just wow. Landi siya ng landi sakin tapos yun naman pala, may girlfriend siya. Why didn't he tell me about her?

Bakit ka naman niya sasabihan eh kayo ba?

Kung sa bagay. Walang kami and wala kaming label. Pero bakit ba affected ako?

Kasi may gusto ka sa tao

Natigilan ako. I'm not dumb. Alam kong may gusto ako sakanya. Pero hindi to okay and I should stop this nonsense dahil may girlfriend na siya.

Naglakad nalang ako. Hindi papunta sakanila kundi pauwi. Maybe I should avoid him?


The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now