Chapter 11

287 19 0
                                    

Yumi's POV

"Partosa?" bumaling ako kay Tasha na kausap na ang tao sa front desk

"Yung bahay namin okay na ba?" tanong niya sa babae

"Yes po. Okay na po ang lahat" sagot naman ng babae na tinangoan lang ni Tasha

"Sainyo tong beach?" tanong ko ng nakalapit na siya sa pwesto namin

"Sa mom ko" sagot niya

"Ano pang hinihintay natin? Let's go!" sabi ni Tristan at nagsimula ng tumakbo papunta sa dagat

"Punta muna tayo sa bahay namin dito para makapag ayos na tayo" tumango nalang ako sa sinabi ni Kanato

Pinabayaan nalang namin sina Lester at Tristan na naliligo na sa dagat. Magkapareho talaga ng pag iisip ang dalawang yun.

Naglakad kami papunta sa isang two-storey na bahay.

The house is modern. Hindi masyadong malaki at hindi rin naman maliit. Sakto lang para sa isang pamilya.

The walls are made of glass kaya kitang kita ang sa loob. Pero may mga kurtina naman.

Pumasok kaagad kami sa loob ng bahay.

"Okay guys, may apat na kwarto sa taas at may lima naman dito sa baba. You can just choose any room you want, except sa kwarto na yun, yun, at yun" sabi ni Tasha sabay turo sa tatlong pinto

"Kwarto ni mama at papa yung isa at amin naman ni Brent ang dalawa" napatango nalang ako

Pumunta kaagad ako sa taas habang hila hila ang bagahe ko at pinili ang kwarto na nasa hulihan. Pagbukas ko doon malawak ang kwarto.

I closed the door and started walking towards the bed.

Humiga kaagad ako at pinikit ang mga mata ko.

Hayst! Pagod na pagod ako.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod. At tsaka, ang lambot din kasi ng kama eh.

Bumangon kaagad ako at lumapit sa bagahe ko.

Nagbihis na kaagad ako. Loose shirt at shorts lang sinuot ko. Sa loob naman nun ay ang bikini ko.

I'm going swimming later.

Bumaba na kaagad ako at pumunta sa kusina. Nadatnan ko si Tasha na pinapasok ang mga pinamili naming groceries kanina sa ref.

Si Dexter naman ay kumakain habang nakatingin kay Tasha.

Hayst! In love ba to sa kaibigan ko?

"Hey, anong lulutuin natin mamaya?" tanong ko kay Tasha

"Umm... mag iihaw daw tayo ng barbecue eh... sabi ni Kanato at Timothy" tumango nalang ako sakanya

Napatingin naman ako kay Dexter na nakatingin pa rin kay Tasha.

Ano ba yan?

"Punta muna ako sa beach" sabi ko na tinangoan lang ni Tasha

Naglakad ako papunta sa dagat.

Gabi na pala. Hindi ko man lang namalayan.

Tulog ka te! Paano mo mamamalayan?

Oo nga pala.

Umupo ako sa buhangin at tinignan lang ang dagat.

Malinaw ang tubig kaya makikita mo ang reflection ng langit.

Tinali ko ang buhok ko ng liparin ito ng hangin.

Mga ilang minuto rin ako na nandoon hanggang sa tinawag na ako ni Tasha.

Paglingon ko nasa labas na silang lahat at nag iihaw na ng barbecue. Si Tasha ang nag iihaw habang sina Lester at Tristan ay abala sa drinks.

Si Kanato at Timothy naman ay nag aayos ng lamesa para samin. At si Dexter nakatingin ulit kay Tasha habang tumutulong kina Kanato.

Hayst!

Tumayo ako at nilapitan si Tasha para tulongan siya sa ginagawa niya.

Pagkatapos namin mag ihaw kumain na kaagad kami habang nag uusap ng mga nakakatawang bagay.

"Binigay ko sakanya yung suman na hawak ko tapos late ko na na realize na tae pala yun" natatawang sabi ni Tristan na nagpatawa sa aming lahat

Pagkatapos namin kumain nagligpit na kaagad kami ng gamit. Ang iba pumasok kaagad sa kani-kanilang kwarto. Ang iba naman ay nag stay lang sa labas para magkwentuhan habang ako naman ay nakaupo sa buhangin habang nakatanaw ulit sa tubig.

I really like watching the sea, lalo na kapag gabi. It makes me calm whenever I watch the waves.

Tahimik lang ako ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si Kanato.

Oo. Alam ko kapag si Kanato ang paparating dahil pamilyar na ako sakanya.

"Ang tahimik mo ah?" tanong niya

"Alangan naman kausapin ko ang sarili ko habang nakatanaw sa malayo?" natawa naman kaagad siya

Natahimik kami for a while hanggang sa nagsalita ako.

"I'm just thinking Kanato... am I still your friend? Do you even trust me?" biglang sabi ko habang nakatingin parin sa malayo

"Ano bang sinasabi mo Yumi?"

"Hindi mo sinabi sakin na one half sa dugo mo ay dugong pinoy. Hindi mo sinabi sakin na may step sister ka pala. Hindi mo rin sinabi sakin na nagtatagalog ka..." sabi ko

"Ang dami mong hindi sinasabi sakin" hindi siya sumagot

Ang unfair. Sinasabi ko sakanya lahat ng tungkol sakin pero siya tinatago niya sakin.

"Hindi mo sinabi na kabilang sa grupo ng mga lalakeng yun" I'm pertaining to TROUBLE

"They're my friends Yumi"

"Tsk! Whatever. Ang dami mong sekreto na hindi sinasabi sakin"

"May hindi ka pa alam" natawa nalang ako

Tinignan ko siya ng masama. Bakit ba nagkagusto pa ako sa lalakeng to?

"Ano?"

Sumeryoso ang mukha niya.

"Mahal kita"

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now