Chapter 21

211 13 0
                                    

Yumi's POV

Naglalakad ako sa hallway nang mapansin ko na halos lahat ng estudyante ay nakaharap sa cellphone nila na parang may hinihintay na milagro na magpapakita sa cellphone nila.

Ganun din ang nadatnan ko sa loob ng room namin. Nakatingin silang lahat sa cellphone nila. Ano bang nangyayari? May viral ba?

Nakita ko si Lester na nakaharap din sa cellphone niya. May binubulong pa siya sa harap ng cellphone niya na parang kausap yun.

"Wala pa ba?"

"Akala ko ma s-send na ngayon?"

"Kinakabahan na ako"

What's with everyone?

Umupo naman ako sa pwesto ko at nagbasa nalang ng binili kong libro kagabi sa national bookstore. Lilipat na sana ako sa next na page nang biglang sumigaw si Lester na ikinagulat ko. Nakataas pa sa ere ang isang kamay niya habang hawak ang cellphone.

"At last! An invitation to Timothy's birthday party!" masaya niyang sabi

Parang nanghinayang naman ang iba kong mga kaklase. Yung iba pabiro pang sinasapak si Lester.

"May invitation ka na?" tanong ni Tasha na kakaupo pa lang, suot na naman niya ang glasses niya, magkasabay sila ni Dexter na nakaupo sa likod at dala ang bag ni Tasha

Simula nang manyari yung nangyari sa hallway ay hindi na pinabayaan ni Dexter si Tasha. Palagi nga itong nakasunod kay Tasha eh. Kung pwede na tumira siya sa bahay ni Tasha gagawin niya.

"Invitation?" tanong ko

"Oo, invitation para sa birthday ni Timothy mamayang gabi" nakangiti niyang sabi at inayos ang pagkakasuot ng glasses niya, parang magic words ang sinabi ni Tasha dahil biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kaagad iyon

Isa iyong link. Nagdalawang isip pa ako dahil baka spam to at may virus na mag invade ng cellphone ko pero tinignan ko nalang. Kung spam to bibili nalang ako ng bago.

"You are invited to a reception to celebrate Timothy Drake Ferrer's birthday..." basa ko, nandun ang pangalan ko at may QR CODE naman na nakalagay sa baba

Birthday niya pala ngayon? Grabe may QR CODE pang nalalaman.

"Eyow!" nakita kaagad namin si Tristan kasunod si Kanato, kumaway ako sakanya at ngumiti naman siya sakin

"Meron kayo?" tanong ni Tristan sa amin

"Last week pa natapos yung sakin" napatingin ako kay Tasha sa sinabi niya, inosente naman niya akong tinignan

"Last week mo pa natanggap yung invitation?" pag e-elaborate ko sa sinabi ni Tristan na mukhang nakuha niya naman agad

"Ahh yun ba? Akala ko iba eh" nahihiya niyang sabi, napangiwi nalang ako

Nakakunot ang noo ng mga boys. Alam kong hindi nila gets yung sinabi ni Tasha pero ako gets ko. Akala niya siguro ay tungkol sa menstruation.

"Ikaw Kanato? Na receive mo na?" tanong ni Lester, tumango naman siya

"Oo, kanina lang" sagot niya

Napatingin kami sa pinto ng classroom nang pumasok si Timothy.

"Ayan na pala yung birthday boy eh!" sigaw ni Tristan

Kaagad naman siyang dinumog ng mga fangirls niya sabay bati ng 'happy birthday'. Natawa nalang si Lester ng hindi pansinin ni Timothy ang mga babae at dumeretso lang sa tabi ni Kanato at doon umupo.

"Happy birthday sayo dude, ano na naman ang regalo nina Tita at Tito sayo? For sure limited edition na naman yan" sabi ni Lester

"It's not. Binigyan kang nila ako ng bagong sasakyan" sagot ni Timothy

"Eh si DK?" tanong naman ni Kanato

"Shoes from Dolce and Gabbana" napatango ulit kami

"Eh ikaw Yumi?" napatingin naman ako kay Tristan nang tanungin niya ako

"Anong regalo ang ibibigay mo kay Timothy?" dagdag niya, tinignan ko naman si Timothy na nakatingin na pala sakin tapos kay Tristan ulit

"Kailangan ba talaga?" tanong ko

"Ay oo naman! No gift no entry kaya!" sabi ni Lester, napakamot nalang ako sa kilay ko sabay tingin kay Timothy

"Secret" sabi ko at hindi na sila sinagot dahil wala naman talaga akong maisasagot sakanila kapag pinilit nila akong sabihin kung anong regalo ang ibibigay ko

Aishh! Pupunta nalang ako ng mall mamaya.

[A/N]

Tulungan nyo sya guys. Baka matulad siya kay Zephaniah na sinuko nalang ang bataan dahil walang regalo HAHAHA!

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now