Chapter 24

218 16 0
                                    

Yumi's POV

Nakita agad namin ang ibang guest na nakapila sa harap ng gate. May pinapakita pa sila sa phone nila bago sila pinapapasok ng guard.

"Ano yang ginagawa nila?" tanong ko

"Tinitignan ng mga guards kung meron ba sila nung invitation" sagot ni Tristan na binibigay ang keys ng van sa isang tauhan

"Malalaman na peke yung invitation kapag hindi lalabas yung pangalan nila sa computer kung saan nakalagay yung mga pangalan ng guests" dagdag naman ni Lester na ikinatango ko

"Sino ba ang may idea niyan?" tanong ko, ngumiti naman si Tristan at inakbayan si Lester

"Sino pa ba? Edi itong gagong to!" natatawang sabi ni Tristan

Kaagad namang tinanggal ni Tristan ang pagkaka akbay nito kay Lester na sinamaan siya ng tingin.

"Grabe naman, hindi ba pwede na kahit sino ang pwede na pumasok?" tinignan naman ako ni Lester at ngumiti

"Hindi yun pwede, mingming. Alam mo naman siguro kung gaano kasikat na artista ang mother ni Timothy, at isang business tycoon ang father at kuya niya at madami rin silang kalaban, so no. Hindi pwede na kung sino-sino lang ang nakakapasok diyan" napanganga nalang ako, malay ko ba na ganyan pala ang pamilya nila

Parang katulad nung debut ko. Sobrang higpit ng security. Dahil katulad ng pamilya nina Timothy, madami rin kaaway ang pamilya namin kaya gets ko naman ang point nila.

"Pasok na tayo" sabi ni Dexter, tumango naman kaming lima

Kaagad kaming pinapasok ng guard matapos i-check ang mga invitations namin.

Nakita namin si Kanato na nakikipag usap sa ibang guest. Nakikipagtawanan pa ito sa mga business man.

Woah. Ang bata pa ni Kanato pero ganyan na siya. Kung sabagay, sakanila ni Kaito mapupunta ang business kapag ayaw na ni Tito Eiji, ang Dad nina Kanato.

Natigil lang ako sa pag iisip nang tumingin siya sakin. Kaagad siyang ngumiti at nagpaalam sa mga kausap niya.

"You look beautiful" puri niya ng makalapit siya sakin

"Ano ba naman yan? Alam ko na yan Kanato kaya no need to remind me" sabi ko na tinawanan niya lang sabay akbay sakin

"Nagiging mahangin ka na ah" sabi niya

Masama na ba maging honest ngayon?

"Eh ikaw nga, marunong ka na mang chix eh!" tinignan ko siya ng masama na ikinatawa niya ulit

"But seriously, ang ganda mo ngayon" namula nalang ako sa sinabi niya

"Ngayon lang?" nakanguso kong sabi, ngumiti naman siya at pinitik ang noo ko

"Do I have to remind you that that girl is off limits?" napatingin naman kami kay Timothy na naglalakad palapit sa amin

Madaming sumasalubong sakanya para batiin siya pero sakin lang siya nakatingin. Nagulat ako ng hilahin niya ako palapit sakanya. Halos matapilok pa ako sa suot kong heels.

Nakahawak ang isa niyang kamay sa braso ko at ang isa naman ay nakapulupot sa bewang ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin kaya namula ako.

Kaagad ko siyang tinulak ng marahan at tumayo ng maayos. Mahirap na. Baka ma issue pa kami. May media pa naman sa labas.

"K-kailan pa ako naging off limits? Wala naman akong boyfriend ah" gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa pagkakautal

Eh ang gwapo naman kasi ni Timothy sa suot niya ngayon. Bumagay pa ang mask na suot niya. Mas gumwapo pa siya sa paningin ko ng ngumisi siya sakin na parang may pinaplano.

"Magiging off limits ka rin pagkatapos ng gagawin ko mamaya at magugulat ka" sabi niya at naglakad palapit sakin

"Sa sobrang gulat hindi mo ma e-expect na gagawin ko yun" bulong niya sa tenga ko at tumalikod na para puntahan ang mga bisita na kanina pa kinukuha ang atensyon niya

Ano daw? May gagawin siya? Tapos magugulat nalang ako dahil hindi ko ine-expect na gagawin niya yun?

What the fuck Timothy?!

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now