KABANATA 2

8K 242 3
                                    

UNO



Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa napagpasyahan kong kumain na lang pero nag-salita bigla si bria



"Yun na ba ang kambal mong si dos?" Tanong nito sakin tango lang ang sinagot ko sa kaniya



Tumayo si bria tsaka lumapit sakin "Ahm ilang taon kana pala?" Pinasadahan ako nito ng tingin na kinailang ko naman



"Eighteen ah sige kusina lang-" napalaki ang mata ko ng matantong nasa labi ko ang labi niya.



"Good nasa tamang edad kana pala , same here babe" nakangiti nitong sabi hinalikan ulit ako nito pero saglit lang


Tuliro kong tinungo ang kusina , nawala ako sa wisyo ng dahil lang sa halik niya? Pero tsk FIRST KISS ko yun! Sinabi ko pa naman sa mapapangasawa ko lang ibibigay yun! Pero ngayon wala na kinuha na ng babaeng ngayon ko lang nakilala




"Nakakapagod!" Napatigil ako sa pagnguya ng marinig kona ang boses ni mama kaya pumunta ako dito tsaka sila tinulungan sa mga pinamili nila


"Nakakapagod po talaga nanay , Buti na lang sumama ako baka nahirapan pa kayo" magalang na sabi ni kuya edward



"Nga pala uno nasaan si dos? Para kasing siya yung nakita kong sobrang iksi ng short" napatampal naman ako saking noo letse talaga yang si dos



"Opo ma wala siya dito sabi lang niya ano eh niyaya siya nila angelica at sam" sabi ko kay mama napahinga ng malalim si mama


"Humanda sakin yang si dos mamaya oh siya ayusin ko lang itong pinamili natin at ng masamahan natin silang mamasyal dito sa probinsya natin" agad ding sumagot si kuya edward "Nay tulungan kona po kayo" tumango naman si mama at pumunta na sila ng kusina


Napadako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa kahoy naming upuan , nakangiti ito habang nagdudutdut sa cellphone niya

Padabog akong umupo sa harapan niya salamat naman nakuha ko ang atensyon niya
"Makikidaan" maikli kong sabi kasi nakaharang yung upuan sa pinto ng kwarto ko


Tila nainis ito at padabog ding inalis ang inuupuan niyang kahoy inirapan pa ako nito "Oh ayan na dumaan kana pakibilisan pwede?" Mataray nitong sabi gusto kong dukutin yung mga mata niya


Masama ko itong tiningnan bago pumasok sa kwarto



"Bwesit na babaeng yun! Matapos ako landiin may iba ding kalandian?" Sabi ko sa isip ko



Pagkatapos kong maligo lumabas na ako saktong nakabihis na sila mama kasama si kuya edward



"Bri? Hindi kaba sasama samin ni nanay?" Tanong ni kuya edward kay bria na kanina pa ngumingiti



"Sasama ako kuya tara na" tumayo na ito tsaka na unang naglakad nagkatinginan sila mama at kuya sabay iling nila



























Matapos naming mamasyal umuwi na agad kami dahil maarte si bria at naboboring daw siya kaya napauwi kami ng maaga



"Uno nasaan na si dos? Naku yang kapatid mo humanda sakin yan" galit na wika ni mama



"Naku ma kalma lang po , nag text na po si dos kanina na pauwi na daw siya-" sabay kaming napalingon ng may marahas na nagbukas ng pinto namin Dos!



Para itong lasing dahil pagewang-gewang na ang lakad hindi na nga makalakad ng maayos



"Ay susme ! Uno buhatin mo yang kambal mo ipunta mo na sa kwarto niyo" sabi ni mama pinuntahan ko si dos na hindi ko alam kung paano pa ito nakauwi



"Nanay ako na lang po ang magbubuhat" singit ni kuya edward napatingin tuloy ako dito at nginitian ko na lang. Binuhat niya si dos papuntang kwarto namin



Hindi naman lasenggera ang kapatid ko ngayon lang yan kaya lagot siya kay mama ayaw pa naman ni mama na may anak na lasenggera at marunong uminom ng alak



Bumaba na si kuya edward "Medyo okay naman po siya nakakausap ko pa nga" natatawa niyang sabi



"Hay naku! Oh siya mga anak matulog na tayo maaga pa ang byahe niyo bukas" ani mama sa kanila



Tiningnan ko si bria na dekwatro "Hayst sayang nanay hindi kami pwedeng magtagal dito ni bria . pasukan na kasi sa lunes" sagot naman ni kuya edward



Sabado kasi ngayon at ako? Wala akong balak na bumalik pa sa pag-aaral tama nang si dos muna ang mag-aral hirap kasi kami.



"Ahm Nay si uno ba nag-aaral pa?" Biglaay singit ni bria sa usapan




Napailing si mama "Hindi na anak hindi ko kasi kayang ipagsabay sila ni dos alam mo naman walang public dito puro private" tama puro private dito kaya nahihirapan si nanay



Tumango-tango naman si bria ilang saglit napatigil ito na parang may naisip na magandang ideya "Aha! Alam ko na nay! Kung isama na lang kaya namin si uno sa maynila? D'un siya sa bahay titira I'm pretty sure papayag si mom and dad , tsaka kami na lang ang bahala sa pag-aaral ni uno" mahabang sabi pa niya




Nagulat naman si mama sa sinabi ni bria "Ay naku mga anak salamat pero hindi-" hinawakan ko sa braso si mana "Sige ma okay sakin yun" kahit ang totoo ayaw ko bakit? Kasi mapapalayo ako kay dos na kambal ko at kay mama



"Aba kung yan ang gusto mo anak" napahinga ako ng malalim tsaka niyakap si mama "Oh halika na tutulungan kitang mag-ayos ng mga dadalhin mong damit" nauna nang naglakad si mama kaya may pagkakataon pa akong magpasalamat kay bria



"Salamat nga pala bria ? " tagos sa pusong sabi ko sa kaniya ngumiti ito sakin sabay kindat na siyang kinatawa ko "Always welcome babe basta ikaw" pahabol pa nito natatawa kong tinungo ang kwarto namin

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now