KABANATA 36

4.5K 205 39
                                    

Mabilis lumipas ang mga oras at araw at sa bawat araw na lumipas ay napansin kong iniiwasan na ako ni devon nalulungkot ako sa mga nangyayari, naisip ko nga na gusto kona umuwi sa'min kaya lang hindi pa pwede. hindi ko pa nasusuklian ang mga ginawang tulong sa'kin nila tita'tito.





"Hay Naku bessy! Sorry sa term na gagamitin ko ah? pero ang tanga mo bess. Devon na yan oh? tinanggihan mo pa? at tsaka may nangyari sa inyo diba?" Ani sachna sabay bulong sa huling sinabi.






Kinuwento ko kasi ang mga nangyari sa'min ni devon. ganun din naman Kaibigan niya si devon at malamang ikukuwento sa kaniya lahat kaya sinabi ko na lang.







Oo alam ko namang tanga ako. Mas pinili ko yung taong walang kasiguraduhan.kung babalik paba siya sa'kin o hindi na talaga.





Nagbuga muna ako ng hangin bago tumingin sa kaibigan ko na nakataas ang kabilang kilay habang nangungunot ang noo.





"Basta,May mali akong nararamdaman sa sitwasyon na'to kaya hindi muna ako magpapadalos-dalos" sagot ko sa kaniya nakita kong napaikot ang mata nito na gusto kong dukutin.






"Hayst ano pa nga ba? Basta wag mong kakalimutan na nandito lang ako" Napangiti ako sa kaniyang sinabi kaya hindi ko mapigilan ang yakapin siya.






Nagpaalam na ako kay Sachna dahil may kailangan pa akong gawin.





Nakita ko siya na naglalakad mag-isa, pero hindi maikakailang maganda talaga siya. hindi halata na nagdadalang tao siya.






Sinundan ko ito sa paglalakad, mahigit isang buwan kona rin sinusubaybayan ang bawat galaw ni bria at sa bawat pagsunod ko sa kaniya ay unti-unti kona talagang nakukumpirma na merong kakaiba sa mga ikinikilos niya.





Napahinto ako sa paglalakad at agad na nagtago sa madilim na parte ng isang poste dahil bigla na lang huminto si bria sa paglalakad na para bang may hinihintay.




Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa kaniyang harapan.Mas lalo akong nagulantang sa taong bumaba ng sasakyan.




"Hello bitch!" Nakangiting bumaba ng sasakyan si devon, Oo si devon talaga ang bumaba sa sasakyan na iyon.




Kitang kita ko kung paano ngumiti si devon kay bria hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang ibinigay nito kay bria pero parang nang-iinis ito sa isa.





Inis na nagkamot ako sa'king balat dahil nilalamok na ako at hindi ko man lang napansin na ang baho pa ng pinagtaguan kong parte.




Bumalik ako sa pagkakasilip at napasuntok ng mahina sa poste ng bigla na lang sila nawala na parang bula sa paningin ko maski ang kotse nawala na rin marahil iyon ang ginamit nila.





Pero ang ipinagtataka ko? bakit nagkita si devon at bria sa ganitong lugar? anong meron sa dalawa? ang alam ko hindi sila magkasundo at bakit parang ma- hayst dibale meron pa namang araw at susundan kona lang ulit siya, sa ngayon aalis na ako sa pwesto ko dahil hindi na kaya ng sikmura ko ang amoy ng basura isama mo pa ang mga lamok.





Marami na talaga ang nagbago, isa na dun ang paglipat ko ng bahay kung dati ay nakikitira ako kina tita'tito ngayon naman tumutuloy na lang ako sa nirerentahan kong maliit na bahay. mas okay na siguro ang bumukod na nakakahiya na sobra ang mga tulong na binibigay sa'kin ng pamilyang dela fuente sila na nga nagpapa-aral sa'kin.




Pagkabukas ko ng pinto ng bahay ay saktong may tumawag naman kaya nagtataka kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at mas lalo akong nagtaka kung bakit unknown itong tumatawag.




𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें