KABANATA 25

4.5K 167 16
                                    


UNO.









"Uy uno, balita ko kayo na daw ni bria?" napataas ang kilay ko ng lumapit si sachna ang layo na nga ng upuan nagawa pang lumapit kita nang nandito na si ma'am.













"Tsk saang lupalop mo naman nasagap yan sasna?" kunot noo kong tanong kunyari dito.












"Ay 'te malamang sikat ba naman yang girlfriend mo dito kaya malamang sa alamang mababalitaan din yun 'no" akmang sasagot na ako ng sinita kami ni ma'am.











"Kayong dalawa! oo kayong dalawa na nag-uusap kanina pa. lumabas kayo sa klase ko ngayon din." Hindi lang pala basta sita kundi pinalabas pa kami,na okay lang naman sa'kin kahit papaano hindi sasakit utak ko sa subject ni ma'am.












"Hay sa wakas nakalabas din sa subject ni ma'am" sigaw agad ni sachna ng makalabas na kami ng room mabuti na lang talaga at walang mga gurong dumadaan kundi malamang sa iba nanaman kami nito mapunta.












"hoy sasna ano ka ba naman! pinalabas na nga tayo dahil diyan sa bibig mo hay naku ha" sabi ko dito kaya sinamaan lang niya ako ng tingin.













Umupo na lang kaming dalawa ni sachna sa tapat ng pinto ng room namin habang yung kasama ko nakangiti at halos mapudpud na ang daliri at tutok na tutok ang mga mata sa cellphone.












"Uno my bessy, samahan mo nga ako sa kabilang building" ani naman ni sachna na nasa cellphone pa din niya ang atensyon.












"At bakit naman kita sasamahan aber?" ang alam ko lalandi nanaman ang kaibigan kong ito alam ko ding may kalandian lang itong tinatago ngayon na lumalabas.












"Okay sige kapag sumama ka sa'kin syempre makikita mo si bria kasi nga duon tayo pupunta, pangalawa nanduon din sa building na yun yung manliligaw ko pinapapunta ako eh" Kitams? malandi talaga dapat yung manliligaw na lang niya ang pinapunta niya dito. pero dibale na okay na din makikita ko din naman si bria.













Pumunta na nga kami sa building na sinasabi ni bria eh hindi ko nga alam kung anong pangalan ng building na yun.












"Oh nandito na tayo ahm wait.. oh ayun, yun yung room ni bria diba? tara samahan muna kita silip tayo" hinila na niya ako pero hindi kami nag-ingay kasi ang tahimik ng room tapos sarado pa yung pinto.













"Ahm bessy tatawid muna akesh sa kabilang room ah? labasan na kasi nila sabi ni jonas may sasabihin daw siyang importante okay lang ba?" tumango na lang ako dito para tapos na ang usapan.













Maya-maya ay nagsilabasan na din sina bria pero nakita ko lang yung mga kaklase niya na lumalabas siguro ay nagpahuli lang yun. kaya naghintay pa ako ng ilang minuto pero ang tagal kasi at hindi ako mapakali.












"Tagal naman nung babaeng yun." pabulong ko lamang na sabi habang nakapamulsa at saglit na napatingin sa suot kong relo.












Nakita ko ang isa sa mga kaklase niya kaya lumapit ako dito at nagtanong "Miss excuse me.. nandiyan pa ba si bria?" sabay turo sa room nila, tumango lang ito pero hindi ko masabi kung anong ekspresyon ng mukha niya.














𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now