KABANATA17

4.5K 160 8
                                    

Pagharap ko sa kanya ay hindi sinsadyang nauntog ang ulo ko sa ulo niya kaya nagkauntugan kaming dalawa








{A: kala nyo nagkahalikan n0?}








"Aray! Bakit kaba nang uuntog dyan?" Sabi ko sabay sapo saking noo masakit din yun ah buwisit na noo ng babaeng yun.








"At talagang ako pa ang sinisisi mo? Kasalanan ko bang lumingon ka?" Sagot naman ni sachna tsk ano bang meron ngayon araw at nagkakaganito kaming dalawa napapansin kong kanina pa kami nag-aaway








Itinaas kona lamang ang dalawa kong kamay hudyat na sumusuko na ako at ayaw ko nang magkaaway pa kami "Uy suko na ako tama na pwede? Ako na may kasalanan lika nga dito! Masyadong highblood" biro ko pa sa huli , hinila ko si sachna para yakapin kaso lang nakita ko si bria na masama ang tingin samin o sakin ata









"Bitawan mo nga ako! Ugh let's go na lang baka malate pa nga tayo sa kaharutan mo" hinampas ako nito at nauna nang naglakad nagtataka kong sinundan ng tingin ang papalayo niyang pigura








Binalik ko ang tingin ko kanina sa pwesto ni bria nandun siya kasama ng mga kaibigan niya paniguradong hindi ako makakalapit. "Ako maharot? Baka ikaw tanga diyan" ang harsh ko ata dun sa linyahan na yun ? "Hoy teka hintay naman" sabi ko nang makitang malayo na ito kaya tumakbo na ako para mahabol siya










Saktong dating namin sa room ay nandun na naman si madame sulit kaya nagkatinginan kaming dalawa "Paano yan teh? Late na tayo? Papasok paba tayo o hindi? Baka pahiyain lang tayo niyan" kabado ako sa mga ganito ayaw ko pa naman yung pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko lalo na kung ang dahilan nun ay late pa.










"Ha! Akong bahala" mayabang na sagot naman ni sachna nakasarado ang pinto ng room pero tinadyakan niya ito Hala! Binabawi kona yung sinabi kong mabait siya! Kaya napatingin sa kaniya syempre sama mona ako dun. Yung mga kaklase namin biglang umingay at napahinto si madame sulit sa pagtuturo.










Lumapit ito saming dalawa "Sinong walang modo ang nanadyak ng pinto?" Masama kaming tiningnan kaya napalunok ako ng sarili kong laway "Sino!!" Sa pangalawang pagkakataon ay inulit niya ngunit pasigaw na










Tumingin ako kay sachna nakakahiya "Ahm-ma'am a-ang t-totoo po niyan si ano yun eh" bigla akong sumagot pero wala akong masabi kung sino hindi ko pwedeng ilaglag dito si sachna










Biglang naglikot ang mga mata ko nagdarasal na sana may makatulong man lang samin at tingnan mo nga naman! Dininig agad ako .. Nakita ko ang isa ko pang kaklase na bingi kaya tinawag ko ito "Psst! Rohelyo! Yuhoo!!" Tawag ko dito pero ayaw lumingon









Dun ko lang napagtantong bingi nga pala ito "Madame sandali po nakita kona po" nagpaalam ako saglit sa kanila kita kong nagtatanong ang tingin ni sachna pero ngumiti lang ako










"Rohelyo!" Naabutan ko itong nagbabasa sabay akbay ko dito "Samahan mo naman ako" napailing ako nang nagtatanong din ang mga tingin nito kaya kinuha ko yung lapis na hawak niya at kapirasong papel sabay sulat dun. Binasa niya naman ito matapos nun ay tumango ito habang nakangiti , ah wag kang ngumiti ng ganyan rohelyo! Dahil mabibiktima ka ngayon.










"Madame!" Tawag ko sa prof naming agad napalingon "Ito po siya" sabay turo kay rohelyo ngumiti naman si rohelyo sabay lahad ng kamay "Hello madame" sabi ni rohelyo kay madame pero si madame sulit ay masama ang tingin kay rohelyo naawa ako kay rohelyo dahil dinamay ko siya na walang kamalay malay.











"Ikaw pala ha!" Huling sabi ni madame sulit at ang mga sumunod na eksena ay hindi namin inaasahan dahil bigla nitong sinampal si rohelyo "Sa susunod na tadyakan mo pa ang pinto habang nagkaklase ako hindi lang yan aabutin mo baka gawin kitang pilay" makamandag na sabi ni madame sulit











Grabe naman si madame bingi na nga pipilayan pa ano na lang magiging lagay nang taong yan.










Nakatingin ako kay rohelyo habang puno ng awa ang aking nasa mata , bakit ba kasi nandamay pa ako ng iba higit sa lahat sa inosente pa "Po? Bakit niyo po ako sinampal?" Naguguluhang tanong ni rohelyo kay madame kaya lalong nag-init ang ulo ng isa.











"I-alis niyo yan sa harapan ko! Nangigigil ako" ramdam kong nagpipigil lang si madame kaya bago pa siya mapilayan ay hinila kona siya papalayo sa isa "Rohelyo sorry! Sorry talaga sorry" nang makakuha ng tyempo ay sunod sunod na paghingi ko ng tawad ang ginawa ko.











"Baliw na ata si madame sulit , pero ano daw sinasabi niya kanina?" Ibang sabi nito











"Ahh! Y-yun ba kasi ano eh .. May lamok kasi oo tama may lamok daw kasi yung mukha mo kanina alam mo naman uso dengue para makaiwas ka" sagot ko sa kaniya , maya maya unti ay napatampal ako sa noo ko dahil bingi nga pala siya kaya kinuha ko ang hawak niyang papel at lapis at dun sinulat ang sinabi ko kanina.











"Hmm yun aman pala , ay sige ah alis na ako" tumango ako sa sinabi niya kaya tumakbo na ito










Kung iisipin ang daming nangyari . hayst buhay nga naman.













































•••

Short update as always po! 😅🥀

🖋 comment , comment lang mga kaibigan ah? Magkakaibigan tayo dito💚

Comment lang kayo baka sakaling may madagdag pa ako dito mga kaibigan😎

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now