KABANATA18

4.5K 166 16
                                    


Nakapalungbaba lang ako habang hinihintay ang kaibigan kong si sachna , nang aya nanaman kasi siyang kumain kami dito sa cafe kaya walang nagawa ang lola na lolo niyo kundi ang sumunod aba! Sinabi niya kasi yung magic word na













'Ililibre kita'












Kung ako na lang sana ang umorder edi sana kanina pa ako dumidighay kaso siya ang nagsabing siya na kaya no choice.













Maya maya'y naramdaman kong may tumabi sakin pero dedmakels lang ang ginawa ko nang bigla itong magsalita na siyang kinagulat ko "Ang landi mo rin 'no?" sabi nito













Kaya kahit kinakabahan ay pinilit kong maging maayos sa harap niya "Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa babaeng bigla na lang tumabi sakin at sinabihan akong Malandi Aba't ako pa ngayon ang malandi?













"Oh C'mon bitch! Bakit hindi ba totoo? Nilalandi mo yung kaibigan mo?" may halong pang-iinsulto ang pagkakasabi nito sakin pero napailing muna ako bago sumagot "Hindi ako katulad mo na kung sino-sino na lang ang pinapatulan! Kaya wag mo akong igaya sayo , oo nga't kaibigan siya pero hanggang dun lang" iniinis ako nitong si bria!














"Hindi pala malandi yung nakikipagharutan , nakikipag-" sinamaan ko siya nang tingin isipin na niya lahat ng gusto niyang isipin basta ako matinong tao!














"Si bria yun ah? Teka anong ginawa nun sayo?" Napalingon ako sa taong kakarating lang na si sachna nakangiti ko itong tinulungan sa mga pagkain "hmm wala naman.. Napadaan lang sa table natin" tumango naman ito "Ang tagal mo ha?" Sabi ko dito kumagat muna ito sa burger na unang kagat tinapay lahat "Haler , daming bumibili alangan namang sumingit ako?" Matapos nun ay tahimik na kaming kumakain hanggang napagpasyahan na naming umuwi













Wala kasing klase ngayon kaya uuwi na lang kami "Bes? Busy kaba today? Sana naman hindi" napahinto ako sa paglalakad ng magsalita si sachna kasalukuyan kaming nasa parking lot para samahan siya sa sasakyan niya natatakot daw.













Inisip ko muna kung may gagawin ba ako pero wala na naman isa pa wala namang assignment "Hindi naman bakit?" Sagot ko agad ako nitong niyakap "Omaygosh bes! Perfect timing .. Ngayon kona ipapakilala sayo si Shami my sissy" umangklas ito sa braso ko













Natatandaan ko pa yung shami na sinasabi niya pero dapat ba ngayon na?











"Let's go , tamang tama nandun siya sa bahay naku bes! Siguradong magkakasundo kayo nun" ngingiting sabi nito pero kutob kong hindi mangyayari yun.














Bago ako sumama kay sachna nag text muna ako kina tito oscar at tita amandha na gagabihin ata kami alam ko itong si sachna magpapainom ito , naalala ko tuloy yung unang beses kong punta sa kanila















"We're here na bes" Pansin ko lang na masaya ito simula nang pumayag akong pumunta dito kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayong araw. Nauna nang bumaba si sachna samantalang ako ay tulala pa din














"Hey? Let's go na wag kang kabahan! Para namang jowa kita tapos kinakabahan ka sa mga magulang ko hahaha" kinatok niya ulit yung salamin ng bintana pero bago ako bumaba ilang ulit muna akong napahinga ng malalim














"Señori este Anak sasas kumain kana ba?" Nasa likod lang ako ni sachna ng mapahinto kami at hinarang ng isang ginang na may edad na pero mahahalata mo pa ding maganda nasa likod lang ako ni sachna kaya rinig ko yung sinabi ng ginang sa kaniya kaya hindi ko mapigilang matawa.














"Nanay naman! May bisita ! Tapos tinawag niyo pa ako sa pangalan na yan!" Nagmamaktol na sabi ni sachna kaya napatingin sakin si manang "Aba eh si Unungot pala ito eh halika dito" Kaya ayaw kong mapagawi dito kina sachna dahil sa tawag sakin ni manang nakarinig naman ako ng tawa














"Omy hahahaha unongot? Like mabantot? Hahaha" Hindi naman ako nainis sa sinabi niya at inulit pa niya talaga yung sinabi ni manang "Anong unongot? Umutot yun nangongo ka lang" maski ako natatawa na din sa binigay na palayaw sakin















Pumasok na kami sa loob at kahit pangalawang beses kona dito ay gusto kong pagmasdan ang nakadikit na pininta sa dingding nila sabi ni sachna ate niya ang gunawa nun kaya naman bilib ako sa ate niya.















"Bes taas lang ako ha? Magpapalit lang ako kasi nanlalagkit na ako" paalam niya nakangiti akong tumango sa kaniya tsaka inabala ulit ang paningin sa nakasabit sa kanilang dingding.















May part sakin na gusto siyang hawakan pero wag na lang baka mahuli ako ng kapatid niya
Eh sinabi din naman na ni sachna na pwede kong hawakan ito baka pwede kahit saglit lang?
















"Wahhhh! Magnanakaw yaya! Mommy! Daddy may magnanakaw" napalingon ako sa taong sumisigaw nanlaki ang mata ko nang sinabihan ako nitong magnanakaw?















"Who are you? What are you doing here?" Pasigaw pa din niyang sabi pilit ko itong nilalapitan pero masama ang tingin nito sakin.















"Miss .. Hindi ako kawatan maniwala ka ako si Uno kaklase ko si sachna" pagpapaliwanag ko sa nagpapanic na babae pero infairness ang ganda niya
















"Are you sure?" Napahinga ako ng malalim ng sa wakas ay kumalma na ito kaya tumango tango ako "So bakit mo hinahawakan yang nakadikit sa dingding! Hindi kaba nainform ng magaling kong kapatid na bawal hawakan yan?" Mataray na ito ngayon















"Sorry miss pero teka ano?.. Kapatid mo si sachna? Akala ko ba...." Napatigil ako ng lumapit ito sakin















"Dahil sa pagiging pakialamero mo!.. Paparusahan kita mamili ka.. Hirap o sarap?"





































•••

√Sarap?😋

O

√Hirap?🙄














𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now