KABANATA8

5.3K 192 11
                                    

Sorry nagkamali ng published😁 yung isang napublished kulang pa tapos ito yung original so gays and guys enjoy reading! 💚









UNO





Uwian nanaman kaya napatayo na ako ganun palagi tuwing matatapos ang klase ay umuuwi agad ako para tumulong sa mga katulong d'un sa bahay nila bria




Handa na akong lumabas ngunit napatigil ako dahil sa taong humarang sa dadaanan ko "Hi Uno" sabi nito't pinasadahan ko naman siya ng tingin lalo ata siyang gumaganda sa paningin ko? Sa isipang yun ay napailing ako hindi pwede




"Uy Dev? Ikaw pala anong atin?" Kita kong may hawak itong paper bag "Ah kasi gusto ko lang ibigay sayo ito, hindi kasi kita nakita kanina sa cafe kaya ito saktong may sobra sa niluto ni mom" inabot ko naman ang binigay niya at nang makuha kona ay inamoy ko ang laman nun.




"Wow alam na alam mo talaga ang gusto kong pagkain ah? Salamat dito dev" sabay taas ng binigay niya sakin ngumiti naman siya sabay tango



"Uuwi kana ba? Kung okay lang sayo sabay na tayo" Napayuko ito sa sinabi kaya natatawa ko siyang nilapitan at kinurot ang pisnge




"Ano kaba naman Okay sakin yan tara" inakbayan ko siya habang naglalakad kami, napapansin kong panay ang tingin ng mga tao sa kasama ko "Iba na talaga kapag nakatira sa manila dev 'no?" Sukat d'un ay napatingin siya sakin na naka kunot ang noo.



"Baliw! Sisihin mo ang mga magulang ko kung bakit pinanganak nila akong maganda" sagot nitong nagpatawa sakin nakatanggap tuloy ako ng palo sa braso




"Haha sorry dev pero haha ikaw m-maganda? Talaga? Ganun pala kapag dito na lumaki nagbubuhat na nang sariling bangko" pinagpapalo ako ni dev habang ako ay natatawa na lang tulad pa din ng dati madaling maasar pikunin.



"Tch ecxuse me? Skwelahan ito hindi motel kaya d'un kayo wag dito wag kayong paharang-harang sa dadaanan ko pwede?" Isang ekstranghera ang nagsalita mula sa likuran namin kaya napahinto ang pagpalo sa braso ko ni devon




Napapansin ko tuwing magkakasalubong si devon at bria palagi na lang silang nagpapalitan ng masamang tingin tulad ngayon "Excuse me din! Hindi ko alam kung bobo ka o tanga o bulag lang? Ang luwag ng daanan bakit hindi kana lang d'un dumaan o hindi kaya diyan kailangan talaga dito?" Mataray na sagot ni devon




"Oh? Ang pagkaka alam ko kasi isa ako sa may-ari nitong school kaya sakin din itong daan at Gusto kong dumaan diyan sa pwesto niyo kaya kung nakakaistorbo man ako sa landian niyo wala na ko d'un" wala akong nakitaang inis sa mukha ni bria habang matapang na sinagot ang sinabi ni devon bago pa man sila mag sabunutan o etc umawat na ako.




"Dev tama na yan Hatid na kita" bumulong ako dito kay devon pero hindi ko inaasahan ang biglaang ginawa niya sakin "Wag na lang uno nandiyan na yung susundo sakin" lumapit siya sakin at "Bye" hinalikan ako nito sa gilid ng labi ko paniguradong nakita yun ni bria




"The fuck!" Gigil itong lumapit sakin "Let's go" hinila ako papunta sa nakaparada niyang sasakyan Nandyan nanaman ang kakaibang tingin ng mga kapwa namin estudyante





"Bria Masyado naman atang mahigpit yung pagkakahaw-" napapitlag ako dahil sa malakas nitong sigaw



"Shut up!" Hinarap ako nito at binitawan ang braso ko ang sagwa tingnan dahil mas matangkad ako sa kaniya pero ito ako tinalo pa ng isang pandak na babae "At talagang hinayaan mo lang na halikan ka nang babaeng yun?" Saad nito habang matalim ang tingin sakin ewan ko dito. Kung titingnan mo kami para kaming mag shotang nag-aaway Away lang hindi mo shota.




"Ha? Hindi ko alam na hahalikan niya pala ako banda sa labi ko kung yun pala ang gagawin niya edi sana naiwasan ko" naiinis na din ako sa kaniya ha! Kung hindi ko lang alam na hate niya ang kapederasyon ko aakalain ko talagang nagseselos siya kay devon.




"Talaga lang? Ang pagkakakita ko kasi nakangiti ka pa ng halikan ka na niya enjoy na enjoy mo nga diba?" Lumapit siya sakin at pinaghahampas ulit ako




"Hoy bria! Nakaka-ilan kana diyan uy aray ano ba masakit yung paghampas mo aray talagang.." Hindi na ako nakapagtimpi hinila ko siya palapit sakin na kinagulat niya ganiyan nga.!




"Nagseselos ka ba?" Mahinang bulong ko sa kaniyang tenga alam kong nanghihina siya kapag bumulong ka sa tenga niya . sa sinabi kong yun ay natulak niya ako palayo sa kaniya




Naglumikot ang mga mata niya na hindi makatingin sakin "Ako? Nagseselos? Wala sa bokabularyo ko ang salitang selos mangarap ka"




Umalis na ito't tulad ng dati kapag may hindi kami napagkakaunawaan ay hindi kami nagsasabay na umuwi. Nagkibit balikat na lamang ako



Matapos yun ay naglakad na ako palabas hanggang sa makakita ako ng mga taong wala ng matirhan , wala nang pamalit damit at higit sa lahat wala ng makain saktong naalala ko ang paperbag na binigay sakin kanina ni devon. Lumapit ako sa magkapamilya hindi ko alam kung magkapamilya sila basta lumapit na ako sa pwesto nila




"Hello po?" Magalang kong bati sa kanila kaniya-kaniya silang hanap ng pagkain sa basurahan pero napatigil nang makita nila ako



"Ano Po yun Ate? Kuya?.. Ah eh ate? Hayst kuya?" Nalilitong turan ng batang lalaki kaya natawa ako "Tawagin mona lang akong Ate , nga pala sa inyo na lang" inabot ko sa kanila ang hawak ko pero tiningnan nila ang isang babae




"S-salamat po Ate ang bait niyo po" ngumiti yung bata bago tinanggap yung pinapaabot ko napangiti na din ako



Nakakatuwang makita na masaya sila kahit sa simpleng bagay na naibigay mo para sa kanila ay isa na itong malaking bagay masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa lalo na kung nakakataas ka naman bakit hindi mo bigyan? Naalala ko tuloy yung sinabi ni Sachna nang makakita din kami ng ganito at inabutan namin :Mas maganda nang ikaw ang magbigay kesa sa ikaw ang bigyan'




Nagpaalam na ako sa kanila matapos kong ibigay ang pagkain

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now