KABANATA 32

4.5K 142 43
                                    

Nang maka-uwi na ng bahay ay nakakuyom pa rin ang aking mga kamao naiinis ako dahil sa posibleng nangyari kanina lang.

"One?" Napaangat ako ng ulo ng may tumawag sa'kin at alam kona kung sino 'to.

"Bakit po tito oscar?" tanong ko kay tito,naka suot pa 'to ng pang opisina kaya panigurado kakauwi niya lang, masyado kasing maselan ang pagbubuntis ni tita kaya maagang umuuwi si tito para alagaan ang mag-ina niya.

"Sumunod ka sa'kin" Sabi naman nito't kahit naguguluhan ay sumunod na lang din ako kay tito.

Palinga-linga ako sa paligid dahil hindi ko alam kung saan kami papunta hanggang sa huminto siya sa paglalakad ganun din naman ako sabay pindot niya ng Botton na nasa kaniyang harapan lang at duon bumukas ang pinto kaya namangha naman ako.

"Incase na may magtangka sa pamilya ko dito ko sila matatago,by the way let's go" Pumasok kami sa loob habang ako manghang napapatingin sa paligid.

Hindi ko alam na may ganito pala dito sa bahay nila kung sabagay hindi kasi ako nagkapag-ikot ikot dito sa kabuuhan ng bahay.

"Sit down" Sabay turo niya sa'king likuran kung nasaan ang mauupuan kaya naman sinunod ko ang sinabi niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa one..I know na may namamagitan sainyo ng anak ko" Seryosong sabi nito sa'kin kaya kinabahan ako ng sobra.

Hindi ko alam kung sasabihin koba ang totoo na girlfriend ko ang anak niya o itatanggi na lang? Hindi mo rin ba sasabihin yung nangyari sainyo?.

"T-tito wa-wala pong namamagitan sa'ming dalawa mag ka-kaib-kaibigan lang po kami" Sabay iwas ko ng tingin kay tito.

"Don't deny it one,Look at this picture" kinuha ko ang maliit na envelope na binigay niya kaya naman nanginginig ang kamay na kinuha ko 'to't binuksan.

"Now tell me one wala pa rin ba kayong ᎡᎬᏞᎪᏚYᎾN ng anak ko?" Ulit niya sa tanong niya.

Ilang beses akong napalunok ng aking sariling laway bago mapagdesisyunang sabihin na lang ang totoo ano pa bang itatanggi ko dito? kita na naman dito sa larawang hawak ko kung gaano kami kaharot.

"Pasensya na po tito" Matapos kong sabihin 'yun ay napayuko ako tsaka muling nagsalita "Inaamin ko po na Gi-girlfriend ko po si bria sana po wag niyo kaming paghiwalayin" sabay angat ng aking ulo at tumingin sa mga mata ni tito.

Napailing 'to ng marahan kaya napahinga ako ng malalim ngunit iba pala ang ibig sabihin nito.

"One alam kong mahal mo ang anak ko at hindi naman ako tutol sa kung anong meron kayo but" Napatigil 'to saglit bago magsalitang muli "I have one question to you,Mahal ka ba ng anak ko?" at duon ako napatigil.

Anong ibig sabihin ni tito? bakit niya natanong sa'kin 'yun? may alam ba si tito?

"T-tito -" Muli akong natigil ng sumabat si tito.

"See? hindi mo masagot?" Napailing ulit siya tsaka umupo sa tapat ko. "Go talk to her,Sa kaniya mo malalaman ang lahat siya lang makakasagot ng katanungan mo..basta Kahit ano man ang mangyari o kahit anong gawin mo.." Tumayo 'to't tinapik ang isang balikat ko "Maiintindihan ko" ngumiti 'to ng bahagya.

Habang ako ay naguguluhan pa rin sa pinagsasabi ni tito Ano bang pinagsasabi niya?.

"Sige po mauuna na po ako" Paalam ko kay tito tumango naman 'to kaya umalis na ako.

Saktong pagkababa ko ay may naabutan akong dalawang tao banda sa pintuan napakunot ang aking noo tsaka lumapit sa pwesto ng dalawa na kung sino man 'yun.

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now