KABANATA 27

4.5K 165 26
                                    

Uno











Lumipas ang mga araw naging masaya kaming dalawa syempre hindi maiiwasang isipin ang namamagitan sa'min.nag-aalala ako kapag nalaman ng mga magulang niya ang namamagitan sa'ming dalawa ni bria at ayaw kong mangyari yung bagay na ipapalayo nila sa'kin si bria.













Nandito ako ngayon sa room ni bria hinihintay ko itong lumabas last sub na kasi nila ito kitang kita ko pang napapatingin ito sa aking gawi kaya kumakaway ako sa kaniya na kinangiti naman nito.











Maya maya konti ay nakita ko nang nasa pinto na ito ngunit napatigil siya sa paglalakad ng may humarang sa kaniyang lalaki. ang kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng pagka irita











"Babe For you, by the way babe i just-" rinig ko pang sabi ni mokong aba may balak atang idate ang girlfriend ko.










"baby? tara na?" Nagsalita ako habang nag sasalita pa ang mokong sa girlfriend ko wala akong pake alam kung naputol ko man ang dapat niya sanang sasabihin.










"Wait - oh hey You're the friend right? nag-uusap pa kasi kami dude don't be rude" tulad ng una naming pagkikita ay mahangin pa rin ang kupal pero sorry siya alam ko ang mga ganiyang galawan.











"Sorry din dude pero may lakad kasi kami ng KAIBIGAN ko" Pinag diinan ko pa ang salitang kaibigan para naman mapakilala na ako ni bria dito sa mokong niya bilang kasintahan. ito yung trixie o tristan? na nagsasabi na girlfriend daw niya si bria anak ng tinola maniwala!.










"Teka nga bastos ka talaga kita mo namang kinakausap ko pa yung girlfriend-" Hindi na ako nakapagpigil nasapak ko ito aba sinabi niya ulit na girlfriend niya si bria.











"Sa susunod hindi lang yan ang aabutin mo kups kaya iwas-iwasan mo ang pagtawag sa KAIBIGAN ko na girlfriend mo" Matapang kong sabi dito habang naka upo sa sahig si tristan tsaka bumaling kay bria na nakatulala at walang imik.











"Bakit mo ginawa kay tristan yun uno? nakakahiya nag eskandalo kapa" maya't sabi nito ng makasakay na kami sa kotse niya kaya tumingin ako dito.










"At sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na pormahan ka nung gagong yun? alam ko ang mga galawang ganun bria kaya lumayo ka sa lalaking yun" Naiinis ako na ewan.











"Tch!" tanging nasabi na lamang niya nang medyo kumalma na ako ay pinaandar kona ang sasakyan pa uwi sa bahay nila.










Pagdating naman namin ay agad siyang bumaba padabog pa ang pagsara ng pinto hindi ko magets nagagalit ba ito o gusto niya lang talaga ang lalaki na yun kaya hinahayaan niyang tawagin siyang girlfriend nito?.











"Mga anak? tamang tama nandito na kayong dalawa may goodnews ako" masayang salubong sa'min ni tita











"Goodnews?" tanong ni bria sa nanay niya na nakakunot pa ang noo.











"Yes anak goodnews ito para sa'kin para sa'tin,dahil" may kinuha itong maliit na papel at binigay kay bria hindi na ako nag abala pang makitingin sa binigay ni tita "I'm two weeks pregnant" Nang marinig ko ito ay hindi ko maiwasang mabilaukan.












"Whaaat? namali lang ba ako ng rinig?" Napalaki pa ang mga mata ni bria maski ako hindi ko inaasahan na ito pala ang good news na sinasabi ni tita akala ko nadagdagan nanaman ang pera nila sa banko.











"Anak totoong buntis ako" masaya siyang sinagot ni tita nagulat kaming pareho ng tumili si bria ng kay lakas sabay tayo at niyakap ang nanay niya. "Oh my god mom! alam na ba ito ni daddy? si kuya alam na ba nila ito?" Sunod sunod na tanong niya.











"Haha anak easy okay? hindi pa nila alam buti nga sayo ko agad sinabi" pinagmasdan ko si tita masasabi kong hindi pa ito matanda at kaya pa naman.











Kita ko sa mga mata ni bria ang saya na nagkikislapan pa napaisip tuloy ako. paano kung isang araw eh magkaroon din kami ng anak? ano kaya ang magiging reaction niya?












"Uno anak? ano sa tingin mo ang magandang ipangalan sa baby?" Masayang tanong ni tita habang nakangiti sa'kin at hinihintay ang aking sagot.











"Siguro po Sa lalaki Conor Eman at kung babae naman po eh Anilla Chrisandra " nakangiti kong sagot kay tita kita kong napatigil si bria sa pagnguya ng kaniyang kinakain.










"Ang gagandang pangalan pero wait pareho kayo ng suggestion nitong si bria na Conor and eman na pinagsama mo naman" natatawang ani tita kaya napangiti ako sabay tingin kay bria na namumula.











"Sige mga anak magpapahinga muna ako para pagdating nung dalawa mapaghandaan ko haha" tumayo na si tita kaya tumango kaming dalawa ni bria.











"So same taste?" maya't sabi nito napatango naman ako "Paano kung..Magka anak tayo? anong ipapangalan mo?" nagulat ako sa tanong nito.










"Hahaha anak agad? alam mo tsaka na natin pag-usapan yan ha ha" Medyo kinabahan ako sa tanong niya.










Matapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto namin "Sige mauna kana bri, susunod ako" sabi ko sa kaniya sabay abot ng roba sa kaniya.











Habang hinihintay ko siya ay umupo muna ako sa kama matagal pa namang matapos sa paglilinis ng katawan yun kaya nilibang ko muna ang sarili ko. maya maya pa ay may mag vibrate at cellphone ito ni bria.











Hindi kona sana papakaealaman pero tunog ito ng tunog at nakakairita ang ringtone kaya tiningnan ko na ito.












Messages?












May nagtext ditong unknown number. alam kong wala pa akong karapatan para maki alam ng gamit ng may gamit pero girlfriend kona naman siya mabuti na lang nabuksan ko ito.













Ngayon ko lang nahawakan ang cellphone niya samantalang sa'kin palagi niyang tinitingnan ang duga.












Nag pop ulit yung numbet na unknown kaya binasa kona yunh tinext nito.




























"Hi babe thank you nung nakaraan ang sarap"














Basa ko sa text ng makarinig na ako ng pagbukas ng pinto ay binalik ko agad yung cellphone niya.













"Uno? sabi ko ikaw na" Sabi nito kaya napatayo ako agad at hindi pinansin ang sinabi niya.

























•••

ngii! Sino naman kaya yun? 👏🏽
May bago bang tauhan? Kung meron ..Mabuti ba siya para sa ating mga bida? O gulo lang ang dala?

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now