KABANATA 39

3.6K 124 9
                                    


𝙐𝙣𝙤

Malalim na ang gabi pero heto ako hindi makatulog dahil sa mga nalaman ko.

Vibrate ng vibrate ang cellphone ko mula pa kanina syempre alam ko naman kung bakit mula kanina pa nila ako tinatawagan medyo nag-aalala lang ako kung anong mararamdaman ng mga magulang ko.

Napalingon ako sa mahimbing na natutulog si bria . Hindi ko alam na ganun na pala ang mga nangyayari sa kaniya napakatanga ko dahil hindi ko man lang nalaman na bihag na pala siya at ang masama pa kakambal pa niya mismo ang mag kagagawan ng lahat ng ito.

Muli kong naalala ang mga pinag-usapan namin ni Bria sa mga nalaman ko gulat na gulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan na pwede pa palang mangyari yun sa totoong buhay.

"Isang araw may nagtext sakin , And then sinabi niya na magkita daw kami sa university sa may bakanteng room, sabi niya May sasabihin daw siya Hindi sana ako pupunta pero May naguudyok sakin na pumunta."

Bakanteng silid? Parang naalala ko yun yung araw na nawala siya Kaya naman sobrang nag-alala ako sa kaniya.

"At ayun nga pumunta ako sa lugar na sinasabi niya.pagdating ko dun may nakita akong tao na nakatayo madilim pero alam ko kilala kona agad dahil sa tindig niya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya syempre medyo nainis din ako kung bakit pumunta pa siya dun edi sana hindi nagkaganito.

"Si jenemie , siya yung taong nagtext sakin akala ko pag-uusapan namin yung tungkol samin dahil yun yung sinabi niya pagkalapit niya sakin , pero biglang... bigla na lang ako nahilo hindi ko alam na may tao pa pala sa likod ko"

"Nagising na lang ako na nakagapos na ang mga kamay ko , At yun lumipas lang yung ilang oras may taong pumasok at yung taong yun hindi ko.. h-hindi ko inaasahan"

Oo alam kong magulo yung mga sinasabi niya pero nanatili pa ring bukas ang tainga ko sa mga sinasabi niya.

"Si jenemie at si Xia yung kambal ko na nakangiting lumapit sakin , Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa mukha ko hindi ko alam na sinampal pala niya ako"

Nasasaktan ako sa mga pinagdaanan niya kung nandun lang sana ako para protektahan siya.

"Sinabi niya ang lahat sakin as in lahat-lahat ng plano niya. kasama kana dun sa plano niya"

Napaiyak ito kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit para malaman niyang nandito lang ako sa tabi niya.

"Ang sabi niya magpapanggap siya bilang ako at pagkatapos nun sasaktan ka niya at nagtagumpay nga siya dahil nasaktan ka talaga niya , At meron pa siyang sinabi sakin , May isa pa siyang tao na makakatulong sa plano niya."

Napaisip naman ako sa huling sinabi niya makakatulong sa plano niya? Sino nga ba siya?.

"Devon , si devon yung taong sinasabi niya Gumawa sila ng plano , Nabuntis si xia ng hindi kilalang lalaki , para nga mas masaktan ka pa at isipin mong hindi talaga kita mahal"

"At itong si devon naman nagpanggap din siya uno , Nagkunwari siyang buntis para lang... para lang mahalin mo ulit siya at makalimutan mona ako"

"Ano naman ang ganap ni jenemie dito?" Takang tanong ko sa kaniya hindi niya kasi nabanggit yung tungkol kay jenemie.

"Si jenemie yung tumulong sakin para makatakas oo siya din ang naglagay sakin sa piligro pero niligtas din niya ako , Nabulag lang siya sa mga plano ni xia na makaganti sakin , Ang akala niya kapag nagawa na ang mga plano ni xia mapapa sakanya na ako pero hindi ginamit lang si ni xia"

Muntik na akong magalit pero may mabuti din pala siyang ginawa.Halos magdagis ang aking galit dahil sa mga ginawa nila lalong lalo na si devon? Paano niya nagawa ito?.

"Ahm paano naman nahantong sa paghihiganti si xia?" Tanong ko naman.

"May - may boyfriend kasi dati si xia si christian si christian kababata ko at naging sila ni xia , Syempre hindi alam ni xia na may lihim akong nararamdaman kay christian hanggang nung isang araw sinabi sakin ni christian na ako ang mahal niya at hindi si xia , syempre natuwa ako at yun nga nagkaroon kami ng lihim na relasyon"

Parang tinusok yung puso ko ng malaman kong nagmahal na pala siya ng iba pero syempre may laban ako.

"Naging masaya naman kami pero nalaman ni xia ang namamagitan samin sobrang nagalit siya samin mas lalo na sakin hanggang isang araw nawalan na kami ng balita at si christian pinutol kona ang namamagitan samin hindi ko naman alam na babalik siya para maghiganti"

Umiiyak pa rin ito habang nagkukwento habang ako naman ay pinapatahan siya , Ang dami niyang napagdaan.

Isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit nakipagtulungan sila jenemie at Devon sa plano ni xia yun ay dahil sa pagmamahal . Ginawa nila yun para makuha nila kami habang si xia naman parang gusto niyang paglaruan ang mga taong malapit kay bria. Kaya dapat niya itong pagbayaran!.

"Oh gising kana pala" Agad ko siyang inalalayang makaupo.

Hindi ko alam pero mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito lalo na't alam kona ang lahat.

"Uhm Ano na palang plano mo?" Biglang tanong niya.

Wala naman akong maisip na plano para sa dalawang yun.

"Sa ngayon wala pa naman, Kailangan ko munang makausap ang mga magulang ko" Sagot ko sa kaniya.

Napagmasdan ko ito ng matagal kahit medyo namumutla siya maganda pa rin siya.

"Sorry ha? Dahil sakin kaya nangyari ang mga ganitong bagay" Ayan nanaman naiiyak nanaman siya kaya muli ko siyang niyakap.

"Naiintindihan ko tsaka wala kang kasalanan sa lahat ng to , Dun ko lang napagtanto na kaya pala parang nag-iiba kana yun pala hindi ikaw yun" Nginitian niya ako pero alam kong sinisisi niya ang kaniyang sarili.

Sa ngayon kailangan kong makausap ang mga magulang ko lalong lalo na si devon kailangan ng mahinto ang larong ginagawa nila.













•••

Sa wakas nakapag update din pero sorry kung medyo nakakalito at worst napaka ikli lang HAHAHA bawi na lang ako sa sunod gays so ayun thank you sa pagsubabay ng story ko lab yu ol🌹💙

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now