KABANATA4

6.2K 217 10
                                    

UNO

Natapos nang magturo ng prof namin kaya tumayo na ako wala naman kaming ginawa kundi ang magpakilala lang sa sarili at itong katabi ko mukhang malungkot bakit kaya? Ano namang pake ko sa babaeng ito? Edi malungkot siya.

Pailing-iling ang ulong tiningnan siya lalagpasan kona sana siya ng tumayo siya at yumakap sakin na kinabigla ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin wari'y hindi ko maigalaw ang aking katawan

Nang makabawi ay tinulak ko siya ng mahina "Hoy anong kadramahan yan?" Kunwari natatawa ako dahil sa biglaang pagyakap niya sakin pero kunwari lang yun.

"Ang bango mo talaga babe! Isa pa nga" akmang lalapit ulit ito sakin ng hinarang ko ang kamay ko "Tsk Choosy mo ah? Dyosa na nga yumayakap sayo aarte kapa hmp tara nagugutom na ako" kumapit ito sa braso ko pero hinayaan ko na lang

Habang naglalakad kami palabas nakikita kong napapatingin ang mga taong nadadaanan namin sa direksyon namin alam ko namang si bria ang pinagtitinginan ng mga tao alangan namang ako diba? Gwapo ko naman

"Kainis!" Wika nito kaya kunot-noo ko siyang tiningnan pero ang isa hindi man lang tumingin sakin "Bilisan mo ngang maglakad!" Utos nito kaya binilisan ko ang paglakad ko


"What the! Hey comeback here stupid!" Sigaw nanaman niya sana nga mapaos na itong babae na ito masyadong masakit sa tenga ang sigaw niya may pasabi sabi pa siyang bilisan ko tapos nang binilisan ko na tsaka naman nagreklamo. Lumapit ako dito

"Ikaw pala itong pabagal-bagal tsk tsk" napatingin siya sakin ng masama "Ang sabi ko blisan mo pero hindi ko sinabing iwan mo ako!" Naiinis nitong sabi pinagtitinginan na tuloy kami as in kami kasama na ako d'un


"Hayst Oh siya bubuhatin na lang kita nakakahiya naman sayo kamahalan" kahit labag sa loob ko ay binuhat ko pa din siya masyado itong chansing dahil bigla itong sumiksik sa leeg ko at inaamoy nanaman ako nag-aalala lang ako baka maubos yung leeg ko



"Bria ano ba! Gusto mo atang ihulog kita dito ora mismo? Ihinto mo yang kamanyakan mo" saway ko dito pambihira walang pinipiling lugar


"Okay sa kwarto na lang natin itutuloy.. Babe" sagot nito na inaantok na hindi na masama uwian na din naman kaya pwede na siyang matulog


Pasakay na sana kami sa kotse nang makita ko sina jokno at ang mga grupo nito "Bruh?" Lumapit sakin si jokno akmang makikipag apir ito pero nginuso ko si bria na natutulog sa mga braso ko "Naks close pala kayo? Girlfriend mo na ba si miss bria bruh?" Dugtong nito mabilis akong umiling

"Yun naman pala" sabay lingon nito kay.. Jenemie? Na kanina pa pala masama ang tingin kita ko ding nakatingin siya kay bria my goodness pwedeng bukas na lang sila makipag-usap sakin? Ang bigat na kasi nitong si bria "Ah jokno Mukha kasing kailangan na naming umuwi" paalam ko dito



"Wait what? Kami? Ibig sabihin nakatira ka sa bahay nila?" Nagsalita si jenemie ewan ko ba maski ako naiinis na din sa kaniya "Ahhh Oo sa kwarto pa nga niya ako natutulog magkatabi pa nga kami" sabi ko dito gusto ko lang siyang inggitin tingin pa lang niya alam kong may gusto siya kay bria



"Sige uwi na kami" paalam ko ulit nang maipasok ko na si bria sa driver seat ay ginising kona siya hello hindi ako marunong magdrive.siguro d'un na lang kami sa bahay nila kakain nagising naman ito mukha pa ngang naalimpungatan



"Babe dito muna tayo sa kotse I'm so sleepy na talaga" kahit inaantok maarte pa din. At isa pa yang pagtawag-tawag niya sakin ng babe

Pinagbigyan ko siya nang lumapit ito sakin at tinanday niya ang kaniyang ulo sa dibdib ko alam kong natutulog nanaman siya wala sa sariling hinawakan ko ang buhok nito inamoy amoy at hinalikan ko pa ang itaas ng kaniyang ulo.

Lumipas ang isang oras nagising na din siya nung una nagtaka siya kung bakit nakayakap siya sakin ako naman hindi ko siya sinagot pagkatapos nun umuwi na kami sa bahay nila

"Bakit hindi mo ako ginising? Tch!" Tila naiinis nitong turan sakin ng makababa na kami sa kotse niya "Ha? Teka ginising kita pero ang sabi mo inaantok ka pa kaya hinayaan na kita pasalamat ka pa nga pumayag akong chansingan mo" sabi ko din dito umirap muna ito bago naunang naglakad

Sumunod na lang ako sa loob saktong nakasalubong ko yung isa sa mga katulong na babae yung nadapa sa harapan ko noong una ko pa lang dito.nginitian ko siya ganun din naman ang ginawa niya sydney ata ang pangalan niya

"Uno bakit-Oh? Sydney? bakit nakikipag-usap ka dyan sa katulong na yan?" Mukhang galit nanaman siya kay sydney kaya hinatak ko na siya grabe naman maka katulong ang babae na ito.


"Hoy grabe naman yang sinabi mo sa tao! Hindi porket amo ka niya ginaganyan mo na siya hindi porke-" napahawak ako sa pisnge ko ng maramdamang namanhid ito

"At talagang pinagtatanggol mo pa yang babae na yan? Siguro may gusto ka d'un no? Dahil ba maganda din siya? Masarap ba siya para sayo? What tell me?" Hinahampas na din ako nito sa dibdib buti na lang flat ako kaya hindi masakit

Ewan ko sa babaeng ito wala naman kaming ginagawang masama lalo na si sydney inaano ba siya ng tao? Lakas talaga ng tama nito "Tama na bria! Uy sumosobra kana aray tsk! Isa pa talaga ano ba talagang inuubos mo ang pasensiya ko" hinuli ko ang kamay nitong pumapalo sa dibdib ko hindi talaga siya titigil hu? Sige!.

"Sabagay mahilig ka-" hinatak ko siya papunta sakin nagulat ito sa ginawa ko gusto kong mapatawa pero pinipigilan ko lang nasa bewang niya ang mga kamay ko. Tumingin ako sa mga mata niyang kay ganda titigan

"Ang ingay mo...Hindi kona kaya yang kaingayan mo ... Kaya" nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya napapikit na ito kaya malaya kong matititigan ang mukha niya pero ano siya sinuswerte? Hindi ko siya hahalikan 'no.


Lumayo ako dito dahilan upang bumukas ulit nag kaniyang mga mata alam kong maiinis nanaman ito sakin "Bakit mo ginawa yun?" Hinampas nanaman ako



"Sweetie pie? Oh my god! Bakit mo hinahampas si uno?" Agad siyang hinila ng nanay niya palayo sakin


"Mom hayaan niyo akong paslangin ang babaeng ito! Pinapaasa niya ako!" Akmang lalapit ulit si bria sakin ng hinila na siya ni tita amandha humingi ito ng pasensya na dapat ay anak niya ang gumawa.









𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon