KABANATA 35

4.5K 197 24
                                    

May nakita akong isang babae pero nakatalikod ito,Hindi ko alam pero parang pamilyar ang babaeng nasa harapan ko pero hindi ko lang masabi kung sino.



"Miss?" Pagtawag ko sa babae nagtataka ako kung bakit nakatalikod lang ito sa'kin at hindi nagsalita.



inisip kona lang tuloy na baka ayaw niya akong kausapin.



Nataranta ako ng makitang yumuyugyug na ang parehong balikat nito. kaya hinawakan ko ito sa kaniyang balikat ngunit.



"Wag mo'kong hawakan! Nakakadiri ka!" Sumigaw ang babaeng nakatalikod at medyo napaatras ako sa lakas ng sigaw nito sa'kin. para bang kilala na ako ng babae sino ba talaga siya?.



"M-miss pasensya na kung-" Unti-unting humarap ang babaeng nakatalikod at para ba akong hihimatayin sa itsura niya.



"Niloko mo'ko uno! Niloko mo'ko!" sigaw niya tsaka lumapit sa'kin at hinawakan ang damit ko, galit ang mga mata nito na nakatingin sa'kin.




"Ano-Ano bang sinasabi mo bri-" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng may maramdaman akong mga kamay na para bang hinihila ako nito.




"Uno? Uno?" paulit-ulit na tawag ng isang babae na sa pagkaka alam ko ay siyang humihila sa'kin, pero hindi pa kami nag-uusap ng maayos nitong si bria.




Tumingin ako kay bria kung kanina galit ang mga mata nito na nakatingin sa'kin. ngayon ay hindi kona mabasa ang tingin niya.




"Sinaktan mo na ko Uno! Niloko mo'ko" Saad pa niya tsaka dahan-dahan siyang lumalayo sa'kin kaya naman sinundan ko siya pero lalo lang siyang lumalayo.




Bago siya maglaho sa'king paningin ay may sinabi pa ito na siyang kinagulo ng aking isipan.




"Mahal kita" huling sabi nito at kasunod nun ay may bumagsak na maliit na butil sa kaniyang pisnge. hahabulin ko na sana ito pero may biglang humila sa'kin dahilan para hindi kona masundan si bria.























"Uno?Uno?" Sabi ng babae habang mahinang tinampal ang aking pisnge.




Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at muling napapikit ng masilaw ako sa sinag ng araw.




"Thank God akala ko napano kana" Saad pa ng babae na nasa tabi ko lang.



"Sino ka?" Tanong ko habang nagaadjust pa ang aking mga mata sa sinag ng araw. narinig ko pa itong napasinghap pero wala akong pake.




"Ha? Hindi mona agad ako nakikilala? it's me devon" Sagot niya at nang marinig ko ang sagot nito ay napabangon ako ng wala sa oras tsaka nagmulat.




Napasapo naman ako ng makadama ng sakit ng ulo dahil sa katangahan ko ay nauntog ako sa kahoy narinig kopa ang pagtawa ni devon.



"Tch! Why so clumsy? here take this" Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ito sa aking harapan, tinanggap ko naman ang binigay niyang tubig at gamot.




Pero agad din akong napaisip kung bakit kasama kopa hanggang ngayon si devon? at parehas pa kaming...




"Sige na inumin mona yan ah? bihis lang ako" nagsimula na itong maglakad papunta sa cr pero agad ko siyang tinawag





"Totoo ba ito? ikaw at ako? m-may nang-" Halos hindi ko masabi ng maayos ang gusto kong sabihin.





Humarap siya sa'kin ng nakangiti tsaka dahan-dahang tumango habang namumula ang mga pisnge.




𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon