KABANATA 38

5.1K 173 31
                                    


Sabi nila isa daw sa pinakamasaya nang 'yong buhay ay ang maikasal sa taong 'yong minamahal. Pero hindi ko ramdam ang saya na yun dahil higit sa lahat hindi ko naman mahal ang taong papakasalan ko.

"Ang gwapo talaga ng anak ko" Mula sa pagtingin sa salamin nabaling ang tingin ko sa nanay ko na halos maiyak na sa kaniyang nakikita.

Samantalang Yung tatay ko naman ay nakangiti lang nahihiya pa siguro dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa'min nila nanay tumingin din ako kay dos na sobrang ganda sa suot niyang dress.

"Nay wag po kayong maiyak, Ako nga po ang dapat umiyak Dahil ikakasal ako sa taong hindi ko mahal" Niyakap ko si nanay ng mahigpit.

"Grabe naman kasi Anak kailan lang eh nasa probinsya kapa kasama namin tapos napunta ka dito sa manila at mababalitaan na lang namin ikakasal kana" Naiiyak na sabi ni nanay habang nakayakap pa rin sakin.

"Nay para namang hindi niyo kilala 'yang si uno matinik kasi sa chix kaya ayan natali agad hahaha" Singit naman nitong si Dos at nakisali sa yakap namin ni nanay.

"Christian? Hindi ka ba sasali?" Napansin ni nanay si tatay na umiiyak sa isang tabi habang nakatingin samin.

"Masaya lang ako dahil sa wakas nabuo na rin tayo at higit sa lahat nandito ako sa masayang araw ng anak ko" lumapit siya samin at yumakap na rin. napatawa pa si nanay dahil sa bigote ni tatay na dumikit sa leeg niya.

Hay Paano ko ba sisimulan ito? Basta marami ang nagdaan isa na duon kung paano nila kausapin ang mga magulang ko akala ko nga hindi papayag si nanay sa kasalang magaganap.

Ito namang si devon marami akong napapansin sa kaniya palagi na lang may tumatawag sa kaniya mapa hapon o gabi, wala naman akong pake kung makipaglandian siya sa iba ang sakin lang iba ang kutob ko sa kausap niya.

May kumatok kaya naman pinagbuksan naman namin ito sinabi nitong magsisimula na ang seremonya kaya kaniya-kaniya na silang ayos ng sarili.

"Congrats Kambal galingan mo sa honeymoon niyo ha?" sabay kindat nito bago lumabas.

Bumuntong hininga muna ako bago dukutin sa bulsa ang wallet ko na naglalaman ng isang mahalagang bagay para sakin higit pa ito sa pera.

"Kahit nasaktan mo ako ng sobra mahal na mahal pa rin kita" nakangiti kong kinapa ang bawat sulok ng isang maliit na larawan.

Pinunasan ko muna ang aking luha na hindi ko alam na lumalabas na pala bago mapagpasyahang lumabas na, Nasa hotel pa kasi ako habang yung mga kasama ko kanina ay nauna na sa simbahan.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba marahil na rin siguro kung paano ko haharapin si devon.

"Ay sorry" Dahil sa kalutangan ko hindi ko namalayang nakabangga ako ng isang tao na ngayon nga ay nakayuko.

Biglang lumaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon hindi ako pwedeng magkamali.

"Bria?" Gulat kong tanong.

Mula sa pagkakayuko ay Umangat ang ulo nito at tumingin sakin ang mas kinagulat kopa ay ang itsura niya ngayon. Mukha kasi siyang pulubi bakit ganun?.

"A-Anong nangyari sayo?" inalalayan ko itong makatayo pumayat siya.

Akala ko ay sasagot siya pero nabigla ako ng matumba si bria sa mga bisig ko kaya naman labis akong nag-alala.

Dinala ko siya sa kwarto nandito pa rin ako sa hotel.

Pinagmasdan ko ang natutulog na si bria ang kaniyang mga balat ay parang hindi naalagaan ng maayos at ang kaniyang mukha para bang hindi nabibigyan ng maayos na hangin basta ibang-iba siya sa bria na nakilala ko.

Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa pala nagri-ring hindi ko namalayan dahil nakatitig lang ako kay bria.

"Ano? Nasaan kana? Wag mong sabihin na paghihintayin mo kami dito? at mas lalong uurong ka na sa kasal?"

Sinilip ko ang caller at nakita kong tatay pala ito ni devon.

"Hello sir? Sorry kung matatagalan ako ahm-" Sabi ko sabay tingin sa mahimbing na natutulog na si bria.
"May nakalimutan kasi ako pero darating po ako"

Pinatay kona ang tawag tsaka lumapit kay bria. Mga ilang minuto ang lumipas nakita kong gumalaw na ito.

"Bri? Kamusta na pakiramdam mo?" Nang idilat na niya ang kaniyang mga mata ay nakaramdam ako ng pangungulila hindi ko alam pero Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Akala ko sasagot ito ngunit nabigla ako ng niyakap ako nito na para bang mawawala ako sa higpit ng yakap niya.

"Uno? Ikaw ba talaga yan?" Kahit nagtataka ay tumango ako at gumanti na rin ng yakap.

"Thank God, Akala ko hindi na kita makikita, Imissyou so muchhhh" Sa tagal ba naman ng yakap niya hindi halata

Narinig kong napahikbi ito kaya pinaharap ko siya sakin.

"Sinaktan ka ba niya?" Tanong niya sakin nagtataka na talaga ako dito kay bria at sa mga sinasabi niya.

"Sino?" Ikaw lang naman yung sinasaktan ako sino pa bang iba?.

"I think hindi dito ang magandang lugar para mag-usap tayo sumama ka sakin sasabihin ko ang lahat" Tumayo ito na para bang may lakas na kaya inalalayan ko muna ito.

"Ha? pwede namang dito na tayo-

"Hindi pwede uno kailangan mong sumama sakin please wag ka muna magtanong tara na" Hinawakan niya ang kamay ko kaya nagpatangay na lang ako.

Napadpad kami sa isang tagong lugar pansin kong parang kami lang ang nagagawi sa lugar na ito.

"Kamusta kana?" Tanong ko sa kaniya ng makaupo na kami sa damuhan.

Naramdaman kong tunog ng tunog kanina pa yung cellphone ko pero wala duon ang atensyon ko nasa babaeng kaharap ko ngayon.

"Okay na ako" Hinawakan niya ang aking kamay tsaka siya ngumiti.

"Sinaktan ka ba niya?" saad pa niya naguguluhang tiningnan ko lamang siya. Tinanong na niya kanina yan ah.

Sino ba yung siya na tinutukoy niya?.

"Sino ba yang tinutukoy mo?" Tanong ko sa kaniya at mas lumapit pa sa kaniya.

"Hindi mo man lang napansin na magkaiba kaming dalawa?" Tanong nanaman niya kaya umiling na lang ako ano bang pinagsasabi nito?.

"Uno, Alam kong hindi ka maniniwala pero Ang nakakasama mong bria nung nakaraang lumipas ay Hindi ako." Sa sunod-sunod niyang pagsasalita ay ang naintindihan ko lang yung huli.

"Ha? Anong hindi ikaw? teka, teka Nagpapatawa kana ba ngayon?" Akala ko nag jo-joke siya pero hindi eh seryoso siya.

"Alam kong hindi ka maniniwala basta-basta pero totoo ang sinasabi ko sayo kakambal ko ang nakakasama mo" Tumayo ito at narinig kona lang ang iyak nito kaya napatayo din ako.

"M-may kakambal ka?" Hindi niyo ako masisisi kung lagi akong nagtataka.

Humarap ito sa'kin tsaka tumango.

"Si Xia siya yung kakambal ko" sagot nito.

Anong gagawin ko? dapat ko ba siyang hayaan sa kasinungalingan niya? Hahayaan ko ba siyang magpaliwanag?.

"Si-sige Naniniwala na ako, pero pwede mo bang Ipaliwanag sa'kin ang mga nangyari? b-bakit ganito? ang gulo eh" tumango ulit siya.

























"Ipapaliwanag ko sayo lahat".

•••

ᴡᴀᴢᴢᴜᴘ? ɴᴀʜᴜʟɪ ɴᴀʙᴀ ᴀᴋᴏ? ʜᴀʜᴀʜᴀ sᴏʀʀʏ ɴɢᴀʏᴏɴ ʟᴀɴɢ ʏᴜɴɢ ᴜᴘᴅᴀᴛᴇ ᴇɴᴊᴏʏ sᴀɴᴀ.

- ʜᴀᴘᴘʏ ɴᴇᴡ ʏᴇᴀʀ

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now