KABANATA 26

4.9K 196 11
                                    


So ayun nagbasa-basa ako ng mga comments niyo at ito na nga😂dahil mabait naman ako kaya pagbibigyan ko kayo dapat ako rin ah? oh ito na pabasa na lang 🤘🏻.

•√•√•√•√









"Bessy tara na uwian na oh" Napasulyap lang ako saglit kay sachna tsaka muling bumaling sa bintana.gabi na ngayon at tanging kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng room namin.









"Sige na, mauna kana" Sabi ko habang sa labas pa rin ng bintana nakatingin narinig ko pang napabuntong hininga ito.









"Uno" Naramdaman ko namang umupo ulit ito "Sabihin mo nga sa'kin,ano bang nakita mo o narinig mo nung pumunta tayo duon?" nag-aalalang tanong nito umiling lang ako










"Wala naman sadyang masama lang ang pakiramdam ko" pagdadahilan ko dito na medyo totoo naman.









"Hay naku dapat umuwi na-" naputol ang sasabihin nito ng tumunog ang kaniyang cellphone "Omayghad bessy, i have to go na si mommy kasi darating na at gusto niya nasa bahay na kami" Sabi nito tumango lang naman ako sa kaniya sabay sabing "Ingat"












"Kung sumama kana lang kaya sa'kin? tara na?" muli nanaman itong bumalik kaya natawa ako sabay sabing "Sasna okay lang ako,wala namang mangyayaring masama sa'kin maya-maya lang din uuwi na ako sige na mag-ingat ka" Napa tsk pa ito bago tuluyang umalis na at nilisan ang room namin.






Hindi naman ako natatakot kahit mag-isa lang ako sanay na naman akong mag-isa sa dilim hindi ko alam pero nagagandahan ako sa mumunting liwanag na nangagaling sa kalangitan.










Maya-maya ay naisipan kong umuwi na inayos kona ang mga gamit ko at inayos ang aking sarili bago humakbang para buksan na ang pinto.











Naglalakad na ako at ano pa bang aasahan ko sobrang dilim na nga talaga kaya napatingin ako sa suot kong relo napakamot ako sa'king batok ng malamang 8:16 na nang gabi kaya binilisan ko pa ang bawat hakbang ko may nakikita pa naman akong liwanag pero sa baba pa yun dahil may mga guard pa ng school ang nandidito.















"Aray" Napadaing ako ng biglang maramdaman muli ang sakit na kanina kopa pinipigilan, masakit talaga pigilin yung ihi kaya lumiko ako papuntang cr ng mga lalaki.













Matapos kong umihi ay agad na akong lumabas ngunit napatigil ako ng makarinig ako ng sigaw galing sa kabilang cr alam kong cr ng mga babae yun nung una ay hindi ko pinansin pero palakas na ng palakas yung sigaw kaya kinabahan ako ng slight.











"Help! help please help meee!!" yun ang naririnig ko habang lumalapit sa cr ng mga babae hindi ko tuloy maiwasang kabahan may mga sabi-sabi kasing may babaeng nagpaparamdam sa cr ng mga babae at tuwing gabi ito lumalabas.











"Ano ba may tao ba diyan? please help me!" Napahinto ako ng mabosesan ko ang taong sumisigaw kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at sinira ang lock ng pintuan











"Bri? bria? ako 'to si uno okay ka lang ba diyan" sigaw ko dito pero wala akong narinig na sagot mula dito naisip ko bigla na baka nga ito na yung sinasabi nilang multo pero imposible si bria talaga ang naririnig ko sa loob.











"U-uno? Ikaw b-ba 'yan?" nanginginig na ang boses nito kaya binuksan ko na ang pinto at duon nakita ko si bria na nakaupo lang at nakatakip ang mga palad sa kaniyang mukha.













𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon