Beginning

26.4K 442 18
                                    

Before you read this story I just wanna say thank you for choosing my story! I hope hindi po kayo mag sisisi at mawalan ng gana sa pagbabasa!

Madami po itong,
Typographical errors
Grammatical errors

Kaya ngayon pa lang, humihingi na ako ng paunawa😅

Lahat po ng babanggitin sa istoryang ito na mga pangalan, pangyayari, lugar o kahit ano pang mga bagay ay gawa lamang ng aking imahinasyon.

Yun lang! Maraming salamat!

Enjoy reading😊






CHAPTER 1

[MIYUMI POV]

"Hhhhmmm. Ang bilis ng oras" antok kung bulong habang inaabot ang maingay na alarm clock ko sa taas ng maliit na table na katabi lang nitong kama.

Time check 6:30am

Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang bigat sa may bandang tiyan ko, dahan dahan ko itong hinaplos at bigla akung napangiti ng maramdaman ko kung sino ngayon ang nakadagan sa akin ngayon.

Imbis na alisin ay niyakap ko ito

"Good morning baby" I whispered, then I slowly laid my little angel on my bed besides me.

Nanggigigil kung pinisil ang pisngi niya sabay walang tigil na pag halik sa dalawang pisngi at noo niya.

Pagpasensyahan niyo na, malikot talaga matulog itong anak ko. Mahilig din niyang gawing kama ang katawan ko kaya halos gabi gabi niya akung dinadaganan pag matutulog na kami.

Tumayo na ako at hinanda ang uniform ko dahil may pasok pa ako ngayong araw sa Integrated University na pinapasukan ko

Pumasok na ako sa CR para maligo, kanina pa ako dada ng dada dito hindi pa pala ako nag papakilala. So habang naliligo ako magpapakilala na ako.

I'm Miyumi Tuazon. 20 years old, college student taking BSE major in Social Studies in Integrated University (IU). I have a two year old son, named Liam. Husband? No. Wala akung asawa. Single parent ako and I'm very proud of that.

Kung may mga tanong kayo, malalaman niyo din ang sagot. SOON

Pagkatapos kung naligo at nag ayos, lumabas na ako ng kwarto

Habang pababa ng hagdan, nakita ko si mama na naka upo sa may sofa habang nakatulala.

Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sakanya

Mukhang alam kona kung anung iniisip niya ngayon.

"Ma, ayos ka lang?" Tumabi ako sakanya at hinawakan siya sa may balikat, nagulat pa siya ng bigla ko siyang hawakan pero agad din siyang nakabawi at pilit na ngumiti
"Ayos lang, may naalala lang ako---" hindi niya na natuloy ang sinasabi niya ng bigla na akung nagsalita
"Si Papa ba ang naalala mo? Ma.. Wag mo ng masyadong isipin si Papa, masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Okay?, Baka ma-stress ka nanaman niyan.." malungkot kung saad dahil kahit ako ay hindi pa talaga masyadong natanggap ang pagkawala ni Papa last month. Pero alam kung triple ang sakit na nararamdaman ngayon ni mama kumpara saakin.

Namatay si Papa dahil sa lung cancer noong nakaraang buwan kaya hanggang ngayon ay sariwa parin ang sakit saakin ng pagkawala ni Papa  lalo na kay Mama.

Wala namang mangyayari kung magpapaapekto parin kami sa pagkawala ni Papa, lalo lang kaming masasaktan at mahihirapan, lalo na si Mama. Kaya kahit masakit saakin pinipilit ko paring kumbinsihin si Mama na kalimutan na ang pagkawala ni Papa at tanggapin nalang ang mga nangyari.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon