CHAPTER 3

12.9K 293 20
                                    

[MIYUMI POV]

"Ano ba naman Miyumi! Tara na pumasok na tayo sa first subject natin! Baka nandiyan na si sir Blake!" Hiyaw saakin ni Jicell habang hila hila ang braso ko,
"Eh, ayaw ko ngang pumasok sa first subject natin ikaw nalang, sige aalis na ako" sagot ko habang hinihila sakanya ang braso ko
"Ano bang nangyayari sayo? Hindi mo naman ugali na hindi pumasok sa isang subject natin or mag cutting ah! Sabihin mo, may problema kaba kay Sir? Ano?" Sabi niya at nag cross arms pa sa harapan ko, inirapan ko siya

"Hmm a-ano kase, w-wala akung assignment k-kay sir, baka mapagalitan ako hindi nalang ako papasok sa subject niya" dahilan ko habang pinag didikit ang dalawang hintuturo ko
"Ahh? Eh wala naman tayong assignment kay Sir!" Napatingin ako sakanya
"Ah? W-wala ba? Saan kase ang assignment natin?" Tanong ko, inis niya akung tinignan
"WAG KANA NGANG MAGDAHILAN PA MIYUMI TUAZON! PAANO NA ANG FUTURE NG INAANAK KUNG SI LIAM?! PABABAYAAN MO NALANG DAHIL DIYAN SA PAG CUCUTTING MO?" Hiyaw niya,  napanguso ako.
"Ayokong masira ang future ng anak ko ng dahil lang sa pag cucutting ko, pero HINDI TALAGA AKO PAPASOK NGAYON AND THAT'S FINAL!" Sabi ko at inayos ang pagkasukbit ng sling bag sa braso ko.
" SIGE! PAG HINDI KA PUMASOK NGAYON SA FIRST SUBJECT NATIN ISUSUMBONG TALAGA KITA KAY SIR!" Sigaw niya sa harapan ko, napapikit ako dahil pati laway niya ay napunta sa maganda kung mukha

"Edi mag sumbong ka! Basta hindi ako papasok sa first subject natin! Bye!"

Saktong pag talikod ko ay nakita ko na nasa likuran ko pala si Blake. I mean sir Blake! Wtf! Narinig niya kaya ang balak kung pag cucutting?!

Oh my... Sana hindi!

"You two are my student in Contemporary Mathematics right? Our First subject" hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya kaya dahan dahan nalang akung pumunta sa may likuran ni Jicell

"Yes Sir!" Magiliw na sagot nitong lokalokang si Jicell
"Uy tara na nga pasok na tayo" bulong ko sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang may kalokohan siyang naisip

"So what are you doing here! Its already time for our subject-" kalmado niyang tanong, yumuko nalang ako, bahala na si Jicell na mag paliwanag diyan. Ts. Kung hindi niya sana ako pinigilan na mag cut ng class edi sana hindi kami mahuhuli, edi kasalanan niya!

"Eh kase po Sir, itong si Miyumi gustong mag cut ng class sainyo. Ayaw niya daw pumasok sa first subject namin----hmmp--" mabilis kung tinakpan ang bibig niya shit! Ipapahamak pa ako neto!
"Tumigil ka nga!" Bulong ko, sapilitan niyang inalis ang pagkakatakip ng palad ko sa bibig niya.
"Ikaw ang tumigil Miyumi," sagot niya at tumingin uli kay Blake I mean Sir Blake
"kaya pinipigilan ko siya na wag nalang ituloy ang gusto niya." nakangising sumbong ni Jicell, sinamaan ko siya ng tingin

"ANO? SINABI KO YON?!" Hiyaw ko, nakalimutan ko na nasa harapan pala namin si Blake, I mean sir Blake

"You two, Go back to your room. Now" Hindi kona pinansin si Sir Blake at tinalikuran kona sila, mabuti nalang at--

"Ms. Tuazon, see me in my office. Later" napahinto ako dahil sa narinig ko, a-ano daw?!

"Yan... cutting pa more!" Natatawang bulong saakin ni Jicell at nauna ng maglakad saakin.

Tsssk! Masasabunutan ko talaga ang babaeng yan!!

Pag pasok namin sa room namin ay hindi ako tumabi kay Jicell, naupo ako sa pinaka dulong upuan. Ts! Naiinis ako sakanya eh.

"Hi Miyumi! War yata kayo ni Jicell?" Sabi ni Gina,  na nakaupo sa may gilid ko, isa siya sa mga classmate ko pero hindi kami ganoon ka close.
"Ah? Medyo hehe" simpleng sagot ko, tumango lang siya at hindi na muling nag tanong dahil nag umpisa ng mag discuss si-Sir Blake

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon