CHAPTER 8

9.9K 250 8
                                    

[MIYUMI POV]

"Ayiiiee! Sabi kona nga ba at may something sakanila ni Hanz Javier eh"

"Ang swerte naman ni Miyumi, gwapo, matalino at mayaman ang boyfriend niya"

"Ayiiie. May bagong loveteam dito sa I.U"

Ilan lang yan sa mga tili ng mga classmate ko dahil sa nasaksihan nila, ngayon lang.

Sobrang pula ng dalawang pisngi ko hindi dahil sa kilig. Kundi dahil sa kahihiyan na nangyari.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla akung mag angat ng tingin at nakitang palapit saakin si Sir Blake.

Bigla ko tuloy naalala ang mga narinig ko mula kay ma'am Elise kanina dahilan para makaramdam ako ng inis,  hindi ko alam kung bakit. Basta naiinis ako sakanya! Inis na inis.

Pilit kung pinakakalma ang sarili ko at yumuko nalang ng tuluyan na siyang makalapit saakin.

Mukhang sisigawan ako nito! Arrgh!

Shit! Mukha siyang frustrated at hindi ko alam kung bakit. Bakit naman siya magagalit aber?!

Nakita niya kaya ang pag halik saakin ni Hanz?

Eh ano naman ngayon?!

"You are 15 mins. Late. Can you explain why?!"

Sir kase nahulog ako sa hagdanan dahil sa katangahan ko at sinamahan pa ako ni Hanz sa clinic kaya natagalan ako.

Gusto ko yang isagot pero wag na nga! Wala naman ding mangyayari kung sasabihin ko sakanya ang totoo tsk!

Hindi ko alam kung nag aasume lang ako, pero halata sa boses niya ang pagka inis. Ah. Siguro dahil sa kaninang umaga. Nabuhusan ko siya ng hot chocolate na iniinom niya diba?

"S-sorry sir.-" hingi ko ng tawad, wala akung maidahilan. Hindi ko naman pweding sabihin na traffic dahil alam niyang 5:30 palang ay umalis na ako ng bahay.
"I said explain" malamig niyang tugon.

"S-sir-" shit! , anung isasagot ko?! Hindi ko pweding sabihin ang totoo.

"Maybe you flirt first before entering the classroom am I right?"

Inis ko siyang binalingan ng tingin. Nakipag titigan siya saakin gamit ang galit niyang mga mata. Iniinsulto niya ba ako? Ganyan naba ang tingin niya saakin ngayon?!

Sa harapan pa talaga ng mga classmate ko, niya ako pinag sabihan ng ganyan?!

Mabilis akung nag iwas ng tingin ng maramdaman ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.

Shit Miyumi! Wag kang iiyak!

Bigla kung narinig ang bulungan ng mga classmate ko ngayon dahil sa sinabi niya

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakayuko.

Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nag salita.

"Marami ka ng bad records saakin. And once you aggrandize that , you will be approached in our discipline office. Is that clear?!" Kahit labag sa kalooban ko, tumango nalang ako at kahit na masakit parin ang katawan ko ay binilisan ko ang paglalakad para makaupo na ako sa pwesto ko.

"Mabuti nga" dinig kung bulong ng isa kung kaklase. Kung hindi ako nagkakamali, si cathy yon.

Hindi ko kase matignan ngayon ang mga classmates ko dahil pinahiya na ako ni SIR Blake sa harapan nila

"I know Hanz, he just need her because he want her to be his fling. Nothing more. Nothing less." dagdag naman ni Eunice. Tsk!

Sinamaan ko siya ng tingin na nagpatahimik sakanya.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon