CHAPTER 4

11.7K 256 11
                                    


[MIYUMI POV]

Nandito na kami ngayon sa Pizza house na kakainan namin.

Talaga palang matakaw sa Pizza si Hanz at hindi lang pala si Hanz pati narin si William dahil nakakatatlo na kami na large Pizza at kaming apat lang ang kumakain

"Waiter isang fruit soda pa nga" hiyaw ni William kay Hanz
"Ang daya mo naman! Isang lagok mo lang ang isang baso ng fruit soda ikaw na kumuha ng sayo, tignan mo nga ang saamin hindi pa nababawasan!" Nagtawanan kaming tatlo dahil kay Hanz na mukhang napipikon na dahil kanina pa siya inuutusan nitong si William
"Eh ako naman magbabayad sa lahat eh, kaya sige na tol! Minsan na nga lang kita ilibre gumaganyan kapa" asar sakanya ni William
"Ah ganon? Sige sa susunod ako naman mag lilibre pero hindi kita isasama masiba ka!" Hiyaw sakanya ni Hanz

"Ang sakit mo namang magsalita parang hindi ka nakadami ng pizza---"

"Ay ang dami mung satsat William ito na nga kukuha na kita ng fruit soda mo! KAMAHALAN!" Hiyaw sakanya ni Hanz dahilan para lalo kaming matawa.

Atlis kahit papaano ay nababawasan ang pagka bad trip ko dahil sa mga nangyari kanina sa loob ng office ni Sir Blake.

"Guys bibilhan ko lang ng pasalubong ang anak ko ah, maiwan ko muna kayo diyan" paalam ko kay William at Jicell na kanina pa nag aasaran.

Lumapit ako sa isang bread staller at tinignan ang mga slice ng pizza na naka display. Dito kase sa shop na to pweding bumili ng kahit na ilang slice ng pizza. Isa lang naman ang bibilhin ko para kay liam dahil kung bibili ako ng isang box hindi yun mauubos at hindi naman kumakain ng pizza si Mama eh, mas gusto niya ang mga cakes na binake niya.

"Hey! Bibili kaba ng Pizza para kay Liam?" Biglang tanong ng nasa gilid ko, pag tingin ko si Hanz pala,
"Oh ikaw pala, oo eh, hmm hindi ko nga alam kung anung flavor ang bibilhin ko, may cheese allergy kase si Liam at parang halos lahat ng pizza dito ay may cheese" paliwanag ko

"Oo nga no?! Hmm sandwich nalang kaya ang bilhin mo?" Suggest ni Hanz

Sasagot na sana ako ng bigla nanaman siyang mag salita

"Wait. Sina Ma'am Elise at Sir Blake ba yon?"

Bigla akung napatingin sa entrance nitong pizza house at sila ngang dalawa.

Pati ba naman dito, makikita ko silang magkasama?!

Agad akung tumalikod at tumingin nalang sa may menu.

"Ano nga palang sinasabi mo?" Balik kung tanong sakanya
"Sabi ko sandwich nalang bilhin mo para kay Liam" suggest niya ulit
"Ah? Sawa na yun sa mga sandwich dahil halos araw araw ko siyang ginagawan non." Natatawang sagot ko.

"Hi, ma'am Elise. Sir Blake" Bati sakanila ni Hanz, kinalbit niya pa ako na parang sumesenyas siya na batiin ko rin sila pero hindi ako kumibo at lumipat sa kaliwa ni Hanz
"Oh, Hanz Alfoso right? And Miyumi Tuazon, buti nandito kayo?" Nakangiting bati niya saamin. Kilala niya kami dahil Professor din namin si Ma'am sa subject na Physical Education.

"Ah wala lang ma'am naisipan lang namin na kumain dito" magalang na sagot ni Hanz
"you two are in relationship? And you are having a date right?" Sabi ni Ma'am Elise na ikinagulat ko. May pagka chismosa pala itong si Ma'am huh?!

"No ma'am, kasama namin yung mga kaibigan namin" sagot ni Hanz, sabay turo kari Jicell na hanggang ngayon ay nag aasaran parin.

"Double date?" Curious na tanong ni Ma'am Elise, napairap nalang ako sa hangin. Tsk, chismosa talaga

"Ah hindi Ma'am--" hindi na natuloy ni Hanz
"Ano bang masama kung may relationship kayo? That was normal on the college students like you. Right Miyumi?" Tanong saakin ni Ma'am Elise

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon