CHAPTER 2

14.4K 311 6
                                    

[MIYUMI POV]

Hindi ko alam kung anung i-rereact ko ng nakita ko ulit siya, after 3 years. Marami na siyang pinagbago, physically and mentally. Nung nakita niya ako kanina ay parang wala kaming pinagsamahan. Parang ibang tao ako sakanya at simpleng estudyante niya lang kung ituturing.

Para ngang nakalimutan niya na ako, na hindi ko alam kung posible bang mangyari sa tatlong taon naming hindi nagkita.

Pero kahit na ganoon.. Masaya parin ako dahil natupad na ang pangarap niya para sa sarili niya. Na pangarap ko din para sakanya. Yan naman ang gusto kong mangayari diba? Kaya ko siya hiniwalayan para sa pangarap niyang yan.

Dahil sa sobrang talino at nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag aral sa ibang bansa. Kaya mabilis siyang nakapag tapos at nakahanap ng magandang trabaho dito sa Pilipinas.

[FLASHBACK]

"Mi, ano yang binabasa mo?" Tanong ko sakanya sabay silip sa cellphone niya.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno dito sa may garden ng school na pinapasukan namin

Parehas kaming grade 11 student.

"Ah ito ba Mi? Tinitignan ko lang kung kailan magkakaroon ng USAC scholarship ang school" taka ko siyang tinignan
"USAC scholarship?" Curious kung tanong

"Napili ang campus para sa isang The University Studies Abroad Consortium (USAC) Pag nakapag take ako sa exam na yun pwede akung mag aral sa kahit saang university or academy all over the world ng wala akung ni singko na gagastusin. Mag kakaroon din ako ng monthly allowance galing sa government kapag nag aaral na ako. Sa alam ko every 3 years lang sila nagpapa-exam ng ganito at sabi dito, next year pa daw magkakaroon ng examination. And lucky 25 student lang dito sa buong pilipinas ang mapipili para makapag exam niyan. Kaya malaking opportunity yan para sa mga student na gustong magkaroon ng mataas na pag-araal, tapos kapag nakatapos na ako ng pag aaral dahil diyan. Ang trabaho na ang maghahanap sayo na hindi bababa sa 100k na salary. Oh diba? Saan kapa" paliwanag niya, napatango nalang ako.

"Bakit kapa kukuha ng ganyan kung afford niyo naman ang tuition sa ibang bansa?" Tanong ko sakanya
"Wala lang, gusto kona kasing maging independent at ayoko ng umasa sa parents ko, and tiyak na magiging proud saakin si dad pag nakapasa ako dito. At para sa future din natin to, Mi. Ano? gusto mo rin bang mag take?" Tanong niya, mabilis akung umiling
"Wag na baka hindi ko kaya, ikaw nalang at susuportahan nalang kita sa gusto mo" sabi ko sakanya

"At future ka diyan! Masyado pa tayung mga bata para diyan sa future future na yan! 16 palang ako tapos ikaw 17--"

[END OF FLASHBACK]

Biglang natigil ang pag iisip ko ng mga kung ano ano ng bigla akung sinampal ng loka lokang kasama ko
"ARAY KO NAMAN JICELL! BAKIT KABA NANANAMPAL!" Hiyaw ko sakanya sabay hawak sa kaliwanag pisngi ko na sinampal niya
"Eh kanina pa ako dada ng dada dito hindi mo naman pala ako pinapansin! Kanina kapa lutang diyan! Nadala mo ba ang utak mo dito sa university or naiwan mo sa bahay?! Kanina kapa absent minded eh!" Sermon niya saakin dahilan para mapasimangot ako
"Wala! Bahala ka nga diyan!" Tatayo na sana ako ng  bigla niya akung pinigilan
"Kainin mo muna yang lunch mo! Minsan na nga lang ako manlibre hindi mo pa kakainin tsk!" Inis niyang saad sabay iwas ng tingin. Napatingin ako sa pagkain na nasa harap ko

Nandito kami ngayon ni Jicell sa Cafeteria. Para mag lunch, pero mukhang wala akung ganang kumain ngayon

Wala akung nagawa kaya kinain ko nalang yun kahit na wala akung ganang kumain.

Natigil ang pagsubo ko ng biglang may umakbay saakin. Pag tingin ko si Hanz pala, student sa business ad. building. Kasama niya ang kaibigan niyang si William,

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon